Chapter 3

26 2 0
                                    


Jam's POV

Nasa tapat ako ng unit ng girlfriend ko ngayon at mukhang wala siya dito. Sinusubukan ko na siyang tawagan pero walang sagot. Hays, bumili pa naman ako ng coffee niya. Well technically libre to but still. Ilang minuto pa ako naghintay pero wala paring sagot kaya tinext ko na lang siya at umalis na para umuwi. Akin na lang ung coffee.

Nasa bahay na ako, nagpapahinga sa sofa habang iniinom ung kapeng para sana sa girlfriend ko. Ang tagal na rin ng huli kong kita sakanya, grabe ilang lingo na. Halos tatlong lingo na kami hindi nakakapagkita o date man lang. Buti nga nakakausap ko parin siya eh pero kahit yon ang hirap na gawin sa sobrang dami daw niyang ginagawa.

Ang tagal na rin naming ganito. Noong una hindi ko pa namamalayan na humantong na sa ganito ang relasyon namin eh, akala ko masaya pa. Ako na lang pala umaasa. Ilang beses niya na rin pinaramdam sakin na parang wala lang ako. Wala man lang text o tawag, minsan malalaman ko na lang umalis pala sila ng friends niya pagkabalik nila.

Di bale, I love her naman.

Ngumiti na lang ako ng mapait at uminom ulit ng kape. Naalala ko nanaman ang nangyari kanina. Bumalik na rin sa wakas si Agnes. Pagkatapos ng ilang buwan bumalik na rin si Agnes kay Pat. Magsisimula na ulit ang lovestory nila. Buti pa sila, ung akin mukhang patapos na eh.

Bigla namang nag ring phone ko. Sinagot ko agad nang nakita kong si Poch ang tumatawag.

"What? Problema mo?"

"Wala man lang hello? Or hi? Grabe ka sakin Jam"

"Kasama kita buong gabi at kanina sawa na ako sa face mo"

"Ouch that was harsh. Naririnig mo bang nagbrebreak ang heart ko ha Jam"

"Ewan ko sayo! Ano ba kasi yon" natawa na lang ako. Buti na lang nandyan si Poch kahit laging nangaasar. Pinapagaan niya araw ko lagi, hindi lang siya pati ang buong tropa.

"Wala lang just checking up on you, nakauwi ka na ba?"

"Oo naman ikaw ba?"

"Yep safe and sound"

Nakangiti akong umiling "Is that all?"

"Yep yep mag rest ka na dyan. Bye jam"

"Bye"

Tinabi ko na ang phone ko at napailing. Kulit talaga ni Poch.


Agnes's POV

Nakabukas pala ang pinto, hindi ko napansin agad. Mukhang may bisita si Pat? Naririnig ko siya na may kausap eh. Papasok na ba ako?

"Bakit ka pa ba kasi nandito? Sabi ko sayo wala kang mapapala sakin, please stop this Ella"

Ella? Sino yun?

"Pat please give me a chance. Wala naman na si Agnes eh. Ang tagal na niyang wala, sa tingin mo ba babalik pa yun? It's time to move on from her"

Napakunot ang noo ko. Kumatok na ako at binuksan ang pinto. Pag pasok ko kitang kita ang gulat sa mukha ni Pat. Nginitian ko siya. "Hi."

Biglang naluha ang mga mata ni Pat at napatakip pa siya ng bibig. "Agnes?"

Binaba ko ang dala kong gamit. Napatingin ako kay Ella, kung sino man to. Kita rin na nagulat siya dahil nandito ako.

"Agnes." Sabi ni Pat at mabilis na pumunta at yumakap sakin. Napangiti naman ako at niyakap din siya ng mahigpit. "Nandito na ako Pat. Sorry natagalan." Hinagod ko likod niya nang nagsimula siyang humikbi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just Like a Splendid Love SongWhere stories live. Discover now