Chapter 19

583 18 0
                                    

Warning: suicidal thoughts.

———————

CHAPTER 19

NAGSIMULA akong mag-trabaho sa 7/11 kinabukasan ng gabing iyon. Mabuti at wala pa ang pasukan kaya makakaipon pa ako ng para sa renta ng bagong titirhan ko.

May apartment sa tabi ng 7/11 ni aling Nina pero masyadong mahal ang bayad. Hindi ako scholar, wala akong scholarship kaya kailangan kong budgeting mabuti ang maliit na perang kikitain ko. Siguro'y mag sasagot nalang ako ng iilang exams ng mga magiging kaklase ko sa pasukan o kaya mag tu-tutor. Hindi sa pagmamayabang, e meron naman akong kaalaman pagdating sa medisina.

"Sure ka bang ayos ka lang, Marie?" Hindi ko alam kung pang-ilang tanong na iyon ni Elisa habang nagpupunas ako ng mga lamesa rito sa tindahan.

Si Elisa ang anak ni aling Nina. Kanina lang kami nagkakilala pero kung umasta na siya ay para bang ang tagal na naming magkakilala. Hindi mahaba ang pasensya ko pero mukhang kailangan ko ng habaan dahil dito kay Elisa. Siguro'y dahil iisang anak lang s'ya ng mag-asawang Calixto kaya ganyan nalang s'ya kung maka-asta.

"Wag mo na akong intindihin, Elisa —"

"Eli nalang nga kasi! Para namang hindi tayo magkakilala!" Putol n'ya sa dapat Kong sasabihin.

Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Magkakilala nga kami, kani-kanina lang naman. Baka kung hindi s'ya napadaan dito sa tindahan nila ay hindi kami magkakakilala.

"Sige." Sabi ko nalang para wala na s'yang masabi. Akmang magsasalita pa s'ya ng putulin ko kaagad 'yon.

"Aalis na ako, ha. Tapos na kasi shift ko. Alas nuebe na, eh." Wala s'yang nagawa ng kuhanin ko na ang gamit ko sa may baggage area sa bandang double sided door.

Hindi ko s'ya pinansin nang tawagin n'ya ang pangalan ko makailang beses. Gabi na at dalawang jeep pa ang sasakyan ko para makauwi kaya wala akong time makipagbiruan sakanya o ano pa man.

Mabuti nga't pinayagan ako ni aling Nina na hanggang alas nuebe lang ang shift hanggang wala pa akong nalilipatan na medyo malapit-lapit. Nasa bandang madilim na ako ng maramdaman ko'ng parang sumusunod.

Kagabi pa 'to ah? Ano bang gusto nitong taong 'to? Wala naman akong perang maibibigay sa kanya. Sana nga pera ang kailangan n'ya.

Tumakbo na ako papuntang terminal ng jeep at katulad kagabi ay ramdam kong tumakbo rin s'ya. Putang-ina! May problema na nga ako dagdag pa 'tong taong 'to.

Nang makarating sa terminal ay walang lingon lingon akong naupo, katulad lang din ng kagabi.

Ayaw kong manisi. Ayaw kong sisihin ang nasa itaas dahil sa akin nangyayari ang mga 'to dahil alam kong tao mismo ang may gawa nito. Nawa'y gabayan n'ya ako. Hindi man ako maka-diyos pero sana gabayan n'ya ako.

Ligtas naman akong naka-uwi kanina. Pagkababa ko ng ikalawang jeep na sinakyan ko ay nilakad ko nalang ang papuntang apartment.

Nagulat ako nang hawakan ko ang seradura ay bukas lang iyon. Tanda kong iniwan kong nakapad-lock ang pinto ko. Nakasusi pa ang door knob. Hinanap ko kung nasaan na ang kadena at nakitang nasa papag na iyon.

May nangloob sa bahay ko!

Nang maisip na ganoon na nga ang nangyari ay mabilis akong pumasok sa loob. Mas nagulantang pa ako at nanlumo ng makitang halos malinis na ang tinitirhan ko — ang loob nito.

Ang mga gamit na maaring magamit at maibenta ay wala na. Ang kahoy na sofa, stove kasama ang LPG, mga plato't kutsara, rice cooker at ang heater na pinaghirapan ng Tatay kong ipundar noon.

Sa kwarto naman ay ang foam ng katre, ang closet ng mga damit maging ang mga damit ay wala na. Nagpapasalamat nalang ako't hindi nila kinuha ang picture frame namin ng Tatay ko.

Tiningnan ko ang pinagtataguan ng kaunting alahas na pamana pa ng Lola ko sa nanay at pamana ng nanay sa akin. Itinago ko iyon sa ilalim ng door mat dito sa loob ng kwarto. Kwentas na purong gold at porselas lang naman iyon kaya madaling itago.

Pero ganoon nalang ang panlulumo ko nang maging iyon ay natuntun din. Wala nang natira sa akin. Halos nasaid ang buong bahay.

Kailangan ko na talagang lumipat ng matitirhan. Ang mga damit na nasa bagahe ko na dala-dala nung umuwi ako galing Palawan ay ang mga gamit at damit nalang na natira sa akin.

Kaagad ko iyong ni-ready at kinuha ang comforter na sa awa ng Diyos ay hindi nadala o baka nakalimutang dalhin ng mga kawatan. Ang unan din na gagamitin ko ay unan na nakita kong pakalat-kalat sa sala kanina, siguro'y nalaglag nila at ayaw ng balikan.

Bakit kaya may mga taong ganoon? Taong akala mo'y kinulang sa magandang asal. Siguro nga kinulang sila sa materyal na bagay pero sana naman matuto silang makuntento. Tunay na patas ang mundo pero hindi ang tao.

Habang nakatitig sa kisame ng bahay at nagpapa-antok ay napapaisip ako. Bakit kaya?

Bakit kaya may insecure na tao? May plastic, may gawa-gawa o kung ano pa man. Bakit kaya sila ginawa? Gayong wala naman silang ambag sa lipunan?

Ang dami kong bakit pero alam kong hindi 'yon masasagot agad-agad. May kailangan pa akong tahakin bago sila isa-isang masagot.

Gusto ko silang intindihin — ang mga akyat bahay. Na siguro kailangang kailangan na nila kaya nila nagawa 'yon. Pero bakit sa akin pa?

Anong klaseng parusa ba 'to? Parusa ko ba 'to kasi pinatulan ko ang sinabi ni Drich at manloko ng kapwa? Kung oo, sobra-sobra naman ata itong kaparusahan ko.

Sana nilooban nalang ako pero hindi nawalan ng ama. Pero hindi eh, dalawa talaga ang binigay sa akin. Napaka-suwerte kong tunay at ang daming malas na dumidikit sa akin.

Tumayo ako at naglakad papuntang kusina. Iinom sana ako ng tubig pero ultimo tubig ay nanakaw din, pati nga ang nga baso. Ang natira nalang doon ay ang kutsilyo na panghiwa.

Hiwa. Panakit. Pang-pawala ng sakit o pang-padagdag ng sakit hanggang mamanhid.

Hindi. Ayoko! Hindi ko gagawin!

Pero baka sakaling maibsan kahit kunti man lang itong nararamdaman ko. Parang hindi ko na talaga kasi kaya.

Hindi! Hindi ko gagawin. Matapang ako! Hindi, ayoko. Ayoko!

Kusang dinampot ng kamay ko ang matalim na bagay iyon. Ipinuwesto ko na iyon ng medyo malapit sa tiyan ko at akmang isa-saksak na nang sumagi sa isip ko ang galit na hitsura ng Tatay.

Pinapagalitan n'ya ako dahil sa iniisip ko. Kusang binitawan ng kamay ko ang kutsilyo, tumilapon iyon ng malayo sa pwesto ko kaya napigil ko kaagad ang sarili ko na kuhanin iyon at ituloy ang balak.

Dali-dali akong umalis ng kusina at pumasok sa kwarto. Ini-ready ang maleta para sa pag-alis.

Aalis na sana ako sa loob ng kwarto nang maalala ko ang misteryosong tao na sumusunod sa akin dalawang gabi na.

"Ano bang nangyayari sa buhay ko?"

Napipilitang bumalik ako sa loob at nahiga sa kama. Nag-isip ulit kung bakit ganito ang kapalaran ko hanggang sa makatulog nalang ako.

OVERCOMEWhere stories live. Discover now