Chapter 15

828 59 36
                                    

Chapter 15

Akala ko ay naramdaman ko na ang lahat ng sakit na puwedeng ihain ng buhay. Hindi pa pala. Marami pa pala'ng nakaabang.

They said there's a limit in every thing. But why is pain flowing like there's no end? Why am I receiving all kind of hardships in life like I'm the only one existing in this world?

Hindi ba puwedeng kahit isang beses lang ay makiayon sa akin ang kapalaran? Na kapag napupuno na ako, tumigil na muna pansamantala ang oras? Na kapag pagod na pagod na ako, huminto muna kahit saglit ang mundo sa pag-ikot?

I scoffed.

Muntik ko nang makalimutan. Ang tadhana ay pumapanig nga lang pala sa mga may kapangyarihan.

Mariin kong ipinikit ang mga mata habang labas-masok ang hikbi ng ina sa aking tainga. Imbes na ang pandinig ang sumasakit, puso ko ang napupuruhan.

"H-Henry... nagbibiro l-lang ako... H-Huwag mong sabihin n-na naniniwala ka?" pilit na tawa ang kumawala kay Mama, ang pag-iyak ay pilit na sumisingit sa tinig. "H-Hindi ba, Juanie, Riem?"

Iminulat ko ang mata at agarang nakita ang galit ngunit nagmamakaawang ina. Nahagip ng tingin ko ang pagtango ni Juanie. Ibang-iba sa ginawa ko. Takot na takot kong iniling ang ulo, nakatingin kay Papa na ngayo'y nanginginig ang panga sa poot.

Tumayo ako at nilapitan si Papa. Mula sa likuran ay kaniya ko siyang niyakap. Isiniksik ko ang ulo sa batok niya at hindi na pinigilan pa ang pagtangis na kanina pa gustong magparinig. Iniyak ko ang lahat ng takot at hapis.

"P-Papa... 'wag mo akong i-iiwan d-dito... Ayoko rito, Pa! Natatakot ako na baka pilitin ako ni M-Mama na p-pumasok sa pinagtatrabahuhan n'ya..." takot na takot kong sabi.

Standing still, he asked me.

"Ano ang trabaho ng Mama mo?" Pumiyok ang ama.

Bago pa ako makapagsalitang muli, naramdaman ko ang kalmot sa braso kong nakakapit sa katawan ng ama. Mabilis akong kumalas sa yakap nang maramdaman ang pagtulo ng kung ano sa aking braso. My eyes widened as I watched my blood ooze from the cut to my wrist.

I stepped backwards when my mother walked slowly towards me. Kung nakakasunog lang ang mga masasamang tingin, abo na ako kanina pa. Dumagundong ang puso ko sa hilakbot habang pinapanuod ang lalong paglapit nito sa akin.

Hindi ko naman sasagutin ang tanong ni Papa! Wala naman akong balak! Alam kong ang makisama sa problema ng mga magulang ay hindi maganda. Hahayaan ko naman siyang ipaliwanag ang sarili sa asawa. But she chose to hurt me... Like what she always does...

Tumagilid ako nang aktong sasampalin ako ni Mama. Handang-handa ang mukha ko sa mga oras na iyon na matamaan. But it did not come. When I opened my eyes, I saw my Papa's hand, clasping my mother's.

"Ano'ng trabaho ni Lolita, Riem?"

"H-Henry–"

"Riem!"

I jumped in shock due to my father's yell. Umiling-iling ako at ibinaba na lang ang mga mata sa brasong nagdurugo. Pinahid ko iyon, umaasang mawawala ang hapdi at ang dugo mismo. Ngunit walang nangyari. Kumalat at patuloy lang sa pagbuhos ang pulang likido mula sa manipis ngunit mahabang hiwa. 

Umupo ako sa sahig at tinabihan si Juanie na nakatulala lang. Muling itinanggi ng ulo ko ang sagot nang inulit ng ni Papa ang tanong.

Hinding-hindi ko sasabihin sa kaniya! Magmakaawa ma'y hindi!

"A-Ako na ang s-sasagot! Bakit ba kay Riem mo pa tinatanong, e, tanga 'yan at sinungaling–"

"Ikaw ang sinungaling!"

Art In His Breath (Japan Series #2)Where stories live. Discover now