Chapter 22- Expectations

299 3 1
                                    

NAOMI’S POV:

Pag baba ko sa MOA, wala lang. Parang normal na day lang dahil dun sa mga tao sa paligid. Madami pa din. Walang unsual. T-teka. Pano ko mahahanap yung mga sticky notes dito?! Pumunta ako sa loob at nagpalinga linga. Hm?

Lumapit sa’kin ang isang bata at inabutan ako ng isang box na may yellow sticky note na hotdog ata ang laman.

SN#4: Happy Hotdogs :)

Napangiti ako. Happy Hotdogs? Yes. I remember. Siya pala yung lalaking lagi akong kinukulit noon nung may part time job ako sa Hotdog Stand. That’s why he looks so familiar nung nagkita kami sa EK. Para nga siyang sira ulo eh. Hinihingi yung pangalan ko, yung number ko. Basta ganun, binubulabog ako.

*FLASHBACK*

At ngayon, nakatayo sa harap ko ang isang unggoy na dada nang dada.

“Di mo man lang ba ako type?!” napatingin naman ako sa kanya. “Kahit maging kaibigan lang?!”

“OO! Type na type kita ! “

“See? Yun lang yun eh.”

“Type na type kitang tirisin na parang kuto. Ibaon sa lupa. At baliin na parang patpat.” Napangiti naman ako. “Ai sorry. Patpat ka na nga pala.” Then I made a face.

“Ang kapal ng mukha mo ! Kala mo kung sinong maganda.”

*END OF FLASHBACK*

Hinila nung bata ang damit ko at dinala ako sa isang dress shop. Teka, akala ko ba sa Happy Hotdogs kami pupunta?

Pagkakita sa’min ng isang saleslady, tumakbo siya agad sa counter at kinuha ang isang malaking box na may kasamang isang paper bag. Tinulak agad ako nung dalawa sa isang dressing room. Sinilip ko muna ang laman ng box. White dress. Tapos yung paper bag, shoes. Sinuot ko na lang ang dress at sapatos para makaalis na ako.

Chineck ko ang phone ko. Walang messages mula kay Kenneth. Aba. Nalobat ata? O kaya, nawalan nang load? Syempre naman. Kahit mayaman siya, nalolobat at nawawalan din siya ng load.

--------------------

God. Ang sakit na ng paa ko ah. Kanina pa ako paikot ikot dito. Mahirap din pala pag walang nagtetext kung san ka dapat pumunta. Lumakad na lang ako palabas ng MOA. Baka may naghihintay sa’kin dun.

“What the?”

Pinalibutan ako ng madaming tao. Lahat sila, nakayellow. My favorite color. Lahat din sila, may dalang rose na may sticky notes. Nilapitan ako ng isang lalaki at inabutan ako ng rose.

I wanna make you smile whenever you're sad

Napatingin ako sa kanya at nginitian niya naman ako. Sinenyasan niya naman yung iba. At lumapit sila isa isa at inabot sa akin ang rose.

Carry you around when your arthritis is bad

Oh all I wanna do is grow old with you 

I'll get your medicine when your tummy aches 

Build you a fire if the furnace breaks 

Oh it could be so nice, growing old with you 

I'll miss you 

Kiss you 

No One Else (KathNiel) [On-Hold]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα