Chapter 10: Embarrassing Encounters

27 3 0
                                    

PREVIOUSLY

Pumunta si Ursula sa banyo, ngunit mayroong boses na pamilyar sa kan'yang mga pandinig. Kaya napakatok s'ya sa kabilang banyo upang alamin ang kalagayan ng kan'yang kaibigang si Brandon.

"Argh! 'Wag kayong lalapit! D'yan lang kayo!"

~

"Hala, marami yatang ipis ang nakita nito ah." Kumatok muli si Ursula sa pintuan, ngunit parang hindi s'ya naririnig ng kaibigan.

"Sinabing d'yan lang kayo, 'wag kayong gagalaw! 'Wag na 'wag n'yo akong hahawakan!"

Napaisip na si Ursula na parang mayroong masmasamang nangyayari sa loob. "Hindi yata mga ipis ang kaharap ni Brandon ngayon... Mga rapists yata!" Sumugod sa loob ng banyo si Ursula na binabaliwala ang maaari n'yang makita sa loob, sa loob ng panlalaking banyo.

"Layo! Layo!" Sinisigaw ni Brandon habang may hawak-hawak na mop.

"Nako naman Brandon, akala ko kung ano nang halimaw ang kakain sa'yo!" Naiinis na sambit ni Ursula.

Iminulat ni Brandon ang kan'yang mga mata at nakita ang kaibigang nakahalandusay sa sahig at tumatawa. "Nasaan na sila?"

"Sinong sila? Eh mag-isa ka lang naman dito ah?" Tumayo si Ursula at binuksan lahat ng cubicles. "Nahihibang ka na nga talaga, friend."

Isa-isang tiningnan rin ni Brandon ang mga cubicle at tama nga ang sinabi ni Ursula na walang kahit anumang creature ang nasa loob ng banyo kundi s'ya lamang. "Pero, 'yung tatlong taong magkakamukha... Kung hindi sila totoong mga tao, 'di kaya mga multo?"

"Tara na nga, ikain mo nalang 'yan! Nalilipasan ka na ng gutom, lipas na lipas na at halatang-halata pa!" Nang-iinis nasinabi ni Ursula. "Alam mo, kanina pa ako nababanyo eh, pwede bang dito nalang?"

"Sinasabihan mo ako ang baliw? Ako ang wala sa sarili? Hindi mo ba naririnig 'yang sinasabi mo? Dito ka maghahasik ng lagim sa banyong hindi ka rapat naroroon?" Nagbuntong-hininga si Brandon sa sinabi ng kaibigan.

Pumasok si Ursula sa isang cubicle at ni-lock ito. Pagkalipas ng ilang Segundo ay parang nag-aalburutong bulkan ang maririnig.

"Ursula! Bilisan mo d'yan! Pumutok na ang bulkan, baka matamaan tayo dito!" Sigaw ni Brandon sa kaibigang nasa loob.

"Hindi 'yun bulkan!"

"Eh, ano 'yun?" Pagtataka ni Brandon, maya-maya'y may kumalat na sama ng panahon...

Napatakip ng ilong si Brandon dahil sa naaamoy. "Yuck! Kadiri! Mauna na nga ako, baka dumikit pa sa damit ko 'yung amoy!"

Lumabas si Brandon sa banyong na-contaminate na. Nang makahinga na ng maluwag, nagsimula na s'yang maglakad pabalik sa kuwarto kung nasaan sila Hansel at Tommy, pati na rin ang kan'yang hindi kilalang mga bisita. "Naku! Hindi ko na inabutan ang pangalawang round ng bakbakan nila Hansel at Tommy!"

Nakatayo na muli si Brandon sa harap ng kwarto kung nasasaan ang kan'yang mga mukhang kikilalanin. Nang hawakan na n'ya ang doorknob, naalala n'yang may password nga pala ang pintuan bago magbukas. Muling nahilo si Brandon bago n'ya ipindot ang hintuturo sa touchscreen na katabi ng doorknob.

"Hindi nga pala nasabi sa akin ang password ng pintuan." Ambang kakatok na s'ya nang maisip n'yang baka bukas at hindi naka-lock ito. Hinanda n'yang buksan ang pintuan at nagbabakasakaling bukas nga ito.

Dahan-dahan n'yang binubuksan ang pinto. "Bukas nga!"

Malawak na ang pagkakabukas ng pintuan kaya't nakita n'ya ang nakahandang lamesa sa kalagitnaan ng silid, sa palibot nito ay nagkalat ang kan'yang panauhin na mayroong bilang na siyam.

Napatingin ang lahat ng nasa silid kay Brandon na medyo ikinahiya nito dahil parang naabala ang itsura ng lahat. "Sorry to keep you waiting..."

Mayroon s'yang namukhaan, ang tatlong magkakamukha na kan'yang kinatakutan nang s'ya'y pumunta sa restroom na mas lalo pang nagpakabog ng kan'yang dibdib sa hiya.

"Don't be scared... I am here." Boses ni Tommy na kan'yang narinig kahit pa s'ya'y medyo may kalayuan sa kan'yang kinaroroonan.

"I'm not scared!" Humakbang na ito papasok ng kuwarto at sumara ang pituan sa kan'yang likuran habang s'ya ay lumalapit sa kinalalagyan ng lamesa't kan'yang mga bisita.

Bahagyang bumagal ang paglalakad nito at napahawak sa noo dahil nakararamdam na naman ng pagsakit ng ulo, nakita ito nina Tommy at Hansel kaya't sila'y nagmadali para lapitan si Brandon. Dahil parehong naka-focus kay Brandon ang dalawa, nagkabanggaan ito at pareho ring napaupo sa sahig.

Walang nakasalo kay Brandon nang mawalan s'ya ng malay, napahiga ito sa may red carpet na kaninang tinatayuan nito.

~TO BE CONTINUED~

SEE YOU NEXT CHAPTER!!!!

Thank you for staying there, sorry for the slow updates. Please feel free to FOLLOW, COMMENT, FAVOURITE, and HEART my written stories, please do stay. Thank you! J

Nonagon (bxb) (cancelled)Where stories live. Discover now