GLOWING GEMS 14: ANG PAGKATAO NI LOM 2

Start from the beginning
                                    

"Umalis na kayo rito! Isama ninyo ang sanggol at ako ay maghahanap ng mundo kung saan doon ay maninirahan kayo ng tahimik. Busugin niyo ng pagmamahal ang aking anak, alagaan niyo ito ng mabuti at palakihin na may paninindigan sa kanyang sarili." Natataranta kong saad.

"Heto ang kalahating sako ng ginto Caloy. Gamitin niyo iyan upang makapagsimulang muli. Gilom ang pangalan ng sanggol, ituring niyo siya na parang isang tunay na anak." Dagdag ko pa.

"Pangako namin iyan sa iyo prinsipe Rascal. Aalagaan namin siya at bubusugin ng pagmamahal." Saad ni Caloy.

"Mas mabuting isama niyo na rin si tandang Cora. Kunin niyo siya sa inyong silid at magkita kita tayo sa likod ng palasyo. Magiingat kayo sa labas." Turan ko sabay na kinuha ko ang bata at dali daling lumabas sa silid ang mag asawa.

Inilapag ko ang sanggol sa malambot na higaan at ipinikit ang aking mga mata. Dito ay nagsimulang magliwanag ang aking katawan.

"Ikaw Gilom ay lalaking masiyahin dulot ng labis na pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa iyo. Mamahalin ka ng lahat at gagabayan sa lahat ng oras. Magiging mabuti kang nilalang pagdating ng panahon. Ikaw ay magbabalik sa lupain kung saan ka nagmula upang maging kaisa sa pagtatanggol ng iyong nasasakupan.

Sa oras na ikaw ay magbalik sa ating lupain ay dadalhin ka ng pagkakataon sa akin at sa oras na masilayan mo ang aking mga mata ay ipaparamdam nito sa iyo ang aking pagmamahal at pananabik na ikaw ay aking muling mayakap. Dalhin mo ang aking pangalan at dangal bilang iyong ama at ang pagmamahal ng iyong ina. Sa ngalan ng diyos na iyong ina ay binabasbasan kita na ilayo ka sa panganib at masasamang kaganapan..." Pagsambit ko ng engkantasyon sa sanggol, kasabay nito ang pagliliwanag sa kinaroroonan ng sanggol. Ang liwanag na ito ay kulay ginto na may bahid ng kulay pilak. Palakas ng palakas ang liwanag na ito na ano mang oras ay maaari itong sumabog, maya maya pa ay bigla na lamang sumabog ang liwanag sa paligid dahilan upang bahagyang yumanig ang palasyo. Ilang saglit pa noong higupin pabalik ang sumabog na liwanag at naipon ito sa ibabaw ng sanggol at maya maya pa ay bigla na lamang nagliyab ang liwanag kasabay nito ang pagyanig ng paligid na sinabayan pa ng pagsabog galing kung saan at ilang sandali pa noong masilayan ko ang liwanag na nagmumula sa bulkan na patungo sa aming deriksyon. Sumabog ang bulkan dahilan upang magliwanag ito ng husto.

Dito ay malinaw kong nasisilayan ang bagay na nagtutungo sa aming kinaroroonan, ito ay isang lahar na nanggaling sa bulkan malapit sa kabundukan at patungo sa aming kinaroroonan.

Maya maya pa ay bigla na lamang hinigop ang lahar ng liwanag na nasa ibabaw ng sanggol dahilan upang umihip ang hangin sa paligid ganoon din ang pagiibayo ng apoy na nagliliyab sa paligid nito. Nasa ganoong paghigop ang liwanag siya namang pagliwanag ng mata ng sanggol hanggang sa mawala ang liwanag na nasa ibabaw ng sanggol at dito tumambad sa aking paningin ang isang kulay pulang bato na parang krystal na patuloy sa paglutang. Nagliliwanag ang bato sa kulay nito habang umiikot ito.

Patuloy ito sa ganoong pagikot hanggang sa unti unti itong bumababa patungo sa dibdib ng sanggol at walang ano ano'y bigla itong bumaon sa dibdib ng sanggol kasabay nito ang pagbahing nito habang mahimbing pa rin itong natutulog.

"...Iyan ang regalong ipinagkaloob sa iyo ng iyong ina. Matutuklasan mo rin ito pagdating ng tamang panahon at pagkakataon." Huling kataga ng engkantasyong aking sinambit.

Agad ko ng kinuha ang sanggol at nagtungo sa balkunahe ng silid at doon ako ay lumundag. Bumulusok ang aking katawan pababa ng palasyo hanggang sa matapakan ko ang lupa at dali daling nagtatakbo papunta sa likod ng bahay kung saan naroroon sina teresa at caloy.

Glowing Gems Where stories live. Discover now