"Ate Zi."- Mabilis akong lumingon kay Rezza na nakangiting nakatingin sakin habang hawak niya sa kamay ang kapatid na lalaki ni Jayson at si Cyril.

"Pwede bang turuan ko silang bumaril?"- Nakangiti niyang tanong habang tataas baba ang kilay, napatingin naman ako sa dalawang bata na parehas na nakangiti na parang gustong gusto talaga nilang turuan sila.

"Sige, mag iingat lang kayo."- Napatalon silang tatlo sa tuwa dahil sa pag sang ayon ko.

"Salamat po!"

"Salamat Ate Zi! Tara na!"- Tsaka sila masayang umalis at nag unahang bumaba ng hagdan.

Mapait akong napangiti at napayuko ng biglang pumasok sa isip ko ang mga kapatid ko, si Aya at Ning kung kasama ko lang sila ngayon ay siguradong tuturuan ko din silang gumamit ng baril para pang protekta nila sa sarili, kaso wala na e. Wala na. Malabong nang mangyari.

Napaangat ako ng tingin sa pinto ng bumukas ito at iniluwal nito si Papa na parang pagod na pagod na tila galing sa matinding trabaho. Tumayo ako at lumapit sa kanya para kunin ang nakasukbit na bag sa balikat niya at inabutan siya ng towel pamunas sa tagaktak niyang pawis.

"Pa? Saan ka po ba galing? Kanina kapa hinahanap ni mama, kailangan ka daw sa Hospital."- Wika ko, kagabi lang ay isinugod sa Hospital ang kapatid kong si Ning dahil sa sakit niya sa puso, ayaw akong papuntahin nila Mama sa Hospital kahit na mag bantay kay Ning, dahilan ay walang makakasama si Aya sa bahay kapag sabay sabay kaming nag bantay doon.

"Nag dilehensya lang ako ng ipapang opera kay Ning . O siya pupunta na akong Hospital."

"Kumain ka muna Pa, kararating mo lang."- Pigil ko kay Papa pero hindi ko na siya napigilan pa dahil nag dirediretso lamang ito palabas ng pinto.

Mabigat akong bumuntong hininga habang titig parin sa pintong pinag labasan ni Papa, bakit parang may nararamdaman akong may mali?

At nakumpirma ko nga ang kutob kong may mali ng isang gabi ay marinig ko sina Mama at Papa na palihim na nag aaway sa kwarto nila, isasawalang bahala ko na sana ang kung ano mang pinag tatalunan nila ngunit narinig ko ang salitang 'sindikato' kaya naman kahit  na masamang makinig sa usapan ng iba ay lumapit parin ako sa pinto nila, inilapat ko ang tainga ko sa pinto para mas mapakinggan pa ang usapan nila.

"Bakit mo kasi ginawa iyon Zaner?! Hindi ka nag iisip! Alam mo ba ang pwedeng kahinantnan ng ginawa mo ha?!"- Mahina at galit na sigaw ni Mama sapat lang para silang dalawa lang ni Papa ang nakakarinig.

"Iyon lang ang alam ko para may ipaopera sa anak natin, Huwag kang mag alala gagawan ko ng paraan para makabayad sa kanila."- Wika ni Papa gamit ang kalmado niyang boses.

"Ayusin mo lang Zaner, Ayusin mo lang talaga."- Mabilis akong umalis sa pinto ng marinig ang yapak ni Mama na palabas ng kwarto, saktong pag pasok ko sa kwarto namin ang siya namang pag bukas ng pinto ng kwarto nila Papa, saglit pa akong napatulala at prinoseso ang usapan ng mga magulang ko.

Z: Back To LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon