[ 15 ] Rummaging Pieces

Start from the beginning
                                    

The police sighed as if like he had no choice. “Oh sige, hindi ko kayo mapipigilan. Basta magdahan-dahan lang kayo, kung hindi ay matatagalan natin malaman kung sino ang pumatay sa biktima.” All of them shouted ‘yes!’ as if they won in the game.

“Eh kayong tatlo?” sabi nung pulis habang sa likod namin ang atensyon niya kaya lumingon rin kami.

Dumako ang tingin ko sa nanginginig na kamay ni Kylie. A memory suddenly popped in my head.

Takot nga pala si Kylie sa mga patay. Ilang beses na kasi siyang nakakita ng patay na mga hayop nung mga bata pa kami tapos hindi ko pala alam ay umiiyak na siya. And now, it’s not a dead animal but an actual dead body of a person.

Siguro naman ay matataranta rin kayo kapag nakakita ng isang katawan na wala ng buhay.

“D-dito nalang po kami, hihintayin po nalang n-namin na matapos ang pag-iimbestiga.” Sambit ni Azra.

Hinubad ko ang suot kong denim jacket at lumapit sa kanya. Nagulat pa siya sa ginawa kong paglagay ng denim jacket ko sa balikat niya. Bakit kasi isang off shoulder pa itong sinuot niya? Tss! Hindi man lang nagdala ng jacket o kahit hoodie nalang.

“S-salamat,” nakangiting sabi niya at mas niyakap niya pa ng mahigpit ang jacket ko sa katawan niya.

“Come with me kids,” sabi nung pulis kaya sabay kaming sumunod sa kanya. Hindi naman nakawala sakin ang pag-ismid na ginawa ni Kystella sa sinabi ng pulis.

“I’m SPO1 Joel Antonio, you can call me sir Joel.” Pagpapakilala niya at nagpakilala naman kami sa kanya.

“Bago kayo magsimula ay sumuot muna kayo ng gloves at masks.” Lumapit siya sa isang investigator pagkatapos ay binigyan siya ng mga medical gloves at masks. Binigyan niya kami ng tig-isa na agad naman namin sinuot, inabutan rin niya kami ng dalawang flashlight.

“You can start investigating now,” kinuha ko yung tali ko sa bulsa ng jeans ko at tinalian ang buhok ko into ponytail. Ganon rin ang ginawa ni Kystella pero bun ang ginawa niya.

“Magiging masaya 'to! First time kong mag-investigate.” Excited na saad ni Mev.

Naghiwalay kami at sinimulan ang pag-iimbestiga.

Lumapit ako sa katawan ng biktima. Head tilting to his left, nakanganga at mulat ang mga mata, malapit ang kaliwang kamay sa glass. I smelled the liquid, coke nga talaga and the ice already melted.

So this soda is the cause of his death. Ang hindi niya alam 'yun na ang last niyang inom. Who could've done it though? That's the big question here.

Taas naman ng confidence niyang pumatay sa isang malaking party.

Inaya ko si Mev na pumunta sa mahabang lamesa na kung saan kami kumukuha ng iba’t ibang uri ng pagkain. Inihawi ko ang mahabang tela ng lamesa at pinako doon ni Mev ang flashlight niya.

“Wala naman siguro tayong makikita dyan,” aalis na sana si Mev ng may nakita akong kuminang nung dumaan ang ilaw ng flashlight niya sa tinitignan ko.

“Wait,” pagpipigil ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa kanyang pulsuhan at tinuon ang ilaw ng flashlight niya sa tinitignan ko. Agad siyang lumuhod katabi ko.

“Teka, nakikita mo ba yan?” ipinasok ko ang kalahating katawan ko sa ilalim ng mesa at kinuha ang bagay na kumikinang. Pagkatapos kong kinuha ito ay lumabas ako at tumayo, tinitignan ang nakuha ko.

Peculiarity In Her Eyes Where stories live. Discover now