Nagpatuloy ako sa pagtakbo sa kabila ng matinding pangangatog ng mga tuhod ko. Hindi tumitigil ang mga mata ko sa paghahanap sa pigura ng amang nakita kanina kahit na nahihilam na ng mga luha.

Ilan sa mga taong nagdaraan na namumukhaan ako ay nagtatangkang lumapit, nakahanda ang mga pen at mga cellphone marahil gustong humingi ng autograph o 'di kaya'y magpakuha ng litrato. Subalit napapahinto sila dahil nasa malayo pa lang, iniilingan ko na.

Sa tuwing ang iba naman ay nagpupumilit ay tinatakbuhan ko na lang.

"Shine! (Go to hell!)" sigaw ng isang galit na galit na lalaki nang hindi ko napaunlakan ng picture.

I ignored him and ran more quickly. Mas pinag-igihan ko na lang ang paghahanap sa ama.

Ngunit nakatawid na ako sa kabilang bahagi, ginalugad na ang magkabilang parte ng kalyeng kaharap, sinuyod na ang malaking sangkawan ng mga taong nagdaraan, ni anino ni Papa'y 'di ko naanigan.

Hastily, my heart plummeted as if it's a crow trying to dive through the air and its wings got splashed by the sharpness of the wind. When it fell on the ground, physical pain was not just the only thing that was felt but also the torture of being a failure and dismay for giving the benefit of the doubt.

I buried my face into my hands and blubbed roughly and noisily. Even with my eyes closed, I could still see how people around me chatter about my foolishness for crying in the middle of the street.

Naiwala ko ba si Papa... o baka naman talagang... wala si Papa at guni-guni ko lang ang lahat?

Kung gayon ay iniwan ko si Diamond sa wala?

"R-Riem?"

Inangat ko ang mukha mula sa pagkakabaon sa mga palad at gulantang na tinitigan ang lalaki sa harapan.

"J-Junio?" Sinilip ko ang likuran niya. "Mag-isa ka? Bakit ka nandito?"

Yumuko siyang nakakunot ang noo.

"Nag-inuman lang kami ng mga kaibigan ko..." He rubbed the back of his ear. Napangiwi ako nang maamoy nga ang aroma ng alak mula sa hininga niya. "Diyan lang sa may tabi. Patapos na kami, e... Hindi 'ko sigurado pero nakita ko si Papa-"

"Huh?"

"Si Papa-"

"S-Si P-Papa? N-Nakita mo? Nakita ko rin! Tama lang ako! Si papa nga 'y-yon!" Sa mga nanlalaking mata, mahigpit kong dinakot ang magkabilang braso ng kapatid na siyang nagpaangat ng ulo niya. "Nakita ko rin, Junio! S-Sa may tawiran-"

He shook my hands off him at ako naman ang mariin na pinirmi. He briskly nodded his head over and over.

"Hanapin natin," determinado niyang saad. "Dito ka sa bahaging 'to maghagilap." Iminuwestra niya ang kahabaan na nasa harapan namin at sunod naman ay iyong nasa kabila. "Doon ako sa parteng 'yon. Rikai shite? (Understand me?)"

Sa pangangaligkig ng mga labi ko, hindi na ako nagsalita pa at tumango na lamang.

Nauna na ako sa paglalakad, atensyon ay hindi hinahayaang makuha ng iba, pursigidong-pursigido na mahanap ang hinahanap.

"Yabai! Issho ni shashino totte mo idesu ka?! (Oh my God! Can I take a picture with you?!)" An early 20s girl blocked my way and grabbed my arm forcibly. Idinikit niya nang husto sa akin ang sarili na kulang na lang ay daganan ako.

Sa malayong banda ay tanaw ko ang isang payat na matangkad na lalaki, ang ulo nito ay pabaling-baling sa kaliwa't kanan na tila nababalisa sa kapaligiran. Isang tingin sa likuran, nakita ko ang napakapamilyar na mukha.

The girl glared at me angrily when I forcefully retrieved my arm from her and cursed me with all her might afterwards. Inihagis pa nito sa likod ng ulo ko ang juice na hawak niya ngunit ni sulyap ay hindi ko siya ginawaran. Wala akong panahon para sa isang sakim na kagaya niya. Pinanatili ko ang mata sa amang pabilis nang pabilis ang mga hakbang.

Art In His Breath (Japan Series #2)Where stories live. Discover now