I gulped. He knew about me.

"N-narito ba si Ginang Melendez?" tanong ko.

"Bigla na lang siyang naglaho matapos ang isang gabi," pagpapatuloy ni Abel. "Nagbabakasakali kaming narito siya. May mga katanungan lang kaming nais na malinawagan."

His gaze darted on Abel's direction. "Mabuting kaibigan ang iyong ama, Ginoong Abel. Kung may maaari man akong papasukin ay ikaw lamang 'yon." Bumalik sa akin ang kanyang atensyon. "Bilang bantay ay hindi ko maaaring papasukin ang babaeng ito."

"Binigyan din siya ng patnubay ni Ama," pagdidiin pa ni Abel. "Alam kong may hinuha na kayo kung sino siya pero maipapangako kong hindi siya gaya ng iba. Mapagkakatiwalaan mo si Astra..."

"Pero hindi ang dugong nananalaytay sa kanya." Mariin ang tingin sa akin ng lalaki. "His blood runs in your blood, too. You are not just a vampire. You are his vampire."

"I am a freed slave—"

"Hindi nito mababago ang dugong nananalaytay sa iyo," maagap niyang putol sa akin. "He just took the curse of being a slave from you but you are still two linked to each other. You two are somehow connected."

"Ginoong—"

"Antigo," putol ng lalaki kay Abel. "Ako si Ginoong Antigo at ako ang tagapangalaga ng lagusan. Ako ang magpapasya kung sino ang maaari at hindi maaaring pumasok sa mundo namin. Ang tungkulin ko ay ang protektahan ang lagusan sa mga masasamang-loob."

Lumuwag ang kapit ko sa lubid ni Servena. Base sa nababasa ko ay mukhang hindi talaga ako hahayaan ng lalaking 'to. Ayokong mapunta sa wala ang pagpunta namin dito.

"What do you want me to do?" I asked, feeling hopeless.

"Paumanhin, Binibining Astra." Tumalikod na sa amin si Ginoong Antigo. "Ang kaligtasan ng mga kasama ko ang aking tungkulin."

Naramdaman kong may kung anong kakaiba sa leeg ko. Napatingin ako sa kwintas na bigay ni Lola. May munting liwanag na nanggagaling dito. Iyon din ang dahilan kung bakit muling napalingon sa akin si Ginoong Antigo.

"Kailan ka pa nagkakwintas, Astra?" tanong ni Abel na namamangha rin.

Lumunok ako. "Bigay ito sa akin ng isang kaibigan..."

"Kaibigan?" Umangat ang tingin ko kay Ginoong Antigo. Naging interesado ang kanyang reaksyon. Tila alam nito ang hiwaga ng kwintas ko. "May kaibigan kang manggagamot?"

Umawang ang bibig ko. May dugong manggagamot si Lola?

"Ang kwintas na suot mo..." Madiin na pumikit si Ginoong Antigo bago uli tumingin sa akin. "One of the hardest things to get in this world is the trust of a witch. She gave you her necklace. That means... she trusted you."

"Ibig bang sabihin niyan ay maaari mo nang papasukin si Astra?"

Tumitig muna sa kain nang ilang segundo si Ginoong Antigo bago nagsalita.

"Wala rito si Ginang Melendez," aniya. "Pero sa tingin ko ay matutulungan kayo ng Pinuno namin. Sumunod kayo sa akin..."

Nag-umpisa na siyang maglakad kaya sumunod kami. Nakasakay pa rin kami sa kabayo. Tumabi sa akin si Abel at pinagmasdan ang kwintas na suot ko.

"Malapit talaga ang loob mo sa mga manggagamot, Astra."

"H-hindi ko inakalang mangggagamot ang kaibigan ko," saad ko. Wala sa sariling hinawakan ko ang kwintas. "Pero nagpapasalamat ako sa kanya. Kung hindi dahil dito ay hindi natin siya makukumbinsi."

"Narito na tayo..."

Out of nowhere, we stood in the middle of a meadow barefoot and without our horses. I looked up at the clear blue sky as the gushing wind swayed in my plain white dress which was not even my clothes. It felt like I was on cloud nine and playing with clouds.

Shattered SoulsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang