Chapter 20

27 4 3
                                    

Chapter 20: A great view

       "Napanuod ko sa internet yung performance mo Evie! At nakita iyon ng coach natin sa cheerdance kaya excited na siyang makilala ka sa friday para sa unang araw ng practice natin."

      Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Kakauwi lang namin dito sa Villa galing Cavite at sinugod agad ako ni Jane at ni lena.

       "Friday na? So may practice tayo ng weekends?" Tanong ko. Tabi-tabi kaming tatlo dito sa kama ko.

       "What? Pati weekends? Eh Mavie day yun lena!" Pag rereklamo ni Jane habang nakatuon yung pansin sa kanyang cellphone.

       "Yup. Kaya Evie kailangan mo mag Multi-Task, mahirap ang course mo at alam kong mahahati ang oras mo." Umiling lang ako at pinikit ko na yung mga mata ko.

       "Hey wait lang ganto tayo bukas girls. Ang cute kasi!" Napadilat ako sa pag yugyog ni Jane saamin.

      Pinakita niya saamin yung screen ng cellphone niya. May picture duon na Koreana na naka School uniform.

      "Uy sakto nakalimutan ko! Binilihan ko kayo ng ganyan." Napatayo ako sa pagkakahiga at pumasok sa closet room ko. Dineretso kasi duon ni kuya ang bagahe na pinadala ni mommy na naglalaman ng mga pasalubong para sa mga pinsan ko at yung mga bagong bili niyang mga damit saakin.

      "Really? As in kagaya nito?" Tanong ni Jane at tumango ako. Kinuha ko yung nakahiwalay na paper bag at binigay sakanila.

     "Akin yung black na medyo may white ah." Sabi ko sakanila at hiniwalay nila yun at tinapon saakin.

     Kay Jane napunta yung red na may onting white din at kay lena naman ay Navy blue.

      "Shems kagaya nga nung palda ng mga students sa Korea! Salamat Evie!" Tumango lang ako sakanila at hinagis kung San yung akin at bumalik na sa pagkakahiga sa kama.


      "Ayy! Oo nga pala lena. Nakalimutan kong sabihin sayo na mag su-sub teacher daw ang mga alumni dahil sa part daw iyon ng program sa nalalapit na intramurals natin." Sabi ni Jane. Tinalukbong ko na sa muka ko yung comforter at pumikit na.

      "Really? Sino sino daw na mga alumni?" Rinig kong tanong ni lena. Pinapakinggan ko lang silang dalawa habang nag hahanap ng antok dahil Mukang nagising yung diwa ko kanina dahil dun sa pasalubong.

       "Yung isang lawyer dun sa lawfirm nila Carlos yung hot! Siya ata mag su-sub kay mavieloves or mag a-assist lang  then satin babae sa bussines ad! Malas nga hindi masaya! Hindi ko na tinanong kung sino wala naman akong mapapala, pero baka kilala mo. Then sa agriculture ata yung Courtney something, basta iyon lang yung alam ko." Napadilat ako at automatically napataas ang kilay ko.

      "Who are they?" Medyo nagulat sila sa pagsali ko sa topic.

      "Naku Evie ang swerte mo kase crush ko din yon Dati yung taga lawfirm nila Carl kaso nakalimutan ko na pangalan." Tumango tango ako. Hindi naman 'yun' yung gusto ko malaman.

      "Then yung amin di ko alam." Nakasimangot ako ng hindi napunta yung usapan duon sa Courtney na na flatan yung dibdib!

       "Who's the last one? Courtney?" Pinilit kong hindi maging obvious pero alam kong nakaka sense na itong dalawa kong pinsan.

      "Courtney Mallari, 25 years old. Alumni. Part of the cheerleading squad and owned a large land somewhere here. Ang alam ko ay naging model iyon sa manila kaya hindi na nakabalik dito ng ilang taon—-Oh! Right! I remember!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni lena sa huling sinabi.

MY ONCE UPON A TIMEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt