"This place never failed to captivate me," Abel whispered.

Bumaling ako sa kanya. I caught him staring at me. Ginagalaw ng hangin ang kanyang buhok. Medyo naniningkit ang kanyang mga mata dala ng hangin at sikat ng araw.

"You have been in this place before?" I asked.

"Once..."

Right. He knew where this place is located in the first place.

"Maligayang pagdating sa mundo namin..." Natuon kay Ginoong Antigo ang atensyon namin. Unlike when we were in the dark forest, he was smiling at us now. "Halikayo..."

Habang pababa kami sa bayan ay pinararagasa ko sa damuhan ang aking mga hubad na paa. Ngayon ay mas napagtanto ko kung bakit gano'n na lang kung maghigpit si Ginoong Antigo. I wouldn't even want to ruin this peaceful place, not even a scratch.

"Iyon ang bayan..." Umangat ang tingin ko sa tinuro ni Ginoong Antigo.

My lips slightly separated as I've witnessed breathtaking scenery. Pine trees were scattered around the small cabins. We were in the upper part of the hill and from here, we would walk through the colorful flowers down to the flat area where cabins stood.

"If vampires could smell danger, witches could feel it through your eyes. As much as possible, don't look in their eyes. I'm sorry but I still don't think bringing you two here is a good idea. Some witches are terrified of the presence of vampires."

"Where are we even going?" I asked.

Bumaling sa akin si Ginoong Antigo. "Kay Pinuno. Siya ang makakatulong sa inyo."

Oh. We are going to meet the leader.

"Hindi pa ba bumabalik si Ginang Melendez magmula nung sumama siya sa amin?" tanong uli ni Abel.

"Sa pagkakaalam ko ay hindi pa, Ginoong Abel. Maging ako ay nagtataka dahil ayon sa ulat mo'y bigla itong naglaho sa inyong pangkat."

Nung malapit na kami sa mga cabin at madadaanan na ang ibang mga manggagamot ay yumuko ako. I could feel them staring at us but no one dared to interfere. Nung may nagtanong naman kay Ginoong Antigo kung sino kami ay ang sagot niya'y dayuhan lang kami mula sa ibang panig.

As much as I wanted to roam my eyes, I remained bowed.

Natigilan ako nang may humawak sa kamay ko. Hindi sinasadyang mapatingin ako sa batang nakatingin sa akin. Nakangiti ito at ilang sandali pa ay napaatras. Natulala ito sa akin.

Oh, shit. I scared her.

I was about to apologize when Abel grabbed my arms. Hinila niya ako dahil nakakalayo na sa amin si Ginoong Antigo. Binalikan ko ng tingin ang batang babae na sinundan lang kami ng tingin.

"I-I think I scared her..."

"You would scare them even more if you stood there longer," ani Abel bago binitiwan ang braso ko.

Nakayuko na lang ako habang naglalakad. Kahit na nakayapak kami ay hindi masakit sa talampakan. Biglang pumasok sa isipan ko ang mga kabayo namin. Nasaan na sila?

"This the Castle of Covens," dinig kong banggit ni Ginoong Antigo.

My head stayed bowed. Gusto kong makita ang tinutukoy ni Ginoong Antigo pero natatakot akong may mabiktima na naman. Hanggang sa naramdaman kong may humawak sa ulo ko at kusang inangat.

"You can look up now," Abel chuckled.

I blinked my eyes as I stared at the huge castle standing before our eyes. Hindi ko makita ang tuktok nito na natatakpan na ng makapal na ulap. How could I not notice this tremendous castle up in the hill?

Shattered SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon