Prologue

1K 46 0
                                    

Long long time ago, there were two little Princesses in two different kingdoms, lands far from each other. One day, an unfortunate event happened. Pirates came to kill their fathers and take every treasure in their kingdom, which includes the two Princesses who are the Kings' most valuable treasures.

They were taken by two different pirate groups at sea to find other treasures. These two pirate leaders are acquaintances, they decided to meet at a port and this pirate named Sebastian asked his pirate friend Jack to trade his 500 golden coins for the Princess he got. Now Sebastian have the two Princesses on board that he soon trained to be Pirates. 

But unlike their male fellow pirates, they don't use their physical strength to fight or win battles. They use their other strength–physical beauty to win their rival's trust, by stealing their hearts so they can steal their treasures effortlessly as well.

And that's also how my best friend Abby unintentionally stole my fifth almost-boyfriend Gabriel. I know I can't blame her for the things she can't help. She's still my friend after all and being insecure is not a good solution so maybe there's something wrong with those guys that I chose, or maybe there's something wrong with me.

In my room.

9pm.

"Wag mo ngang isipin yan. There's nothing wrong with you. Ganun lang talaga ang mga lalaki. Papakiligin ka sa simula tapos isang araw bigla nalang mawawala. Been there, done that. Boys will always be boys." Sabi ni Abby sabay lagay ng pagkain for my pets na fishes sa aquarium.

Wala siyang kamalay malay that she's the entire reason why nag back out silang lahat. Dahil nga nagbago ang isip nila nang makita si Abby.

Imagine, lima silang inatrasan ako. Mabuti nalang inamin agad nila ang totoo that they're really captivated by Abby. Panglima natong nangyari so hindi nako nanibago.

"Siguro nga."

"Come on. Lalaki lang yan. Konti nga lang yung matino, pero why worry?. Hindi nakakamatay ang pagiging single. Tandaan mo yan." Tabi niya sabay akbay sakin.

"Kaya smile na. Ganito to oh, smile." Demo nya sakin. Hindi ko alam pero every time na ginagawa niya yun napapangiti narin ako.

"Sana katulad mo nalang ako." Sabi ko sa kanya. Napaka optimistic niya kasi eh.

"Oh trust me honey, you don't wanna be me."

"Bakit naman?. I mean, you seemed happy all the time."

"But that doesn't mean I don't cry every night." Lihis niya ng tingin.

SILENCE

"U-umiiyak ka?." Para sakin kasi medyo nakakagulat yun. I've known her for so long pero never ko pa siyang nakitang umiyak. Probably because she's always there to make me smile when I'm sad, especially nung nawala si Daddy.

Minsan may masamang nangyayari sa kanya pero masaya parin siya.

"Oo. Tao parin naman ako no." Sabi niya. First time ko siyang nakitang seryoso. Pakiramdam ko tuloy ibang tao siya.

"T-tungkol naman saan? Parang wala ata akong natatandaan na may kinuwento ka saking--"

"Tsk hindi na importante yun. Anyway, 9:25 na. Kailangan ko pang pumunta sa party ni Brei eh--" Tayo niya.

"Party na naman?. Abby, di porket wala ang parents mo--"

"I'll be fine."

"Wag maglalasing ah. Saka umuwi ka agad." Bilin ko sa kanya.

"Hmm I'll think about it."

"Abby--"

"Sige na Mars, bye." Sabi niya at lumabas na sa bintana ng kwarto ko. Magkatapat kasi yung bintana ng kwarto ko at kwarto niya. Sobrang magkalapit lang nun na naglalagay lang siya ng ladder mula sa kwarto niya hanggang sa bintana ng kwarto ko. Dun sya dumadaan papunta sakin. Unfortunately, siya lang saming dalawa ang nakakagawa nun. Takot kasi ako sa matataas na lugar.

Nasa kabila na si Abby when I texted her, Ingat Mars :'(

Napangiti siya nang makita yun at tumingin sakin.

"Cheesy haha." Sabi niya at umalis na.

Hmm ako? Cheesy? Hindi kaya.

KINABUKASAN

Nagising ako dahil sa ingay sa baba.

"Sige! Lumayas ka!. Akala mo pipigilan kita?!." Rinig kong sigaw ni mommy.

"Talagang lalayas ako!. Pagod na pagod nako sa lecheng bahay nato!." Sagot naman ni Ate Iya.

"Wala ka talagang utang na loob!."

Bumaba ako para tingnan kung anong nangyayari.

"Wala akong pakialam!."

"Wag kang babalik balik dito pag iniwan ka ng lalaking yan!."

"Hindi talaga!." Alis ni Ate Iya. Nagmadali naman akong tumakbo sa kusina para dalhan ng tubig si mommy. Para kasing aatakihin na siya eh. Umupo na muna siya.

"Eto Ma,uminom ka po muna."

"Salamat anak." 

"Ano po bang nangyari?."

FF

Andito ngayon ako sa kwarto. Andito rin si Abby.

"Ano?! Buntis si Ate Iya?."

"Oo nga, paulit ulit naman eh."

"So, asan na sya ngayon?."

"Hindi ko alam."

"Alam na ba to ng iba nyo pang kapatid?."

"Oo. May sumabay pa nga sa problema eh."

"Huh? Panong sumabay?."

"Si Kuya Miguel kasi naaksidente sa construction site."

"Huh?. Diba Doctor siya? Anong ginagawa niya sa construction site?."

"Aba malay ko ba sa kanya. Ayun, ilang months pa daw bago siya makakalakad. Ibig sabihin kailangan namin ng pera para dun. Saka daming bayarin dito sa bahay. Kaya baka hindi muna ako papasok ngayong darating na pasukan."

"Edi papautangin na muna kita."

"Ano namang ipapautang mo sakin eh wala ka ngang trabaho?."

"Basta gagawan ko ng paraan."

"Wag na. Baka gumawa ka pa ng illegal, masisi pako."

"Grabe ka naman sakin. Mukha bang kaya ko yung gawin ha?."

"Oo." I said without even having second thoughts. Umupo ako sa ibabaw ng study table ko.

"I hate you." Tampo niya.

"I hate you more." I smiled. Napangiti narin siya.

"Buti nalang di tayo naging magjowa." Sabi niya sabay labas ng kwarto ko para bumaba. Ano daw?.

"Mars, pakainin mo naman ako." Tawag nya sakin. Ganyan talaga siya pag kami lang dalawa dito sa bahay. Nasa bayan kasi ngayon si Mommy para maningil ng utang. Yung employer nya talaga yung nagpapautang sa mga tao, siya lang yung tagasingil. Kasama na dun yung interes.

Pagbaba ko tinira nya na yung pancit canton sa mesa na iniwan ni mommy para pangmiryenda ko.

"Bait talaga ni Tita, nag-abala pa. Halika na Mars, kain na. Wag kang mahiya." Hila nya pa sakin paupo sa tabi nya. Hay naku Abby.

Kahit kailan talaga wala parin siyang pinagbago. Mga bata pa kami ganyan na sya. Sanayan narin.

HOUSE FOR SELA (SEBY)On viuen les histories. Descobreix ara