"Cous! Akala ko wala na kayong balak pumunta ni Cat." Bungad naman ni Rin sa'min at nagsimula nang magpa-cute kay Hecate. Bahala sila d'yan, gusto ko pang matulog.

Isang bus na lang ang ginamit namin para raw sama-sama at maging mas close ang lahat.

Hindi sana ako papayag kaya lang wala naman akong magagawa, mas mabuti na 'to kaysa kulitin niya ako. Parang fieldtrip tuloy ang kinalabasan ng team building na 'to tapos ang dami pa nilang junk foods na bitbit. 

Officemate ko ba sila o naligaw ako sa high school fieldtrip? Uupo na sana ako sa unahan kung saan walang nakaupo pero bigla akong inunahan ni Rin habang hatak si Cat.

"Kami na lang tabi ni Cat, ha? Kaya mo na sarili mo, Cous." Excited na sabi niya. Aalma sana si Cat pero tinawag na ako ni Yvo.

Kung sinuswerte ka nga naman. Sa lahat ng pwedeng makatabi, siya pa talaga. Wala na rin kasing bakanteng upuan.

Pagkatapos kong ilagay ang gamit ni Cat sa compartment katapat ng inuupuan nila ni Rin ay lumapit naman ako kay Yvo na nasa bandang gitnang parte ng bus. Gusto pa sana akong tulungan ni Yvo na ayusin ang bag ko pero pinigilan ko siya. Pagkaayos ko ng gamit ko ay umupo na ako sa tabi niya. 

"Gusto mo sa tabi ka ng bintana?" Maya-maya'y offer niya. Pakiramdam ko ay may nag-twinkle-twinkle ang mata ko dahil sa sinabi niya. Tumikhim muna ako bago magsalita para maitago ang hiya dahil sa inasal ko. "If you don't mind." Walang salita naman siyang tumayo para makipagpalit sa'kin ng pwesto.

"Thanks."

"You're welcome. By the way, Iniko?"

"Yes?" I said while setting up my headphone and travel pillow. Inaantok na talaga ako.

"N-Nothing."

"Okay then, I'll get some sleep." Sabi ko at sinuot na ang headphone ko then played classical music. 

Parang kakapikit ko pa lang ay may gumigising na agad sa'kin. Wala na bang igaganda ang araw ko? 

"I'm awake, now stop," I said without opening my eyes. Ine-enjoy ko pa kasi ang naka-play na kanta. Rossini's The Barber of Seville, one of my favorite pieces. Dahil doon ay gumanda na rin ang mood ko kahit papa'no.

Bigla namang inalis ng kung sino ang headphone ko. Pagmulat naman ng mata ko ay mukha ni Hecate ang tumambad sa'kin.

"Kapag hindi ka pa tumayo d'yan, iiwan na nila tayo." Masungit na sabi niya at pinisil ang ilong ko.

"Ang antukin mo naman kasi pinsan." Singit naman ng epal kong pinsan na kasama pala niya.

"Oo na. Akin na nga 'yang headphone ko." Nakasimangot na sabi ko. Doon ko lang napansin na kaming tatlo na lang pala ang natira sa loob ng bus.

"Sungit talaga." Rinig kong sabi ni Rin. Hindi ko na sila pinansin at kinuha na ang gamit ko. Kukunin ko na sana ang gamit ni Cat nang agawin ni Rin.

"Ako na bahala kay Cat, Cous!" Hyper namang sabi niya.

"Fine." Sabi ko at sinuot na ulit ang headphone ko. Wala akong energy makipagtalo ngayon.

Five na tao lang daw ang kayang i-accommodate ng bawat tour guide kaya hinati kami sa limang group. Si Cat, Yvo, Rin, Honey at ako ang magkakasama.

"Gusto mo tulungan kita sa gamit mo?" Sabay na sabi ni Honeylette at Yvo.

"No, thanks. I can manage." I said then simply smile at them.

"Haba talaga ng hair ng pinsan ko." Pang-aasar naman ni Rin.

Bwisit talaga, basta makakuha siya ng pagkakataon, sure na aasarin niya ako.

"Lubayan mo 'ko, Rin."

Nang maayos na ang lahat ay nagsimula na kaming umakyat.

No'ng una ay okay pa naman dahil hindi pa masyadong matarik pero habang tumatagal ay parang naririnig ko na ang paglagutok ng mga buto ko kaya napatigil ako sa paglakad.

"Iniko, ano pang hinihintay mo d'yan? Bilisan mo!" Sigaw naman nila. Masyado kasing matarik ang dinaanan namin na kinailangan pa ng lubid para pang-support para makaakyat.

Pa'no sila nakaakyat do'n agad?! Hindi ba sila napapagod?

At dahil likas akong competitive ay pinilit kong umakyat ng mabilis.

"Akala ko tumatanda ka na masyado e'." 

"Isang taon lang ang tanda ko sa'yo, 'no!" Masungit kong sabi kay Rin. Pinupuno ako masyado ng pinsan kong 'to. Pagulungin ko na lang kaya siya pababa rito? 

"Pagod ka na yata." Sabi naman ni Cat.

"I'm not." Isusuot ko na lang sana ulit ang headphone ko nang maramdaman ko ang vibration ng phone ko.

"Wait." I said nang magsisimula na sana ulit silang umakyat. For fuck's sake, ano bang kinain nila at ang energetic nila masyado?

Sabay-sabay naman silang tumigil at tumingin sa'kin.

"Sasagutin ko lang 'to, baka walang signal sa taas." Hulog ka ng langit kung sino ka mang tumatawag sa'kin. Agad ko namang sinagot ang tawag bago pa sila umangal.

"Hello?"

"Wow! First time mong sumagot sa call ko, babe." Sabi ng tumawag sa'kin. Malas naman! Si Ken pa talaga.

"I'm kinda busy right now, I'll call you later." Sabi ko.

"WAIT!" Napapikit naman ako sa lakas ng boses niya. Bwisit ka! Naka-headphone pa naman ako.

"What is it?!" Galit na sabi ko. Swear, this is the worst day ever!

"Woah, chill. Uhm, dahil hindi naman tayo natuloy last Wednesday. Kailan na lang tayo magkikita?" Hopeful niyang tanong. The audacity to ask! Pagkatapos niyang sumigaw?!

"February 30 tayo magkikita. Bye!" I said then ended the call. I immediately blocked his number.

"Who's that?" Tanong ni Cat pagkaharap ko sa kanila.

"Nothing. Let's go?"

**

After three long hours of struggling, dumating din kami sa spot namin. Agad naman akong nahiga sa lapag kahit na may mga parte na walang damo. What the hell! Ito na yata ang pinaka nakakapagod na activity na ginawa ko buong buhay ko. 

Parang hindi ko na maramdaman ang mga hita ko. Feeling ko malulumpo na ako. 

"Cous, halatang 'di ka nag-e-exercise. Mabuti na lang at hindi ka tumataba kahit gan'yan ka." Sabi ni Rin at pinagitnaan nila ako ni Cat. Compliment ba 'yon? Saka ano naman kung tumaba ako? Maganda pa rin ako, 'no! Hahampasin ko na sana si Rin pero nakaiwas siya.

"Fuck you." Pagod kong sabi. 

"Hindi ko alam na okay lang sa'yo ang incest." Painosenteng sabi niya. Palihim namang tumawa sina Yvo. Anong nakakatawa do'n?!

"Kadiri ka talaga!"

"Bumangon ka na, Iniko. Kumain na muna tayo bago magpalit ng damit." Sabi ni Cat at tinulungan akong bumangon.




No Strings AttachedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz