GLOWING GEMS 18: KASAYSAYAN NG APAT NA KAHARIAN

Start from the beginning
                                    

Ang mga Verathrian ay nagkalat sa bawat sulok at parte ng lupain. Sa hilaga namamalagi ang tribo ng mga manggagamot, sa kanluran naman namamalagi ang lahi ng mga Verathrian na nagbibigay ng mga basbas, sa timog ay ang tribo ng mga Verathrian na may kakayahang lumipad, sa silangan ay ang lahi ng mandirigma at malalakas na nilalang. Tahimik na namumuhay ang apat na tribo sa bawat sulok ng lupain hanggang sa may mga nilalang ang naging gahaman at sakim sa kapangyarihan at talento kaya nagawa nitong manakit at mang angkin ng kakayahan sa iba't ibang lahi.

Marami ang nagnanais na maging malakas at taglayin ang iba't ibang talento kaya nagawa nilang mang angkin ng kakayahan sa iba't ibang pamamaraan.

Dahil dito, sumiklab ang madugong labanan sa pagitan ng mga lahi at ang mga nilalang na naging sakim at gahaman sa kapangyarihan upang maprotektahan at mapanatili ang kapayapaan sa lupain ng Verathra. Mahigit tatlong taong hindi nabigyan ng katahimikan at kapayapaan ang lupain ng Verathra kung kaya't ang mga Verathrian ay nanalangin at nagdasal na sana ay magwakas na ang katimawaang ito, ang mga Verathrian ay nananalig at sumasamba sa tagapaglikha na si Veranda.

Maraming nilalang ang napaslang at nadamay dahil sa kalapastanganang nagawa ng mga taong may masasamang hangarin. Habang ang mga Verathrian naman ay nanatiling nanalig na may saklolong dadating upang sila ay mailigtas sa mga kamay ng mapagsamantala, bagay na hangad ng kanilang mga puso. Dito ay nabuo ang isang sandatahang lakas na maaaring makagapi sa mga rebeldeng may masamang hangarin, sa tulong ng mga mandirigmang naggaling sa silangang parte ng lupain ay nagawa nilang magkaisa upang wakasan ang labanan sa kasaysayan.

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli na namang sumiklab ang labanan sa pagitan ng dalawang hukbo. Nagsama sama ang iba't ibang lahi upang gapiin ang kasamaang hatid ng mga ito. Nasa ganoong paglalabanan ang lahat ng bigla na lamang may isang liwanag ang nahulog galing sa kalangitan na lumikha ng labis na pagyanig hanggang sa mabuo ang isang pigura ng isang nilalang, isang nilalang na triple ang laki sa elepante.

Pinaniniwalaan na ang nilalang na ito ay ang sugo ng diyos na si Veranda dahil sa balot ito ng puti at gintong kasuotan, gaya ng sa tao ang anyo nito ngunit wala itong mukha dahil sa balot ang mukha nito ng nakakasilaw na liwanag habang hawak nito ang isang espada dahilan upang magsitigil ang mga nilalang na naglalabanan.

Ilang saglit pa noong magliwanag ang kamay ng nilalang na iyon hanggang sa itinapat niya ito sa mga nilalang na balot ng labis na pangamba at takot. Marahang hinahawi ng nilalang na iyon ang kanyang kamay hanggang sa unti unting nagiging abo ang mga nilalang na may masamang hangarin at nangahas na nakawin ang kakayahan at talento ng mga Verathrian. Unti unting nababawasan ang bilang ng mga kalaban hanggang sa wala ng masasamang loob ang natira.

Sa mga sandaling iyon ay bigla na lamang naglaho ang liwanag kasabay nito ang pagusbong ng kapayapaan at katahimikan sa lupaing iyon na nagbigay ng panibagong pag asa sa mga mamamayan ng Verathra. Iniahon ng bawat tribo ang kanilang lupain at nagsimulang muli.

Araw ang lumipas noong may matuklasan ang bawat tribo na isang bagay na lumulutang sa itaas ng kanilang mga teritoryo. Ang mga bagay na ito ay mga batong nagliliwanag sa kulay na asul, pula, berde, at kayumanggi at ang mga ito ay nagtungo sa mga nilalang na tumatayong lider at pinuno ng mga tribo.

Habang tumatagal ay unti unti nilang natutuklasan ang kapangyarihan at kakayahan nito. Ang kulay na kayumanggi ay sumisimbolo sa kasaganahan at kaginhawaan gaya ng lupa, ang berde naman ay simbolo ng dalisay at kalinisan ng hangarin gaya ng tubig, ang pula ay sumisimbolo sa kadakilaan at kabayanihan gaya ng apoy, at ang asul naman ay simbolo ng paninindigan gaya ng isang hangin.

Glowing Gems Where stories live. Discover now