"Xy? Paabot ng mansanas" sabi niya at nagpapacute kala mo naman cute. Kinuha ko yong mansanas at binato sa kanya.

"AAAHH!!" sigaw niya kaya napatingin ako namimilipit siya sa sakit habang hinawakan yong left chest niya, juskoo konektado to sa sugat niya agad naman akong lumapit sa kanya.

"D-Drake? I'm s-sorry" sabi ko habang natataranta.

"Mom W-Why did you do that?" Nangingiligid luhang tanong ni Zyl. Huminga ako ng malalim.

"Im sorry, I'm sorry" natataranta kong sabi.

"O-Okay lang Xy" sabi ni drake at alam kong di okay.

"Mommy it's your fault, that's why k-kiss daddy" utos niya, ito na naman ba 'to baby? Wag mo naman akong biruin ng ganyan.

"Baby I won't do that" sabi ko at lumunok, tumingin naman sakin ang manyakis, kaya lumunok ako.

"Go Mommy you can do it" sabi niya na mukhang excited na excited.

"I w-wont do it" sabi ko at nangangamba.

"Mommy?" Tawag niya kaya tumingin ako, ayan na naman yang ganyang tingin na yan baby ehh.

"N-No" sabi ko

"Pagbigyan mo na" nakangising sabi ni drake, tiningnan ko naman siya ng masama ."Wala akong sinabi" maang maangan niya at tinikom ang bunganga niya! Suntukin ko yang sugat na yan ehh.

"Go mommy" cheer sakin ni Zyl.

"Baby Zyl might hate you if you don't do it" sabi niya sa malungkot na tono at yumuko.

"Okay fine!" Suko ko at kinurot si drake ng patago

"Ouch baby ohh, nangunguro---" di niya natapos ng mahalikan ko siya sa lips. Lumaki ang mata ko sa ginawa ko!! Piste anong ginawa mo Xylien? Nanginginig ako. Bigla akong napaatras at napahawak sa bunganga ko at tumakbong Cr. Ayan na naman ang pula na ng pisngi ko pano na ako makakalabas nito? Atsaka Xylien bakit mo siya hinalikan? Naghilamos ako. Jusskooo bakit nga ba? Paano ako lalabas ngayon? Paano ako makipag usap sa kanya? Baka isipin niya ginusto ko talaga yun! Urrgghhhh pahiya ka! Malandi ka Xylien.

"Hahahhahahahahahaha" rinig kong tawa sa labas, sure ako na ako ang pinagtatawanan nila.

"Look daddy? Mommy was so cute" rinig ko, ano ba pinagsasabi nila? Di ako makalabas.

Mga isang oras na ako dito di pa ako lumalabas, nakikinig lang ako sa mga tawanan at usapan nila paano ba ako lalabas? Na hindi naiilang?

Alexandra's Pov

|Ma'am? Itong last na Hospital na pinuntahan namin ay wala pa din!| Sumbong ng tauhan ko! Paano? At san dinala? Baka patay na nga? Hahahhahahaha sana nga.

|Sure ba kayo na wala?!| Sigaw ko habang umiinom ng kape.

|Opo| hahaha patay ka na sana

|Hanapin mo ang bahay ng girlfriend niya| utos  ko

|Opo ma'am| sabi naman niya

|Okay bye, itetext ko nalang ang details| sabi ko at binaba.

Patay ka na ba drake? Bakit wala ka sa mga hospital?
Kawawa ka naman hahaha sunod ko daddy mo drake!

Drake Cortez's POV

Sobrang nagulat ako sa ginawa niya, para akong baliw na ngiti ng ngiti nakakakilig, nababakla na ako. Ang lambot ng mga labi niya second time yun ah, tumingin naman ako kay baby Zyl na tawa ng tawa. Itong batang to laging binibiro Mommy niya pero hahaha para naman sakin, akalain niyo yun? Ginagawa niya ito dahil gusto niya ng kapatid? HAHAHA salbahing bata!

"Look daddy? Mommy was so cute" sabi ni Zyl tumingin naman ako sa kanya at pinakita ang cellphone niya na may picture naming Onooh! Naghahalikan?

"Baby? Pasahan mo ko dali" sabi ko at kinuha ang cellphone ko na nasa mesa, nagtawanan naman kami.

Ng matapos na ay ni lockscreen ko ito hahhaha ang cute.

Ba't ang tagal lumabas nun? Nong ginagawa niya? Ankla ba yong tinae nun?

Xylien Smith's POV

Mukhang nakuryente ang paa ko kaya lumabas na ako, puta ang sakit i-apak. Bahala na wala akong pakialam na pagtawanan nila ako. Ng makalabas ako ay dumiretso ako sa mini ref. Habang di sila tinitingnan ramdam kong nagtawanan sila mukha akong kahoy dito at tirik na tirik ang mata ko putaa! Bahala na di ako titingin.

"Mommy look at this?" Masayang sabi ni Zyl. Nangamba naman ako, ano na naman to? Mukhang na phobia ako sa mga ginagawa mo baby ehh, takot na tuloy akong tumingin sa kanya at baka may iutos na naman. Nakaramdan ako ng naiihi, tangina bakit ngayon pa to? Nasa Cr ako kanina ahhh  tangina talaga!!

"Mommy?" Tawag niya kaya tumingin nalang ako. Pinaharap niya sakin ang cellphone, medyo kalayuan pero kitang kita ko. Napaupo ako sa sofa sa gulat at nanlaki ang mata di ako makapagsalita.  nakatingin lang ako sa kanila, mukha akong nakakita ng multo ng makita ang picture, jusskoo bat di ko naramdaman kanina ng kumuha siya ng picture, nakakardiri ako pa humalik!!!biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Nakaramdam ako ng init. Sa baba kaya tumingin ako dito.

PUUTAAAAA NAIHI AKO SA SHORT KO!

_______

THANK YOU FOR READING. FOR MORE IMPORTANT UPDATES YOU CAN VISIT MY FACEBOOK ACCOUNT MICHELLE MANUNULAT❤️ AND YOU CAN JOIN TO MY GROUP ENTITLED 'Michelle's Readers [Domaine's Angel]

Adopting The Billionaire's Baby [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora