"B-boss?" Gulat na saad ko at napabangon sa pagkakahiga ko.

"You waited for me, honey," nakangiti niyang saad at hinawi ang buhok kong nakatakip sa mata ko.

Napalunok naman ako dahil 'di ko alam kung anong gagawin ko. Pero nagtatalon ang puso ko sa saya sa sandaling natitigan ko ang ngiti sa kaniyang mukha, at napansin kong okay lang siya. Napahawak ako sa upuan at tinititigan siya kahit hinahaplos niya ang aking pisngi ng marahan.

Hindi ko maintinidihan, pero may nag-uudyok sa akin na yakapin ko siya. Namiss ko siya, at sobrang nag-aalala ako dahil ang tagal niyang umuwi. Hindi ko na namalayan, pero bigla ko na lang sinalpak ang sarili ko sa mga diddib nita at ang dalawang kamay ko, mahigpit na nakahawak sa bewang niya.

Parang nabunutan ako ng tinik dahil nararamdaman ko na siya, nakauwi na siya. Ramdam ko naman ang pagkabigka niya sa ginawa ko, pero hindi nagtagal ang mga kamay niya, niyakap niya rin sa akin. Dahil nakaupo siya sa side ng sofa, at nasa side niya ako, habang kayakap ko siya ang ulo ko nasa may puso lang niya. Dinig na dinig ko ulit ang malakas na kabog ng kaniyang puso, kagaya rin ng puso ko. 'Ang saya ko, dahil nakita ko na siya at safe siya. Kahit mukha na akong tanga.'

"I'm here, honey. I didn't know you waited for me." Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi at hinagod niya ang buhok kaya mas lalo akong sumaya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. "Have you eaten?" Bumitaw siya sa yakap at tinignan ako gamit ang kaniyang kumikinang na mata, malayo s dating malamig na mukha niya.

Hindi pa ako nakakasagot, dahil ang tiyan ko na mismo ang nagsalita para sa akin. Ang lakas ng tunog ng tiyan ko, kaya biglang nawala ang ngiti sa labi ko at napayuko dahil s sobrang hiya. Napakagat labi ako at hinawak ang tiyan kong tumutunog pa rin. 'Nakakahiya! Lupa, kainin mo na ako. Ang malas ko!'

"Hmm… You don't need to answer. I saw the food on the table, you really waited for me. Come on, I'll feed you," wika niya at nilahad ang kaniyang kamay para matulungan akong tumayo mula sa sofa. Ang haggard ng mukha ni boss pero ang guwapo niya pa rin. Gulong-gulo buhok niya, kusot din damit niya, tapis 'di pa niya suot ang suit niya, tanging polo lang na nakabukas ang tatlong buttons.

Tumingin naman ako sa kaniya at tinaggap ang kaniyang kamay. Marahan niya akong hinila papunta sa table habang nagtitigan pa rin kami. Hinila niya ang isang upuan, pero nagtaka ako dahil malayo ito sa mga pagkain.

"Stay, and don't you dare move," bilin niya sa akin at mas lalong inatras ang upuan mula sa table no'ng makaupo na ako. Naglakad siya papunta sa dulo ng mahabang table at kumuha ng pagkain mula sa mga nakahain. Sa tingin ko alas tres na ng umaga, pero kakain pa lang ako ng dinner.

Pinagmasdan ko lang ang galaw niya hanggang sa bigla siyang sumampa sa may table sa mismong harapan ko habang hawak ang isang plato na may laman ng mga pagkaing ako rin ang nagluto. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa hilahin niya ulit ang upuan ko papalapit sa kaniya, kaya mas lalo akong napalapit sa mga tuhod niya.

Hindi ko alam kung ano ang balak niyang gawin at ganoon ang posisyon namin, nakatingala ako sa kaniya at siya naman nakitingin sa akin pababa. Napakunot noo na lang ako sa ginagawa niya.

"Bo~"

Nilagay niya ang kutsara sa labi ko para patahimik ako kasabay ng pagngiti niya sa akin. "Shhhh… keep quiet honey and let me feed you," mabait na wika niya at sumandok ng pagkain tapos inilapit sa bunganga ko.

'Ba't parang ang sarap ng pagkain sa mga mata ko? Eh chicken curry lang naman 'yon.' Pero nahiya ako, kaya ko namang kumain ng mag-isa kahit 'di ako subuan ni boss eh. Hindi ako bata, hindi din ako baby. "Uhmm… kaya ko naman pong kumain boss."

The BachelorWhere stories live. Discover now