Chapter 4

760 59 17
                                    

Chapter 4

"Hanggang mamaya pang ala-una ang tapos ko rito."

Hindi lang iyon ang tanging dahilan. Kundi, wala akong pera! Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya ngunit alam kong hindi naman ito kumakain sa kung saan-saan lang! Baka masimot ang kinita ko ngayong araw kung sasama ako sa kaniya.

"I'll... wait for you, then."

"H-Huh? Hindi na! Sobrang nakakahiya na sa'yo! Tinulungan mo na nga ako tapos hihintayin mo pa ako ngayon? Naku, hindi na talaga, Diamond!"

I stood up and convinced him more. Pinagpag ko ang hangin, pinapauwi na siya. Ngunit hindi siya umalis gaya ng gusto ko. Kunot-noo lang siyang nakatingin sa akin. Ang lungkot ay saglit rin na nakiraan sa kaniyang mga mata o baka naman namalik-mata lamang ako. 

I shrugged.

"Sige na, Diamond."

Inalis ko ang tingin sa kaharap nang lumitaw si Yuki sa gilid ko.

"Riem!"

"Oh? Yuki? Bakit?"

"Ligpitin mo na ang mga gamit mo at sumama ka sa akin!"

"Huh? Bakit? Hindi ba't hanggang ala-una ako rito?" 

My eyes drifted to Diamond for a few seconds. Nakababa ang tingin nito sa lupa ngunit ang isang kilay ay nakataas.

"Hindi ko nasabi sa'yo na sa buong linggo na ito'y hanggang alas-dose ka lang. Nakalimutan ni tiya na mayroon nga palang nakapuwesto rito tuwing hapon. Pasensya na, ah? Ngunit huwag kang mag-alala! Sa susunod na linggo ay kahit anong oras ka umalis ay puwede!"

"Iyon naman pala! Ayos lang 'yon! Pero... saan naman tayo pupunta ngayon?"

Nasinok ang lalaking mukhang kabado sa harapan. Malalim muna itong bumuntong-hininga bago ako sinagot.

"S-S-Sa bahay sana, R-Riem... Nagluto ang Nanay ng masarap na tanghalian... Sinabi ko na p-pupunta ka."

His offer was tempting! Kung nagkataon ay unang beses ko iyon na makapunta sa bahay ng isang kaklase! Libre pa ang pananghalian! Ngunit nahagip ng aking tingin ang lalaki na ang dila ay nakatusok sa kanang pisngi, hindi ko alam kung natatawa ba ito o naiinis.

"Ah..."

Hinigit ni Yuki ang braso ko.

"Tara na, Riem! Hindi ka maaaring tumanggi dahil nakapagluto na ang Inay! Gusto ka rin niyang makilala kaya tara na!"

Naaalibadbaran kong ipinagpalit-palit ang tingin sa dalawang lalaki. Si Yuki ay punong-puno ng pagsusumamo ang mukha. Si Diamond naman ay nakataas pa rin ang kilay, inaayos ang sumbrero sa kaniyang ulo.

"Riem, tara na..." pagpupumilit ng kaklase.

Napalunok ako nang tumalikod si Diamond at nagsimulang maglakad palayo sa'min. Mabilis ang paghinga kong binawi ang braso sa lalaking katabi. I looked at him gloomily.

"Pasensya na, Yuki. N-Naghihintay sa akin si Mama sa bahay. Ayokong tanggihan ka pero k-kailangan ko na talagang u-umuwi..." Mabilis kong ipinasok ang ilang mga paintings sa loob ng kahon. Tiniklop ko na rin ang lamesa at mabilis na inabot sa lalaking gulat dahil siguro sa pagtanggi ko. "Siguro ay sa susunod na lang ako pupunta sa inyo, Yuki, kung may pagkakataon. Pakisabi na lang sa Inay mo ang pasasalamat ko... Itte kimasu! Mata ashita! (I'm leaving! See you tomorrow!)"

Buhat-buhat ang kahon ay mabilis kong sinundan si Diamond. Ang dibdib ko ay walang patid sa pagkalabog habang inililibot ang tingin sa ibaba. Napakaraming tao ang akyat-baba sa hagdanan papasok at palabas ng Yasaka Shrine.

Art In His Breath (Japan Series #2)Where stories live. Discover now