CHAPTER 45

4.2K 123 6
                                    

Xylien Smith's POV

MAHAL KITA

MAHAL KITA

MAHAL KITA

tangina tama batong narinig ko? Feel ko naiihi, natatae ako at masakit ang tiyan ko, dagdag pa ng sobrang kaba, ano ba to? Jussmeeeyo. Tumingin ako kay drake na mukhang may inaantay na sagot ano sasabihin ko? Ngumiti ako sa kanya na naiilang.

"A-Ahh ehh hehe ano kasi e-ehh" tangina ano ba sasabihin ko?! Tumingin uli ako sa kanya ganun pa din reaction niya. Jusskoo naman nanginginig na ang buong katawan ko sa nerbyos piste ano ba kailangan kong gawin. Pumikit ako habang nakatagilid sa kanya para di niya masyadong makita.

"Mom?" Napatingin ako kay Zyl, jusskoo anak you save me Thank you. Buti nalang gumising ka.

"Y-Yes baby b-bat gising ka pa?" Piste nanginginig boses ko.

"What are you doing?, Why you closed your eyes while murmuring?" Tangina anak wag mo kong ipahiya.

"A-ah nothing, t-tulog na kayo mag c-cr lang ako" dahilan ko at dire-diretsong pumunta sa cr, naghilamos ako agad, sinampal sampal ko ng mahina ang pisngi ko habang nakatingin sa salamin. Jusko ano nangyari sayo't namumutla ka? Matagal tagal din akong nasa loob.

Mga 30 minutes mag a-alas dyes na din gabi, lumabas ako ng dahan dahan at sinilip sila, nakita ko namang tulog na ang dalawa. Nakahinga ako ng maluwag at papunta sa gawi ni drake. Umupo ako sa gilid ng kamay niya dun sa left side kasi sa right side ay nakalapat ang isang kama ni Zyl.
Pinagmamasdan ko lang siya, ang gwapo pala niya tsaka jusko ang kapal ng kilay ang taas ng pilik mata then kissable li---- juskoo anong ginagawa mo Xylien?

MAHAL KITA

MAHAL KITA

Bat ba paulit ulit to sa isip ko? Nasapok ko yung ulo ko. Umayos ka jusskoo. Tumingin ako uli Kay drake habang himbing itong natutulog ay hinalikan ko siya sa noo.

"Thank you drake kong wala ka talaga dun? Di ko alam kong buhay pa ako ngayon, sobrang bait mo sobrang laki ng utang na loob ko sayo." Wika ko at muling umupo pinagmasdan ko lang ang mukha niyang tulog.

"Ano ba yong pinagsasabi mo kanina? Nabaril ka lang, nabaliw ka na din"

Baliw na ba ako? Kinakausap ko ang tulog hahha

Pero totoo kaya yung sinasabi niya kanina?
Alam mo drake? Di ka naman mahirap mahalin eh, mukhang ideal boy ka nga ng lahat, tapos inuuna mo pa kapakanan ng iba kaysa sa sarili mo. Ganyan ka ba kabait?
Pero sa totoo lang 2 years ago yung umalis kami? Sobrang nalungkot ako nun, lalong lalo na nong nakita ko yung mga luha na pumatak galing sa mata mo na di ko alam kong Why at bakit? Di joke lang pareho lang pala sila HAHAHA. Ang bait mo sakin sobra lalo na kay Zyl. Kaya drake? Kong totoo man yung sinabi mo kanina? Hehe sana nga. Pinagmamasdan ko lang siya habang tulog.

"Mahal din kita" sabi ko at kinamot yong paa ko.
Tae kinagat ng langgam, pano nakapasok to dito? Nakasara naman yong pinto? animal!!

Tumingin ako uli kay drake, nagtataka ako ng may nakaukit na ngiti sa kanyang labi, ano naman napanaginipan ng baliw na to? Napugot ko ang aking hininga ng bigla siyang dumilat, piste sana di niya narinig.

"Ba't gising ka pa?" Tanong niya sakin, nakahinga naman ako ng maluwag. Salamat di niya narinig.

"Ahh may a-ano wala m-matutulog na" sabi ko at tumayo.

"Xy?" Malambing niyang tawag. tumindig naman ang balahibo ko animaaaallll ano to?! Mukha akong robot na tumingin sa kanya, natutuod ako bwesit!

Adopting The Billionaire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon