GLOWING GEMS 15: ANG MGA TAGAPANGALAGA

Start from the beginning
                                    

Nasa ganoong pagnguya ako ng maalala ko ang iba pang mga tagapangalaga kaya't agad na lumukob sa akin ang labis na pananabik na sila ay aking masilayan.

"Paumanhin mahal na hari este papa, ngunit nais ko lamang po itanong kung nasaan po ba ang iba pang mga tagapangala? Sa pagkakadinig ko ay may tatlo pa ang nangangalaga sa apat na elemento ng buhay, ang elemento ng hangin, lupa, at tubig." Takang tanong ko sa aking ama.

"Magandang katanungan anak. Totoo ang iyong narinig tungkol sa mga tagapangalaga. Sila ang tumatayo bilang iyong nakakatandang mga kapatid. Hindi sila nanggaling sa aking sariling punla ngunit sila ay nanggaling sa aking dugo, nananalaytay sa kanila ang aking dugo sa kadahilanang isinalin ko ito sa kanila, nais ko silang maging anak dahil sa taglay nilang kabutihan at katapatan.

Sila ay mga anak ng mga hari't reyna sa bawat kaharian at sulok ng mundong ito. Ipinamana sa kanila ang mga regalo na pinangangalagaan ng kanilang mga magulang, ang tubig, hangin, at lupa, ang mga magulang naman ng mga ito ay sadyang malapit sa akin kaya bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanila ay ako na ang kumupkop sa mga ito at kalauna'y tuluyan ko na ngang napanindigan ang aking pagiging ama sa mga ito.

Alam nila ang tungkol sa iyo at sa iyong muling pagbabalik kaya labis nananabik ang mga ito na ikaw ay kanilang masilayan. Sa mga sandaling ito ay ginigising ko na sila sa kanilang mga paniginip at ipinababatid kong ikaw ay naririto na sa iyong kaharian. Maya maya lamang ay magtutungo na ang mga iyon dito." Salaysay ng aking ama dahilan upang ako ay mamangha dahil sa taglay nitong kakayahang ikonekta ang kanyang isipan sa iba. Bigla naman akong nilukuban ng labis na pananabik na masilayan ang aking kikilalaning mga kapatid.

Napangiti ako sa mga tinuran ng aking ama. "Kung gayon ay totoo pala na dito naninirahan ang iba pang mga tagapangalaga?" Tanong ko ulit ngunit tanging tango lamang ang naitugon nito habang nakangiti.

Ipinagpatuloy ko ang aking pagkain ng may ngiti sa aking mga labi dahil sa labis na pananabik. Ilang saglit pa noong ako ay matapos kaya agad kong kinuha ang aking baso at dito ako ay uminom. Agad kong inilapag ang basong walang laman at dito ay naramdaman kong ako ay busog na.

"Kumain ka pa anak, marami pa ang mga iyan." Pagalok sa akin ng aking ama ngunit tinanggihan ko ito dahil sa busog na ako.

Nasa ganoong tagpo kami nang biglang umihip ang hangin sa kapaligiran na tila nagbabadya ng isang sakuna. Ilang saglit pa noong yumanig ang paligid at naglalabas ito ng mga buhangin, maliliit na bato, at alikabok at sumama ito sa hangin kasabay nito ang pag angat ng tubig sa mga baso at petchel sa paligid at sumama din ito sa hangin. Nagpaikot ikot ang mga ito sa kapaligiran hanggang sa magliwanag ang aking dibdib ganoon din ang hangin, tubig, at mga buhangin na patuloy sa pagikot sa paligid. Binalingan ko naman ng tingin ang aking katabi na si Gael at ang gago ay walang pakialam sa mga nagaganap sa paligid at sige pa rin sa pagkain.

Ilang sandali pang nagpaikot ikot ang mga ito nang biglang naghiwa-hiwalay ang mga ito sa tatlo, agad namang bumaba ang mga ito sa sahig ng palasyo at doon nagpatuloy ang pagikot ng mga ito. Maya maya pa ay bigla na lamang nagliwanag lalo ang mga ito kasabay nito ang paghupa ng paggalaw ng buhangin, tubig, at hangin. Nasa ganoong posisyon ako nang unti unti ko ng nasisilayan ang mga pigura nito hanggang sa sumabog ang buhangin, tubig, at hangin na umiikot kanina sa buong paligid. Dito tumambad sa akin ang nagliliwanag na mga nilalang na nasa aming harapan ganoong din sa pagliwanag ang aking dibdib.

Maya maya pa ay bigla na lamang nawala ang liwanag na bumabalot sa aming mga sarili at dito nakita ko ang tatlong lalaking nakatayo habang nakangiti. Agad itong nagtungo sa aking ama at nagbigay galang.

"Sa susunod huwag niyo ng gagawin ang ganoong pagsulpot kung saan lalo na kung may kumakain dito sa hapag dahil nadudumihan ang pagkain." Natatawang saad ng aking ama.

Glowing Gems Where stories live. Discover now