PROLOGUE

234 100 78
                                    


Prologue : Confession

MOREEN'S POV :

*Graduation day*

"Waaaahh... Congrats ate Mori" maligalig na sigaw habang nakayakap na sabi ni Yumi, ang kapatid kong ubod ng ingay.

"Ano ba yumi ang ingay mo" sabi ko sabay hampas sa braso n'yang nakapulupot sa leeg ko.

"Ma...kapatid ko ba 'to o kapatid ni lori??" dagdag ko pa habang nakaturo kay yumi.

"hahaha... Mag sitigil na nga kayong dalawa dahil hindi talaga kayo mag kapatid at hindi rin namin kayo mga anak" natatawang sabi ni mama habang lumalapit kay papa.

"Maaaaa" sabay naming sigaw ni yumi.

"HAHAHAHAH—wag nga kayong mag paniwala dito sa mama nyo" natatawang sabi ni papa habang nakayakap kay mama—ang sweet sanaol.

"gusto nya lang kayong madagdagan—kaya mamaya gagawa kami" bulog ni papa na halata namang pinaparinig kay mama. Hahampasin sana s'ya ni mama kaso bigla nalang humarurot ng takbo si papa habang sumisigaw.

"MGA ANAK—MAUNA NA KAMI NG MAMA NYO AT GAGAWIN PA NAMIN SI BABY JR." sigaw ni papa habang tumatakbo kaya napapatingin sa kan'ya ang mga tao at natatawa.

Napasampal nalang ng sariling noo si mama dahil sa kalokohan ni papa. Habang kami naman ni yumi ay tawang tawa.

" Mga anak mauna na kami ni papa n'yo at malilintikan talaga s'ya sa akin—umuwi kaagad kayo ah dahil mag ce-celebrate tayo bukas" pag katapos sabihin yun ni mama ay agad na rin syang tumakbo para habulin si papa.

Napakunot nalang ang noo ko dahil sa pagtataka kung bakit parang wala pang balak umuwi si yumi kaya binalingan ko agad s'ya ng tingin.

"Hoy ikaw babae... Wala ka bang balak umuwi?? Bkt di ka pa sumabay kila mama??" takhang tanong ko kay yumi.

"eh bakit ikaw ate tapos na rin namn yung graduation ceremony nyo ah bakit di ka pa umuuwi??... Ikaw ah—siguro hinihintay mo pa si kuya Axel noh?? Yiieee" kinikilig na sabi ni yumi habang sinusundot sundot ang tagiliran ko.

"ano ba yumi hindi ah—may party pa kasi kami mamaya, dederetso na ako kila lori dahil do'n din namn gaganapin yung party...Kaya ikaw babae, umuwi ka na at baka masampal kita" pagbabanta kong sabi kay yumi.

"Ang harsh ni ate...tsaka Di pa pwede ate, may pupuntahan pa po ako at tsaka nagpa alam narin namn na po ako kila mama't papa."

"at san ka namn pupunta aber??" tanong ko habang naka hawak ang dalawa kong kamay sa magkabila kong tagiliran.

"Sa mall ate... Mag kikita kami ng mga kaibigan ko kasi may bibilhin lang kami para sa surprise party ng isang kaibigan namin"

"kaibigaaan?? Talaga lang ah—siguraduhin mong kaibigan hindi kalandian ah" sabi ko sabay batok sa kan'ya. "Alam ko na mga ganyang galawan yumi gawain ko yan dati—kaya wag mo kong niloloko ah" dagdag ko pang sabi habang sinusundot ko ang kanyang noo gamit ang isa kong daliri.

"Aray namn ate—opoo" reklamo nya habang kumakamot ng ulo. May kuto pa ata ang animal.

"Di namn ako katulad mo na gagawa daw ng project pero susundan lang namn pala si kuya Axel mag damag" bulong nya pa kaya ayun nabatukan ko ulit. "aray ko namn ate lab na lab mo talaga ako eh no??" reklamo nya kaya natawa nalang ako.

"sige na dami mo pang sinasabi nang makauwi ka ng maaga" sabi ko sabay tulak sa kan'ya

"Aray namn ate, eto na po aalis na... Bye ate enjoy sa party" sabi nya sabay halik sa pisngi ko at umalis na.

Full Of Pain (Pain Series #1) Where stories live. Discover now