CHAPTER 17

1K 19 6
                                    

"Huh..? mukhang lagi ka ata dito ngayon ah pre?" Bungad ni Josh sakanya.

Walang emosyong tinignan niya lang ang kaibigan. Pero tama ito after niyang maipasa lahat ng trabaho sa kapatid bumalik siya sa builder company..ang sariling kompanya na naipatayo niya kasama ang kaibigang si Carl.

"Wow..!You here again pre", sigaw ulit  ng bagong dating na si Ash.

Nasa bar kasi sila. Mula noon ng magumpisa silang magtrabaho pumupunta sila dito to unwind a bit. Kaya hanggang ngayon nakaugalian na nila lalo pat si Ash ang may-ari nito kaya may sarili rin silang pwesto dito.

"Why? Something wrong coming here? Wala naman nagbago ah lagi naman tayong andito not unless one of us is really busy..like Carl.." simpleng sagot niya.

"Nakakapanibago lang na after how many years makikita kita lagi dito" nakangising sabi ni Josh sabay akbay sakanya.

"Agree.." ani Ash. "Or baka naman pre umaasa kang pupunta rito si Lady P? Kaya lagi ka ulit dito? Palagi ka kasing nakatingin sa baba."

Nasa second floor kasi sila where in andoon ang vip rooms at nakikita nila ang mga nangyayari sa baba.

"At paano napasok yan sa usapan? Tigil tigilan mo ako jan Ash..drop it will you," - Kap.

"Huh? Sinong Lady P?" Maang na tanong ni Josh.

"Tsk..itong bestfriend natin pre nagbibinata na..malapit ng mabinyagan ulit" ngising sagot ni Ash.

"Sino ngang Lady P?" Ulit ni Josh.

"Oh..remember Miss Asuncion? The hottie girl pilot.."ani Ash sabay kindat sa kaibigan.

Nakita niyang napakunot-noo si Josh pagkway nagliwanag ang mukha.

"Ah yah yah...that girl with a very goddam sexy body and the way she moves and dan--"

Hindi nito natuloy ang sasabihin ng bigla niya itong kwenelyuhan. Nanggagalaiti siya na hindi malaman dahil sa narinig na pinagsasabi ng kaibigan to the point na nagtitimpi siyang huwag itong suntukin.

"One more fucking word comes out from your dirty mouth referring to her...I will bury you..!!!" Gigil niyang sabi.

Si Josh naman ay nakatanga lamang sakanya samantalang si Ash hinayaan siya sa ginagawa ngunit natatawa.

"Now..now..pre masyado kang hot..pinapahalata mo lalo na may gusto ka sakanya..."pangangantyaw pa nito.

Natauhan naman siya bigla at padaskol na binitawan ang kaibigan.

"It's just not nice to say like that to a girl.."alanganing sagot niya. "We should respect them..palibhasa wala kayong mga kapatid na babae kaya hindi niyo alam." Aniya pa sabay inom ng beer.

Nakita niyang nagkatinginan ang dalawang ugok niyang kaibigan at ngumiti. Napailing naman siya.

"Coming from Mr. Kapriel the great bachelor..! Na papalit palit at matinik sa mga babae, hindi nagseseryoso at higit sa lahat pinapasigaw at pinapainit  ang mga girls sa gabi...!" Sigaw ni Ash sabay bato ng throw pillow sakanya.

"Respect your ass!" Sabay na sabi sakanya ng dalawa.

Napailing siya at hindi na lang muna sila pinansin. Mukhang wala siyang takas at buking na siya. Hindi din niya alam kung bakit ganun na lang ang pagpupuyos ng damdamin niya sa sinabi ng kaibigan kanina.

"Tsk.." he heard Josh hissed. "Those group of sexy girl on the right are new here, is it?"tanong nito kay Ash.

"Yah..they are working at the nearby office..they all hot pre and so sweet..you should go approach them and the way they will talk to you....ohhhh shit pre! Heaven..."excited na sagot ni Ash.

I: HIS LADY PILOTWhere stories live. Discover now