CHAPTER 101

2.1K 61 2
                                    

Xylien Smith's Pov

Nagstay kami dito sa france dahil dito nga gaganapin ang kasal namin, isang buwan nalang ang hihintayin namin at tuluyan na nga akong magiging Mrs. Cortez. Nasa resort kami ngayon tinitingnan ko si Aling merna na sayang saya at kung paano nanabik sa kanyang asawa agad din naming pinaluwas ang kanilang dalawang anak dito upang ipaalam ang balita.

"love?" napaangat ako saking paningin at nakita si drake na karga si Zarnaih nakaswim suit pa ito ang cute niya sa kaniyang suot, nakaupo kasi ako sa buhangin umupo din si drake sa tabi ko, ngumiti ako sa kanya at hinalikan niya ako sa noo. Ang ganda pa ng view sobrang asul ang tubig at puting puti din ang mga buhangin.

"mukhang ang lalim ng Iniisip mo ah" malambing na anas ni drake ngumiti si zarnaih sakin kaya hinalikan ko ito.

"Natutuwa lang ako para kay aling merna"nakangiting saad ko. "Maraming salamat sayo love, mahal na mahal kita" sabi ko ngumiti naman siya sakin.

"ano ka ba wala yun, mahal na mahal din kita" sagot niya

Ayun kay Manong kanor kaya daw bigla siyang naglaho dahil nung dinakip ang dalawang lalaki ng pulis papauwi na sana siya nun ng may humarang sa kaniyang itim na Van na sa pagkakaalam namin ay pagmamay ari nga ng stepmother ni drake. Grabe ang sama niya di man lang niya ba naisip na apo niya ang pinapapatay niya dahil nasilaw siya sa mga salapi ng mga Cortez? Sabi din sakin ni drake na mukhang inakit at pinakasalan niya ang ama niya dahil sa pera iba talaga ang magagawa ng tao dahil sa pera. Binugbug daw si manong kanor at pilit na pinapa-amin kung saan niya ibinilin ang bata ngunit niisang salita ay wala siyang binitawan binuhis niya ang kaniyang buhay para kay Zyl at alam kung kapag sinabi niya na nasa akin ang bata ay tiyak kaming dalawa ni Zyl ay nakalibing na ngayon.

Kaya labis ang tuwa namin ni drake sa ginawang karangalan ni mang kanor, akala ng dumukot sa kanya ay patay na siya kaya tinapon siya sa lugar kung saan malayo at di niya alam. Kaya dapat lang na bigyan siyang pugay at suklian ang mga kabutihang ginawa niya kulang pa yan sa pagbuhis ng buhay niya.

"Halika na love kakain na tayo" putol ni drake saking pagmuni muni

"Nasaan ba ang kambal niyan?" Saad ko at nginuso si Zarnaih na sayang saya na tinatampisaw ang paa niya sa dagat. Tumitili pa ito dahil gustong gusto niya ang ginagawa ng daddy niya sa kanya masaya naman akong tinitingnan sila. Drake is a husband material, nasa kanya na ang lahat at wala ka ng hahanapin pa kaya lang mukhang magkakasakit ka sa puso sa mga surprisa niya. Tumayo na ako at kinuha si Zarnaih sa kanya.

"Halika na tinatawag na tayo ni mommy" wika ko ngumiti naman siya sakin at inakbayan ako tsaka sabay na kaming naglakad papunta sa cottage. Nakangiti naman silang lahat na tumingin samin habang bitbit na ni kuya yung kambal ni Zarnaih.

Sana ganito nalang palagi walang problema at puno ng saya, sabik na kung matunghayan ang paglaki ng binata kung si Zyl lalo na ang kambal. Nagsikainan na kami masarap ang mga pagkain lalo na't nasa tabi ka ng dagat ay talagang natatakam ka, kakarating lang din ng mga anak ni mang kanor na may luha at sabik sa pagkalinga ng kanilang ama. Malaki na ang anak ni mang kanor sa pagkaka alam ko ay gra-graduate na sa kolehiyo ang panganay at 16 naman ang bunso.

"Mahal oh, ahh" napatingin ako kay drake gaya nga ng sabi niya ngumanga ako at sinubuan niya ako.

"Ang sweet naman" saad ni kimmy kaya napatingin kami sa kanya

"Oh ikaw din babe say ahh" pag gaya ng fiancee ni kimmy kay drake at ngumanga din si kimmy bago niya ito sinubuan kaya nagsitawanan kami. Selos jpeg!

"Tita pwede na po ba kaming maligo ni zyl?" kinalabit ako ng anak ni nathalie at nasa likuran niya si Zyl

"Ay nako kumain muna kayo" sagot ko

Adopting The Billionaire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon