"Gago ka talaga." napangiti na lang ako.

****

 Nakaupo lang ako sa upuan ko at nakatitig lang sa blackboard. Nakatitig sa tatlong letra na nakasulat doon. Di ko alam pero bigla na lang ako kinabahan at bumilis yung tibok ng puso ko. Alam niyo ba kung anong nakasulat doon? MID TERM EXAM!!! Jusko di pa nga ako nakapag-study ng maayos, di pa ako ready.

"Huy ok ka lang? Kanina ka pa tulala diyan eh." tanong sa'kin ni Jean.

"Yung exam." sabi ko habang nakatitig pa rin sa board.

Bigla naman akong siniko ni Jean. "Huy, gusto mong mag-cutting classes?" sabi niya habang nakataas-baba yung kilay niya.

"Huy ano ka ba, di ko pa yan nagawa dati." bulong ko.

Agad naman niyang hinawakan yung braso ko. "For one time, just break the rules." ngumiti siya.

Rules. Halos na-break ko na nga lahat ng rules na ginawa ko eh. Hay, pano na tong future ko.

Ningitian ko na lang siya at dahan-dahang ngumiti. Ngumiti din siya ng palaro sa'kin at biglang tinaas yung kamay niya. Nagulat ako nung sinabi niya na may masakit daw yung ulo niya at kailangan niya daw akong sumama sa kanya. Ang mas ikinabigla ko eh nung pumayag yung teacher sa sinabi niya. Hahaha, galing talaga ni Jean.

Pagkalabas namin sa classroom eh agad kaming dumerecho sa likurang part ng school. Chineck muna namin kung may nakabantay sa back gate ng school. Nakita namin na may guard na nakabantay doon. Swerte naman nung umalis saglit yung guard. Hindi namin pinalagpasan yung chance so diretso kaming tumakbo palabas. Nagtago muna kami saglit sa gilid at chineck kung nakabalik na yung guard. Nagsitinginan naman kaming dalawa ni Jean at nag-end up kami na nagsitawanan.

"First time kong nagawa yun." sabi ko sa kanya na naka-ngiiti.

Kumuha kami ng taxi at dumerecho kami ng mall. Pagdating namin sa mall eh sa food court kami dumerecho. Umorder lang ako ng ice cream at takoyaki, si Jean naman eh yung inorder niya eh coke tsaka burger.

"May bibilhin ka pa ba?" tanong niya.

Umiling naman ako at sinimulang kainin yung takoyaki ko. Napatingin naman ako kay Jean na-enjoy na enjoy yung pagkain niya sa burger niya. Napatingin din siya sa'kin at ningitian ako ng sobrang lapad. Alam niyo, ang swerte ko talagang magkaroon ng kaibigan katulad ni Jean. Mabait, pero minsan din hindi. Caring palagi. May imperfections ba siya? Wala.

Sa gitna ng pagkakain naming dalawa eh may biglang pumasok sa isip ko. Yung tungkol saming dalawa. Alam naman ni Jean na nagpapanggap lang kaming dalawa ni Kai, pero di ko alama kung sasabihin ko ba yung weird na nararamdaman ko pag kasama ko si Kai. Aish, ewan!

"Jean, may sasabihin ako sayo."

Napatingin naman siya sa'kin. "Mmm?"

"Remember mo pa ba yung sinugod ako ni Minzy dun sa canteen kanina? Actually..." kinuha ko  sa yung phone ni Minzy at pinakita sa kanya yung picture naming dalawa ni Luhan na naka-akbay siya sa'kin.

Kisses From KaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon