Chapter 17- Away

292 4 4
                                    

KENNETH’S POV:

Ilang days na ang lumipas… Ilang oras na ang dumaan… Ilang minuto at segundo na ang natunaw sa orasan… Wala. Wala pa rin. Andito ako ngayon sa UA. May klase pero lutang ang isip ko. Kaya lumakad na lang ako papunta sa gym. Tandang tanda ko pa rin ung nangyari…

“Oi ! Bawal---“

Ung boses niya. Paulit ulit kong naririnig sa utak ko. Aish. Ewan ba. Naglakad lakad pa rin ako. Pagkalingon ko sa may kanan ko, may babaeng nakaupo sa bleachers. Nakatulala lang siya. Malalim ang iniisip.

“Naomi…”

Pagkabanggit ko ng pangalan niya ay hinablot niya agad ang bag niya at umalis na. Gusto ko sana siyang pigilan kaso may sinasabi sa’kin na “She needs time”. Pinagmasdan ko na lang siya habang lumalakad palayo. She’s so… different. Para bang sinaksak bigla ung puso ko at dinukot. Ewan. Basta ang sakit. Sobrang sakit.

“Tumingin ka lang Naomi. Please… 10, 9, 8…”

Lumalakad pa rin siya.

“5, 4, 3…”

Please…

“1…”

Lumabas na siya ng gym at naiwan na lang ako mag-isa sa loob.

No One Else (KathNiel) [On-Hold]Where stories live. Discover now