Prologue

5.5K 64 0
                                    

Nagtatakang pinagmasdan ni Alyssa ang mga lalaking palabas sa bahay nila. Noon lang niya nakita ang mga taong iyon. Sigurado siyang hindi tagaroon sa kanila ang mga panauhin. Kadarating lang niya mula sa paliligo sa batis kasama ang mga kaibigan niya.

Nakakatakot ang hitsura ng mga ito. Nakita pa niya ang baril na nakasukbit sa bewang ng isa sa apat na lalaki. Huminto sa tapat niya ang huling lalaking lumabas sa bahay nila. Ito ang pinakamalaki sa apat na lalaki. Matagal na tinitigan siya nito. Matalim ang tingin nito. Hinawakan siya nito sa dalawang balikat.

"Ikaw ba ang anak ni Mr. Valdez?" Tanong nito at naramdaman niyang dumidiin ang pagkakahawak nito da balikat niya.

"Aly!"

"Tay!"

Saka lang inalis ng lalaki ang balikat nito sa kamay niya. Nilingon nito ang kanyang ama na nakatayo sa pinto ng bahay nila.

"Nakikipagkilala lang sa anak mo Mang Antonio." Sabi ng lalaki.

"Aly, umakyat ka na rito." Tawag ng kanyang ama.

"Opo tay!" Nilingon niya pa ang lalaki bago tuluyang pumasok sa bahay nila. Mabilis na lumapit sa kanya ang ina niya.

"Ano'ng sinabi sa iyo ng lalaking iyon, Aly?" Tanong nito da kanya.

"Tinanong lang po niya ako kung ako ba raw ang anak ni tatay nay." Sagot niya at napansin niyang takot na takot ito. "Sino ho ba ang mga lalaking iyon 'nay? Ano hong sadya nila dito?" Ang kanyang ama ang sumagot sa katanungan niya.

"Itinatanong lang kung ibenebenta raw ba natin ang bukid."

"Ano pong sabi niyo?" Tanong niya sa ama.

"Sabi koy hindi natin ipinagbibili ang bukid."

"Baka kailangan nating ibenta ang bukid Antonio, para matahimik na-----" Pinutol ng kanyang ama ang sasabihin sana ng kanyang ina.

"Hindi natin ipagbibili ang bukid kahit na anong mangyari. Yan lang ang pamana ko sa anak natin." Tumahimik na ang kanyang ina at maski man siya.

-----

Paikot ikot si Aly sa higaan niya. Mainit ang pakiramdam niya. Pawisan siya dahil parang nagbabaga sa init ang buong paligid. Nagmulat siya, at mapulang apoy ang bumulaga sa kanya. Bigla siyang napabalikwas ng bangon.

Nagliliyab ang buont paligid! Kahit saang banda ng bahay siya tumingin ay apoy ang nakikita niya. Nawala ang shock niya ng makita niya ang nanay niya.

"Alyssa, lumabas kana anak!" Pasigaw na sabi nito. Mabilis siyang lumapit dito.

"Asan si tatay nay? Lumabas na po tayo!"

"Mauna kanang lumabas anak. Sige na Aly, iligtas mo na ang sarili mo." Nakikiusap na sabi nito.

"Hindi ako mauuna Nay. Sabay sabay na tayo. Asan ho ba si Tatay?" Agad naman siyang lumipat sa kwarto. Makapal na ang usok sa loob, hirap na silang gumalaw. Mahapdi na sa mata ang usok. Nakita niyang naghahalungkat sa mga kahon ang tatay niya. Ano pa kaya ang hinahanap nito? Gayong dapat na silang lumabas! Lumalaki na ang apoy.

"Tay! Lumabas na po tayo!" Pero parang wala itong narinig. Patuloy lang ito sa paghahalungkat sa mga kahon. Nilapitan niya ito. Bumagsak na ang parte sa bubungan nila.

"Tay! Ano pa ho bang hinahanap mo? Tay? Nasusunog na ang bahay natin. Kailangan na po nating lumabas!"

"Kailangang makita ko ang titulo ng bukid natin Aly." Sagot nito na hindi siya tinitingnan. Patuloy pa rin ito sa paghahalungkat ng mga gamit.

"Mauna kana anak! Parang awa mo na lumabas kana!" Naiiyak na sabi ng nanay niya.

"Hindi ako aalis nay! Sama sama tayong lalabas!" Mahapdi na sa balat ang apoy. Nagluluha na rin ang mga mata niya dahil makapal na ang usok. Panay na ang ubo ng mga magulang niya. Pero wala parin lumalabas sa kanila. Itinulal siya ng kanyang ama palabas ng kwarto. Tinangka niyang bumalik pero tuluyan ng bumagsal ang bubungan sa bahaging iyon ng kanilang bahay. Mistulang hinati ng apoy ang bahay nila. Na trap sa loob ng kwarto ang nanay at tatay niya.

"Lumabas kana Aly." Narinig niyang sigaw ng nanay niya. Naririnig niya ang mga boses nito pero itinago ng apoy at usok ang mga ito sa paningin niya.

"Nay! Tay!" Tinangka niyang balikan ang mga ito pero muli, bumagsak ang malaking bahagi ng bubungan.

"Lumabas kana anak! Iligtas mo na ang sarilo mo. " pagtataboy sa kanya ng kanyang ina.

Napilitan siyang lumabas ng kubo nang maramndaman niya ang pagdampi ng apoy da bakat niya. Ilang beses na tinupok ng apoy ang balat niya bago siya tuluyang nakalabas.

Luminga siya sa buong paligid. Noon niya narealize na napakahirap ang malayo ang kapitbahay. Kahit sumigae siya ay imposibleng marinig siya ng pinakamalapit nilang kapitbahay.

Parang isang bangungot ang lahay habang pinagmamasadan niya ang kubo nila na kinakain ng apoy. Napakasakit dahil alam niyang kasamang natutupok sa loob niyon ang mga magulang niya. Napaluhod siya sa damuhan. Isang gabi iyon na habang buhay niyang hindi malilimutan.

Healing Hearts (ON HOLD)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum