Chapter 8

705 57 43
                                    

Chapter 8

"Tulungan na kita."

Umusog ako upang bigyan ng espasyo si Diamond sa gilid ko. Kamay niyang nag-aayos ng paintings ang tangi kong nakikita. At wala akong marinig kung hindi ingay ng mga taong nasa paligid. Makalipas lang ang ilang segundo ay nilingon ko ang katabi, nagbabalak na magsalita. Ngunit umurong ang dila ko nang mamataan ang walang patid na pag-igting ng kaniyang panga.

I instantaneously looked away when I felt like he was gonna look at me. 

Gusto ko siyang tangungin kung nasaan siya noong nakaraang araw. Gusto kong sabihin na naghintay ako, na umasa ako sa pagdating niya. Pero ayoko na mag-isip siya ng kung ano. Baka mamaya ay isipin pa niyang nahuhulog ang loob ko sa kaniya sa ibang paraan gaya ng akusa ni Juanie sa akin. 

At isa pa... ano namang mapapala ko sa rason niya? Wala naman... Kaya't ang pinakamabuti ay huwag ko nang alamin.

Silence worsened when we finished fixing the paintings. Nagtitigan pa kami nang matagal habang pinapaupo ang isa't-isa sa iisang bangko.

"Umupo ka na," he said.

"Ikaw na. Tatayo na lang ako't maghihintay ng mambibili."

He sighed heavily and then pushed the chair closer to me.

"I'm good. You can have this seat. Tutal ay ikaw naman ang nagtitinda rito at nakikisama lang ako."

I wanted to convince him more but I didn't want to make our conversation long either. So I just sat on the chair immediately. Naghintay na lang ako ng lalapit sa tindahan. 

Dumaan ang maraming minuto ngunit walang lumapit ni isa! Nakakailang! Mas lalong lumala ang ilangan sa pagitan namin dahil kami lang din ang naroon at wala ng iba!

Bakit ba hindi siya magsalita? Bakit hindi siya magsabi ng kahit na ano? Gaya ng kung bakit wala siya noong nakaraan?

At ano nga ang gagawin mo sa rason niya, Riem?

"Sasabihin na lang kasi ayaw pa," sabi ko sa isip ngunit napatingin sa akin si Diamond na nakatayo sa gilid ko na para bang narinig niya iyon.

"Ano'ng sasabihin?"

I facepalmed mentally. My heart began to pound hard.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko, ang boses ay inosente.

He raised a brow as he fixed his eyes on me. Sa huli ay umiling siya at nagbitaw ng titig. Salamat naman at hindi na sinundan pa!

Ibinalik ko ang tingin sa harapan kung saan salitan ang direksyon na pinatutunguhan ng mga turistang nagdaraan. Nang mabagot ay ipinatong ko ang parehong siko sa lamesa at ikinulong ang magkabilang pisngi sa mga palad. Sinampal-sampal ko ang sarili habang sinisilip ang katabi kong tindahan na puro mga pamaypay ang tinda. 

Mabuti pa siya ay kahit maghapong nakaupo ay may lalapit na customer. Sa akin ay kailangan pang arugain, silipin lang ang mga tinda.

Inalis ko ang mga siko sa pagkakasandal nang tipuning lahat ni Diamond ang mga paintings sa ibabaw ng lamesa. Awang ang mga labi kong pinanuod ang pagpatong niya ng kahon sa harapan at pagpasok ng lahat ng gamit ko roon. 

"A-Ano'ng ginagawa m-mo?"

He answered me without glancing at my side.

"Bibilhin kong lahat ang benta mo ngayong araw."

"H-Huh? Bakit naman?"

Tumigil siya saglit sa ginagawa. Napakagat siya sa kaniyang labi na animo'y nag-iisip ng tamang rason. Kumawala ang mahinang tawa sa akin nang may maisip.

Art In His Breath (Japan Series #2)Where stories live. Discover now