Chapter 12: Reactions To Actions

42 3 0
                                    

PREVIOUSLY

Nakalabas na ng banyo si Ursula at mukhang relieved na relieved. "Ano na kayang nangyari dun, ma-check na nga."

Naglakad papuntang kwarto si Ursula, nakangisi ito at nag-iiisip ng kung anu-ano. "Hehehe, sana ako nalang si Brandon! Punung-puno ng mga boys ang room! Ay! Sayang na sayang, kung ako lang ang nasa kalagayang 'yon, okay lang na ma-lock ako sa loob ng kwartong 'yon forever!"

Nakausli lamang ang pintuan kaya't unang sinilip ni Ursula bago pumasok. "Knock, knock, k-knock?" Nanlaki ang mga mata n'ya nang makitang pinasasalit-salitan ang kan'yang nakahalandusay at walang malay na kaibigan. "Oh my... I see you guys are busy."

~

"Ursula? Ikaw na ba 'yan ngayon?" Nagkaroon na ng malay si Brandon na nakahiga sa isang medical bed. "Ang daming nag-iba sa itsura mo, parang tumanda, ilang taon na ba ako naka-coma?"

"Taon agad? Assuming ka naman masyado. At tsaka excuse me? Hindi pa ako gurang sa itsura! Baka ikaw!"

Idinampi ni Brandon ang kan'yang mga daliri sa labi. "Ursula, pina-plastic surgery ba ako ng mga magulang ko ng hindi ko nalalaman? Kasi parang hindi ko maramdaman labi ko.

"Surgery? Hindi naman. Pero kapag hindi ka pa tumigil sa pagtatanong ng walang katuturan, magpapagawa ka talaga." Umamba ng kamao si Ursula kay Brandon.

"Mauna ka muna." Tumawa si Brandon, pero medyo mahina lang. "Ano ba kasi ang nangyari? Bakit ako naandito sa ospital?"

Ursula sighed. "First of all, hindi 'to ospital, you're still inside the restaurant. Second of all, bakit wala kang nalalaman sa nangyari? Third of all, wala ka namang kahit anong injuries, kaya pwede bang 'wag kang umarte na para kang na-rape!"

Umupo si Brandon mula sa pagkakahiga. Bumulong si Ursula. "Kahit na parang na-rape ka..."

"May sinasabi ka ba?" Tanong ni Brandon sa nakatayong kaibigan.

"Sabi ko, 'wag kang umarte na parang na-rape ka kahit nangyari talaga!" Napatakip si Ursula ng bibig dahil sa pagkakadulas ng mga salita mula sa kan'yang dila.

"Ibig sabihin mo... kaya parang... manhid ang bibig ko... dahil..." Ang mukha ni Brandon ay hindi maipinta dahil sa pandidiri.

Hindi sumagot si Ursula at nagpatuloy lamang si Brandon sa kan'yang sinasabi.

"Kaya ba ganito ang pakiramdam ng bibig at labi ko? Kasi ginamit nila bunganga ko sa bagay nila?" Naduduwal si Brandon sa kan'yang binanggit sa harap ng kaibigan. "Ursula naman, bakit hindi mo ako ipinagtanggol?"

"Tanga! Sino naman gustong gumamit ng bunganga mo? Dumi ng utak mo! They just did mouth-to-mouth resuscitation on you, kasi wala kang malay." Pag-eexplain ni Ursula.

Nagulat si Brandon sa sinabi ni Ursula. "Isa-isahin mo kung sinu-sino ang 'they'."

"I think hindi mo pa nakikilala lahat ng mga bisita mo, pero lahat sila nag-take part sa mala-contest na pagma-mouth-to-mouth sa'yo. Pinag-aawayan kasi nila kung sino ang makakagising sa walang kamuwang-muwang na ikaw." Mala-fairy tale na isinalaysay ni Ursula ang kan'yang mga nadatnan nung panahon na iyon.

"Pakiulit nga, anong ginawa nila?"

"Gusto mo talagang marinig ulit? Sure, why not. Nagsasalit-salitan sila sa pagkikipag-mouth-to-mouth sa'yo. Lahat nang iyon dahil nag-panic sila nang mahimatay ka ng biglaan!" "Uulitin ko-"

Umiling si Brandon. "Hindi na, please, tama na, TMI!"

Umupo si Ursula sa tabi ng hinihigaan ni Brandon at hinarap s'ya. "So, what's your plan? Paano mo babalikan mga bisita mo? How will you face them after that embarrassing moment that is not only yours but also theirs?"

"Hindi ko alam. Nakakahiya 'to sobra, Ursula, nakakahiya grabe."

Tumawa lamang si Ursula sa reaksyon ng kaibigang nagba-blush.

"Sandali nga, niloloko mo lang yata ako eh."

"Hindi no!" Tumayo si Ursula. "Pero kung iyan nga ang pinaniniwalaan mo, go ahead. Check if someone's brave enough to at least look at you when you get back in that room." Hinihila ni Ursula si Brandon mula sa medical bed. "Oh, takot? Kala ko ba hindi ka naniniwala sa kinuwento ko."

Tumayo na mula sa medical bed si Brandon at kinuha ang kan'yang coat na nakasampay sa mala-walk-in closet na kwartong kadikit ng kanilang kinaroroonan. "Masyado ka namang sensitive, I was just checking. Kasi minsan may pagka-exaggerated ka sa pagkukwento at nagiging hindi na makatotohanan. Hintayin mo si Antonietta!"

"Makatotohanan man o hindi, mabenta parin!" Binuksan ni Ursula ang pintuan at nauna nang lumabas. "Bilisan mo naman d'yan, baka tapos na graduation pero nandid'yan ka parin!"

And they arrived in front of the room where Brandon's guest are, yes, again, for the millionth time. "So, ano? Final take na ba 'to?" Ursula asked Brandon na nakatulala lamang sa pintuan.

"I feel so shy, parang naniniwala na talaga ako sa ikinuwento mo. Naka-coat na ako pero giniginaw parin ako, kaba ba talaga 'to?" Sabi ni Brandon.

"Hindi, malakas lang talaga aircon dito. Hawakan mo braso ko..." Idinampi ni Brandon ang kamay n'ya sa braso ni Ursula. "...'di ba parang yelo, ahahahaha!"

"Hindi kaya kaluluwa ka nalang? Hindi kaya mayroon lang akong third eye kaya kita nakikita?" Nagbibirong tanong ni Brandon.

Nakakunot ng noo si Ursula sa sinabi ni Brandon. "Hindi kaya may sayad ka lang sa utak kaya ka gan'yan? Hindi kaya maganda kung babatukan kita? Siguro maganda kung itutulak kita sa hagdan ng restaurant na 'to, nakita mo naman kung gaano kahaba ang hagdanan at kung paano ka gugulong pababa, 'di ba?"

Dahil sa inis, itinulak ni Ursula si Brandon kaya nabangga ang katawan n'ya sa pintuan ng kwarto na tumunog ng napakalakas sa paghampas nito. "Ursula naman! Papasok naman ako, hindi naman kailangang pwersahan!"

"Brandon! Nakatingin sila lahat sa'yo!"Sabi ni Ursula. "Umayos ka naman!"

Napakunot ang noo ni Brandon. "Kung makapagsalita ka d'yan, parang andaling gumalaw pagkatapos mabalibag sa pinto." Tumayo ng maayos si Brandon kahit pilit n'yang binabaliwala ang sakit mula sa pagkakahampas. Naglakad na s'ya papalapit sa mga bisita, kung kanina ay mukhang masusungit ang mga ito, ngayo'y parang sila ang nahihiyang lumapit.

"I'm sorry about a while ago."

~TO BE CONTINUED~

 

SEE YOU NEXT CHAPTER!!!!

 

Thank you for staying there, sorry for the slow updates. A follow from you would be acceptable, a comment would be great, a vote would be fantastic! Please stay still for the next chapter!

Nonagon (bxb) (cancelled)Where stories live. Discover now