Nang magpatuloy sa pagkuha ng litrato ay awtomatiko akong naalibadbaran. Hindi malaman kung dahil ba sa takot na baka mahuli kami o sa patuloy na paghagod ng tingin at pagtitig sa akin ni Diamond.

I forced myself to concentrate in the photoshoot but I just couldn't, alright! Nang abisuhan akong humigop sa inumin ay mabilis ko iyong sinunod. Kaya naman nasamid ako't halos mapatiran ng hininga! Nabitawan ko ang babasaging bote nang kumirot ang ulo ko. Pakiramdam ko ay umakyat sa utak ko ang softdrink!

Ang mga nasa paligid ay bahagyang napatili dahil sa gulat sa malutong na tunog ng pagkabasag ng bote. Nakita ko ang grupo nila Geraldine sa gilid na humahagikgik dahil sa kapalpakan ko.

Nakakahiya! Kanina pa nagkukuhanan ng litrato rito at ako pa lang ang pumapalpak!

Dinaluhan ako ni Mrs. Ann at kinamusta. Mabuti na lang din ay nakapantalon ako. Walang posibilidad na masugatan sa bubog na maaaring tumilamsik sa hita ko. Hindi rin nagtagal ay nalinis na ang ginawa kong kalat at nagpatuloy.

"Loosen up, Riem!" hiyaw ni Mrs. Ann.

Tipid akong tumango bago nagpose para sa pagpapatuloy ng naantalang shoot.

Ilang sandali lang ay natapos na rin ako kaagad at sumunod naman iyong pinakahuling model na kukuhanan.

Kahit walang powder blush ay namumutok sa pagkarosas ang mga pisngi ko dulot ng kahihiyan na natamo. Ipinakita kasi sa akin ang mga shots at halatang-halata ang kabalisahan ko! I looked immensely awkward! Para bang may mamamatay-tao sa paligid at takot na takot akong mamatay!

Nilisan ko ang parteng pinanggalingan ko at tumungo sa second floor. Ngiti ang sinalubong ni Diamond sa akin samantalang matalim na tingin ang ipinansalubong ko.

"Bakit ka nandito?"

Tumulis ang nguso niya nang marinig ang bahid ng galit sa tono ng pananalita ko. He tried to hold me on my waist but I immediately stepped away from him. Mas napanguso siya roon.

"Why? Can't I visit my girlfriend? She promised me a dinner but until now she's at work."

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga.

"You know that she cannot be seen with a man for three consecutive years..."

"I know." He sighed deeply.

"Then, why did you come–"

"Sige, sa labas na lang ako maghihintay," putol niya sa akin.

Akma siyang maglalakad paalis nang hawakan ko siya sa kamay. Ang malungkot niyang mukha ay umaliwalas. Ngunit bumalik sa dating anyo nang marinig ang utos ko.

"Umuwi ka na lang, Diamond. Magtatagal pa kami rito. At sa tingin ko ay hindi matutuloy ang ipinangako kong dinner–"

"Hindi matutuloy?" He pursed his lips to suppress a frown.

Malungkot akong tumango. "Sorry."

"Ayos lang, but I'm not going. I'll wait for you outside. I don't have anything else to do at home so I'll just wait in my car–"

"Oh, Riem!"

Napatigil ang kausap sa pagsasalita nang madinig ang pagtawag ng kung sino sa pangalan ko.

Nervous, I glanced at Geraldine who was walking alone towards us. Nanginginig ang mga labi ko siyang ginawaran ng ngiti.

Itinaas niya ang kilay sa akin 'tsaka pinaglipat-lipat ang tingin sa amin ni Diamond.

"Who's this handsome dude? Boyfriend?" she asked as she scanned Diamond.

Marahas akong napalunok.

"U-Uh..."

Art In His Breath (Japan Series #2)Where stories live. Discover now