CHAPTER 7

1.2K 28 5
                                    

"Shit..! Ano ba ang pumasok sa isip mo ha Gie Ann at nagawa mo yun!" Galit na sabi niya sa sarili habang naglalakad palabas na ng Jems Airport hindi na siya bumalik sa convention..okay naman na sigurong nagpakita siya.

Nagpupuyos talaga ang damdamin niya sa nangyari. "Napaka stupida..!" Sigaw niya tuloy bukas ng sasakyan niya at pasalampak na umupo.

"Shit..! Shit..! Shit..!" Mura niya sabay hampas sa manibela at tsaka napayoko doon at ginulo ang buhok.

Nasa ganoon siyang sitwasyon ng tumunog ang celphone niya.

She answered it and put it on the speaker, did'nt bother to check who is the caller.

"Hello!" Sigaw at sagot niya.

"Huh? Gie Ann?" Sagot lang ng kausap.

"What!" She answered lazily.

"Punyeta ka huwag ka makasagot sagot sakin ng ganyan!" Sigaw din naman nung nasa kabilang linya.

Napaangat siya at napatingin sa cellphone niya. Napataas ang kilay niya ng makitang si Chandra ito, ang kaibigan.

"Problema mo!" Tanong pa nito sakanya.

Nalukot na naman ang mukha niya ng maalala ang nangyari. Wala sa isip na hinawakan niya ang kanyang mga labi. At nagbalik tanaw sa nagyari kanina. That kiss so passionate..na pakiramdam niya parang naranasan na niya yun noon sa hindi malamang kadahilanan. She will admit nadala siya hindi niya alam kung dahil ba sa kapusukan niya o dahil sa gwapong lalaki na yun o dahil sa ibang nararamdaman niya. Na handa na sana siyang ibigay ang gusto nito at wala---

"Hello...Gie..! You still there..Hello..!" Naputol ang pagiisip niya dahil sa sigaw ng kaibigan.

"Yah..!" Walang kagana ganang sagot niya. "Why you called?"

"Wow! So salita ako ng salita pero hindi ka pala nakikinig! Geez..ano bang nagyayari sayo!" May pagkairita sa boses nito.

"It's nothing..so sorry about not listening..what is it again?" aniya.

"Haaay..come over to my house may pinapabigay si tita.!" Sabi nito at pinatayan na siya.

Napailing na lamang siya. Lahat na lang ng kaibigan niya pinapatayan siya. Binuhay niya ang makita ng kotse at pinaharurot iyon ng mabilis pabalik sa village.

"Hey bestfriend!" Sigaw niya ng makarating sa bahay ni Chandra.

"Poogs...!" Tama ng isang throw pillow sa mukha niya.

"Aray naman ganyan ba ang pagbati sa isang kaibigan!" Irap niya dito.

"Ay hindi Gie..! Dapat para sayo kutsilyo sabay saksak..! Ganyan ang dapat pagbati sayo..! Yung tipong mawawalan ka ng dugo at mamamatay na.. animal ka..!" Galit nitong sabi.

"Napakabrutal mo na--"

"Brutal na kung brutal.." anito at pinagbabato siya ulit ng mga unan.."wala akong pakialam..dahil sa ginawa mong pinakaba mo kaming lahat!"

Napasimangot siya..pinulot niya ung mga unan at nilagay sa couch tsaka umupo.

"I'm sorry about that..really!" Aniya na lang. "Stop it already nasabon na ako ni Snow." Simangot niya.

"Oh eh di maganda pala, para kami naman ni Chandra ang magbabanlaw sayo!" Sigaw ng bagong dating na si Freya sabay kuha ng pillow at inihampas din sakanya pagkatapos prenteng umupo sa couch kaharap niya.

"Yung banlaw na tipong...kakakusot namin sayo hindi---" dagdag nito.

"Hindi ka na makikilala ng magulang mo!" Sabay na sabi nilang dalawa ni Chandra sabay kindat sakanya.

I: HIS LADY PILOTWhere stories live. Discover now