Kabanata 34- Dark

806 19 5
                                    

Dark

Napasinghap ako habang dinadama ang kamay ni Rapha na nakahawak sa baywang ko. Sumayaw ang palda ng dress ko ng isang malakas na hangin ang dumaan. Tinuon ko lang ang pansin sa malawak na karagatan at kulay kahel na kalangitan. 

It's been 3 days since the day when I said yes. 

Hindi sumablay si Rapha sa pagpaparamdam sa'kin kung gaano niya ako kagusto. The way he look at me, kitang-kita na.

Yumakap siya sa'kin mula sa likuran at siniksik ang mukha sa leeg ko dahilan ng pagsinghap ko. Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang amoy. Sa paraan rin ng pagyakap niya ay damang-dama ko ang pag-iingat. 

"Do you like the view?" namamaos ang tinig niyang tanong.

Mabilis akong tumango-tango at bahagyang napapapikit ng isang malakas na hangin na naman ang tumama sa balat ko. 

"Ang relaxing talaga kapag gan'to 'yung view. Parang nasa peace ako habang pinapagmamasdan 'tong paligid. I like it... Balik tayo dito," nakangiting sagot ko habang tinitingnan ang pag- alon ng mga tubig.

Naramdaman ko na tumango siya "Yeah, We will... but let's go first to Kawasan falls. If you want tomorrow then we will," malambing niyang sabi.

"Kawasan Falls?" tanong ko.

Binasa ko pa ang labi bago hawiin ang side bangs na kakapagupit ko nung isang araw.

"Yeah, Sasakay rin tayo sa bamboo raft. Based on internet,It's kinda massaging your body when we try it. Paniguradong magugustuhan mo do'n. It's realxing, so let's go there by tomorrow.."

"Saan ba 'yon?" tanong ko habang nasa alon parin ang titig.

"Cebu," simpleng sagot niya.

Napanguso naman ako at tumingin sa kaniya "Ang layo," reklamo ko.

Hindi pa naman ako sanay sa pagbyahe ng malayo. Pakiramdam ko kapag matagal ang byahe parang nililipad na rin ako palabas ng earth. Nakakasuka,

"Oh, Baby.. It's worth it," pagkukumbinsi niya. " Tsaka maganda do'n, I want you to see the beautiful falls. Pero syempre masmaganda parin 'yung na fall ako sa'yo," ngumisi siya at mabilis akong hinalikan sa pisnge.

Tinampal ko ang braso niya "Blablabla..." I murmured and rolled my eyes.

He chuckled "Lovelovelove.." balik niya sa'kin.

Kinagat ko ang labi ko at sinipa na lang ang kulay puting buhangin. Sana masipa ko ang puso ko kasi piling ko nalaglag. Talaga ba Yves? Meganon?

Napatingin ako sa kaniya na umupo sa buhangin at hinawakan ang ilan nito. Naka kulay itim siya na khaki short at kulay puting t-shirt. Napakasimple lang ng suot niya. Pero kulang parin ata ang salitang 'gwapo' para madescribe siya.

"Do you know why these sands are refined?" matigas ang boses niyang tanong. 

Napakunot ang noo ko at akmang uupo rin ako sa tabi niya ng napahinto ako sa ginawa niya.

May kinuha siya sa kaniyang bulsa, Isang kulay itim na panyo at nilapag sa tabi niya.

"Sit here... Baka marumihan ang suot mo," He simled. 

Napangiti rin ako na umupo sa tabi niya. Kakalapag ko lang sa inuupuan ay pumulupot na ang braso niya sa baywang ko habang nakatuon parin ang pansin sa buhangin.

"Ano nga ulit 'yung tanong mo?

"I'm asking you if you know why these sands are refined?" tinaasan niya ako ng kilay.

LET ME IN DARK (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat