PROLOGUE

20.3K 395 7
                                    

Naglalakad ako pauwi kasi nga na flat yung kotse ko tangina bat kasi wala akong boyfriend? Yan tuloy walang kumukuha sakin *sigh* HAHAHA! drama ko joke lang uy sarap kaya sa buhay ng walang nagmamahal HAHA! joke lang po ibig ko pong sabihin walang nangingi alam sa buhay ko.

Sakit na ng paa ko alas syete nadin ng gabi isang kanto nalang ay madatnan ko na ang condo ko, kong bakit kasi walang taxi na dumadaan dito ehh.

Pero nagulantang ako ng may isang kotse na tinawag ako GHAAAAAD Sino to? Tumakbo na ako ng mapagtantong papunta siya sa gawi ko. The hell!

Binilisan ko ang takbo ko ng bumaba ang isang katandaang lalaki at tumakbo papalapit sakin, HUHU pagod na ako, mangiyak ngiyak na ako sa takot.

Di ko na kinaya at naabutan niya ako at walang pasabing kinarga ako. At pinasok sa loob ng kotse.

"K-Kuya k-kidnap po ba to?" Ewan ko kung bakit ako nagtatanong ehh klarong klaro na nga. Matanda siyang lalaki pero mukhang bata padin yong itsura. Di siya umimik at nagdrive na nangangamba ako pero nangibabaw pa din ang pagtataka.

"San ka bababa?" Nagulat ako sa tanong niya? Diba kidnap to? Bat niya ko tinanong kong san ako bababa? Weird.

"A-Ahh a-ano po sa diyan po sa m-may kanto" saad ko, habang nagtataka padin lahh? Gentleman ganun ? Pinasakay lang ako? Siguro naawa siya sakin? anghel ko ata to thank you lord.

Nawindang ako sa narinig kong umiiyak na bata kasabay nun ang paghinto ng kotse sa mismong kanto na tinuro ko bumaba si manong at kinuha ang bata.

Bumaba na rin ako at dali daling naglakad palayo.

"Miss teka" sabi nong lalaki.di ko siya pinansin sa sobramg kaba ko, at walang lingon lingon na binaybay ang madilim na daan.

"Sana gambalain ka ng kunsensya mo" sigaw niya kaya napahinto ako at nagtakang tumingin sa kanya agad naman siyang tumakbo sakin at daladala ang bata.

Juskoforpabor mahulog ang bata!

Paglapit niya ay agad niyang pinasa ang bata sinalo ko naman ito agad-agad, kasi baka mahulog nagmamadali si kuya.

"M-Maam alagaan mo siya ng mabuti nakikiusap ako sayo, wag na wag mo siyang sasaktan" sabi niya na hingal na hingal kaya nagulat ako.
" K-Kuya teka di po ako m-marunong-----" di ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya ulit.

"Nagmamakaawa po ako ikaw lang po kasi ang mapagkatiwalaan ko alam kong mabait ka protektahan mo siya. Anak siya ni EZIKIEL DRAKE CORTEZ nanganganib po siya kaya parang awa na po, ako si mang kanor ipag-alam mo sa kanya na mag iingat siya palagi pag nagkita kayo" tulala akong nakatitig sa kanya habang nagtataka pa din, di na napasok sa isipan ko ang mga  pinagsasabi niya dahil sa nalilito na ako, bigla niya akong tinulak kaya malapit na akong matumba buti nalang at nakabalanse ako agad.

"Ma'am magtago po kayo dali" mahinang bulong niya, tumibok naman ang puso ko ng mabilis kahit na naguguluhan ay sumunod nalang ako sa kanya.

Nagtago ako sa isang liblib na kong saan ay mahahagilap ko parin yung lalaki na nagbigay sakin nitong baby.
Nagulat ako ng mahiga siya sa sahig habang sinusuntok ng dalawang lalaki na nakamask na nakaitim lahat.

" SAN YONG BATA HA?! SAN MO TINAGO!" Sigaw ng isang lalaki. Napayakap ako sa bata tiningnan ko siya at mahimbing itong natutulog sa braso ko tinakpan ko ang bibig ko. Para mabawasan ang panginginig ko.

"SAAN HA?! PUTA KA AYAW MO MAGSALITA" sigaw ng lalaki at binugbug nila ang matanda.

Kinuha ko cellphone ko at dinial ang number ng mga pulis.

"Emergency here in GUITYER STREET HURRY UP! Bago nila ito mapatay" mahinang sabi ko ko at pinatay agad.

Mga ilang minuto ay agad kong narinig ang tunog ng kotse ng pulis at nakita kong nadakip yong dalawa pagkapasok nong dalawa ay lumabas na akong dala dala ang bata lumingon ako sa lalaki na nagbigay nito sakin tumingin siya sakin then he mouthed
'THANK YOU' tumango naman ako at nilisan ang lugar.

Pano ko to haharapin with this baby?
Napailing nalang ako sa mga problema na bumabagabag sa isip ko.

Adopting The Billionaire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon