CHAPTER 7

7.9K 269 1
                                    


Kasalukuyan akong nandito sa opisina habang nag aasikaso ng importanteng papeles. Si baby? Andito sa tabi ko natutulog.

Di parin nawawala sa aking isipan Kong anong ibig sabihin ng panaginip ko kagabi.

"Ma'am? Ito na po pinadala in sir para pirmahan mo"

Wika niya at nilagay ito sa mesa ko.

"Ma'am? May meeting nga po pala ngayon"

Pagpapa alala niya. Tango lang ang tanging sagot ko habang nakatuon pa din sa mga papers
Umalis naman siya tsaka ko kinarga si baby.

Dadalhin ko ba to sa meeting room?

Malamang sinong magbabantay sa kanya dito?

Agad akong lumabas at tinungo ang meeting room.

Baby? Wag ka malikot dun ah? Sabi ko kakagising niya lang rin. Andito ako sa pinto ng meeting room bago pumasok ay huminga ako ng malalim.

Marahan Kong binukas ang pinto at dinungaw ang ulo ko madaming tao. Tumingin naman sila sakin. Woohhhh kaya ko to. Sambit ko at huminga ulit ng malalim kaya natin to baby

Pumasok ako at ngumiti sa kanila palipat lipat ang tingin nila sa akin at sa bata.

"ANAK MO?"

Sigaw nilang lahat napapikit ako ng mariin at nagulat naman ng bata.

Lakas ng iyak nito agad ko itong hinili.

"Woyy magsitahimik kayo't mabaho daw bunganga niyo"

Suway ko sa kanila.

"Pero Yong totoo anak mo?"

"Anak mo yan?"

"Totoong bata ba yan?"

" pakarga nga"

Wala akong nasagot sa tanong nilang sunod sunod.

Napatingin kami sa nagsalita

"Guys? Andito na po si sir"

Anunsyo nito tumango naman ako at nagsi ayos ng upo ang lahat..

At pumasok ang isang gwapong lalaki ang gwapo niya sa suot niyang pormal bagay na bagay sa kanya pero may nakita akong kakibang emosyon sa mukha niya ewan ko basta di ko maintindihan.

"Hi everyone my name is EZIKIEL DRAKE CORTEZ, 24 years old who handle the FCC which is Furniture CORTEZ Company. And we'll be a business partner of Ms. Xylien blah blah bla blah"

Madami pa siyang sinabi, tiningnan ko ang bata kasi bigla siyang tumawa hehe gwapo mo talaga anak kamukha mo yung nagsalita HAHAHA assuming pero may pagkahawig naman talaga.

Hmm? Ng matapos siyang ipaliwanag sa amin ang lahat ng proseso ay isa- isa kaming nakipag shake hands, tumungo siya sakin at nilahad ang kamay niya.

" EZIKIEL DRAKE CORTEZ and you are?"

Saad niya habang nakalahad kamay niya.

"XYLIEN SMITH"

Pakilala ko bago kinuha ang kamay niya para magshake hands at nagbitaw. nakita ko siyang tumingin sa bata tumawa naman ang bata kaya napangiti rin siya.

"Handsome baby ha?"

Sabi niya sakin at muli kong nasilayan ang kakaibang emosyon sa kanya.

"Thank you"

Sabi ko at ngumiti tawang tawa naman ang bata.

"I gotto go bye"

Paalam niya at nilisan ang meeting room.

EZIKIEL DRAKE CORTEZ?

EZIKIEL DRAKE CORTEZ?

EZIKIEL DRAKE CORTEZ?

hmm? Familiar? Nakilala ko na ba to?

"Rinig mo yun baby? Gwapo ka daw?"

Sabi ko at hinalikan ito.

Adopting The Billionaire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon