Chapter 3

388 43 3
                                    

Sela's POV

It's Sheki.

"Hey, ikaw pala yan. Ang aga mo naman. Diba mamayang 11 pa usapan natin?." Sabi ko dito. Umayos narin ng upo si Abby.

"Nakalimutan ko kasi na may lakad pala kami ni babe ngayon, 11 din. Kaya naisip ko na umalis nalang tayo ng mas maaga para rin di masayang yung oras." Paliwanag ni Sheki.

"Bakit? Where are you two going ba?." Takang tanong ni Abby.

"Sine Mars, sama ka?." Bangon ko sabay tabi sa kanya.

"Akala ko ba Friday pa?."

"Eto kasing si Sheki napakaexcited. Ngayon nalang daw. Ano? Sasama ka ba?."

"Next time nalang siguro mars. I have work, remember?."

"Oo nga pala. Well, basta bumawi ka ah." Sabi ko.

"Oo naman. Ikaw pa."

FF

So andito na nga kami, pumipila papasok ng theater. Lingon lang ako ng lingon sa paligid. Para kasing kanina pang may sumusunod samin. Nararamdaman ko yung bad energy pero di lang ako sure kung saan exactly yun galing or nakalocate. I just feel like someone out there is watching us.

"Bakit? Sinong hinahanap mo?." Tanong ni Sheki tila nagtataka. Para na ata akong hindi mapakali.

"W-wala." Sabi ko nalang.

Anyway, pumasok na kami. Sobrang excited ko nang mapanood tong movie nato.

Katabi ko ngayon si Sheki. May lalaki namang tumabi sakin. He's cute tho. He smiled at me pa nga eh.

"Ano yan ha? Bagong boylet?." Bulong ni Sheki sakin.

"Well, who knows?." Sabi ko lang tila kinikilig.

During the movie, panay nakaw kami ng tingin sa isa't isa. Sobrang cute nya kasi talaga saka ang bango bango. Pagkatapos ng movie, paalis na kami nang biglang may kumalabit sakin. It was that cute guy.

"Uhm hi uh--" Sabi nya tila kabado.

"Hi." I said politely.

"I-I don't mean to creep you out or anything, truth is I just wanna know your name."

Pakipot pa ba ako? Grasya nato. Baka ito na yung hinahanap ko. Si Sheki naman parang kinikilig at tinutulak pako palapit sa guy.

"Eng pege gerl eng pege." Mahinang sabi ni Sheki.

"Tumahimik ka dyan, moment ko to." Sabi ko kay Sheki.

"Sela. My name is Sela." Offer ko ng kamay ko kay Mr. Cutie.

"Sean." Shake nya sa kamay ko. There goes that smile again. That moment parang nasa alapaap ako. Ang bango nya talaga. His finger nails are perfectly clean and trimmed so halatang malinis sya sa katawan.

We exchanged numbers at nag-usap lang kami sa phone buong maghapon. 9pm nang pumunta sa bahay si Abby.

Sige na, goodnight.

Sabi ko kay Sean.

"Hey." Beso ko sa kanya.

"Sino yun?."

"Ah wala. New friend."

"Ah." Upo nya sa bed ko at hinubad ang sapatos nya.

"Mukhang pagod ka ah."

"Yeah dami ko kasing inasikaso ngayon."

"Kumain ka na?." Unzip ko ng jacket niya.

"Done. May pakain sa site. Birthday nung architect namin."

"Dito karin ba ulit matutulog?."

"Good mood ka ata ngayon." Pansin nya.

"Palagi naman akong good mood ah."

"Kailan pa?. Sino ba yang new friend mo ha? Lalaki na naman yan no?. Naku talaga, pag sinaktan ka din nyan wag kang iiyak iyak sakin." Kumuha siya ng damit sa closet ko, parang dito na talaga siya nakatira.

"Inggit ka lang eh. Hanap ka na kasi ng jowa. Lagi mo nalang kasi akong nabibiktima dyan sa pagiging bitter mo."

"Hindi ako bitter. Ayoko lang talagang umiiyak ka." Tanggal nya ng bra nya sabay sampay nito sa bandang pinto at nagsuot na ng damit.

"Awee sweet naman ng Abelaine ko--"

"Sweet? Ang panget mo lang talaga umiyak."

"Sus, kunwari pa to." Sundot ko sa tagiliran nya.

"If I know Abby crush mo ko." Tukso ko sa kanya.

"Sira haha."

KINABUKASAN

Tok tok tok.

Bumaba ako para tingnan kung sinong nasa baba. Laking gulat ko nang makita ang mga Police sa harapan mismo ng bahay namin. Sumunod rin sakin si Abby.

"Ikaw ba si Marsela Guia?."

"O-opo."

"Pwede ka ba naming makausap?." Tanong naman nung isang middle age na lalaking police na mukhang medyo mataas ang ranggo.

"Tungkol po saan?."

"Tungkol kay Sebastian Herrera."

"S-si Sean po?. Bakit? Ano pong nangyari sa kanya?."

"Pumasok po muna kayo." Sabi ni Abby kaya pumasok yung dalawang police habang nagbabantay naman sa labas ang dalawa nilang kasama.

"Hindi na kami magpapaligoy ligoy pa. Natagpuang wala nang buhay ang biktima sa loob ng kwarto nya kaninang mga bandang alas 4 ng madaling araw. Cause of death is asphyxiation." Paliwanag nung isa pang police. So I'll call him dos and the latter Uno.

"So pano po nasali tong kaibigan ko?." Tanong ni Abby.

"Sya ang huling kausap ng biktima sa phone. Nakita namin yun sa mga nakolekta naming posibleng ebidensya sa krimen. Marsela Mari Guia. Nakalagay din dun ang address mo Miss Guia."

"Pero wala po akong kasalanan. Ang totoo po nyan eh kahapon lang po kami nagkakilala. Si Sheki. Witness po sya." Paliwanag ko habang hawak hawak ang kamay ni Abby.

"At hindi pa po siya umaalis ng bahay simula pa po kagabi." Dugtong ni Abby.

"Sino ka naman iha?."  Tanong ni Sir Uno.

"Abelaine Trinidad po. Kaibigan ni Sela. Nakatira po ako dyan sa tabing bahay."

"So bakit ka andito?." Tanong pa ni Sir Uno.

"Dito po ako natulog kagabi para may kasama si Sela."

"Bakit?. San ba ang mga magulang nyo?." Tanong ni Sir Dos.

"Yung parents ko po nasa ibang bansa. Kay Sela naman yung mommy nya nasa kabilang bayan kasama ang kapatid ni Sela dahil mas malapit dun ang trabaho nya. Saka binilin po ng mommy niya na samahan ko muna si Sela dito. Lalo na po ngayon na may nagagap nang mga pagpatay." Paliwanag ni Abby.

"Abelaine diba?. Nagkita na ba tayo dati?." Tanong ni Sir Dos.

"I don't think so po. Common lang siguro ang pagmumukha ko." Sabi ni Abby. Pero parang may halong pagdududa sa mukha nung police.

"Pwede ba naming malaman kung san nakatira yang sinasabi mong kaibigan na kasama mo kahapon Marsela?." Tanong sakin ni Sir Uno.

HOUSE FOR SELA (SEBY)Where stories live. Discover now