Call daw.

Call daw?!

Sa huli, imbes na tumugon sa tanong ay nagkunwa-kunwarian akong natutulog kahit na wala namang nakakakita sa akin.

Matapos ang ilang sandali ay idinilat ko ang mata at ikinusot-kusot pa iyon. Halos matawa ako sa sariling pinaggagagawa.

I reached for my phone and typed in my reply.

Dayamanti:
Ay sorry. Nakatulog ako.

Pagkatapos kong isend iyon, doon ko lang napag-isip-isip na masyadong hindi makatotohanan ang palusot ko! Halatang nagsisinungaling! Mayroon kayang nakatulog ng kulang isang minuto!

Even so, I continued.

Dayamanti:
GRABE ANTOK NA ATOK AKO HA! PAKIRAMDAM KO SA SOBRANG ANTOK KO, DI KO NA KAYANG MAKIPAGCALL PA SA KAHIT NA SINO!

I expected an instant reply but nothing came.

Matiwasay akong nag-abang ng reply ni Diamond. Ngunit imbes na reply ang matanggap, doorbell sa silid ng apartment ko ang dumating!

Matulin akong bumangon sa pagkakahiga, puso ay nagtatatambol, at saka sinilip sa butas ng pintuan ang tao sa likod ng pintuan habang sinusuot ang isa pang saplot upang matabunan ang katawan kong nababalutan lang ng manipis na tela.

Napabuga ako sa hangin nang makatiyak na hindi ang taong inakala ko ang naroon.

I opened the door widely and smiled at the man in front.

"Junio, naririto ka?" bungad ko sa kapatid.

Nagkibit-balikat lamang ito at saka dire-diretso ang hakbang papasok sa loob. Napakurap-kurap ako habang pinapanuod ang pagpapainit niya ng tubig at pagkalikot ng mga pagkain sa maliit kong kusina.

My brows upraised.

Isinara ko ang pinto at tumuloy sa kinaroroonan ng kapatid. Ibinuhos ko ang buong atensiyon sa kaniya na ngayon ay nagsasalin ng mainit na tubig sa instant ramen na malamang sa malamang ay sa akin. Hinayaan ko ang kapatid sa ginagawa at umupo na lamang sa upuang nasa harapan niya.

His sudden visit didn't really shock me. Sa nakaraang mga taon, simula noong itinakwil ako ni Mama sa pamamahay, palagian ang pagpunta rito ni Junio. Kung hindi nakikikain ay humihingi ng kuwarta.

"May problema ba sa bahay?" I asked when he sat on the chair next to me.

He looked at me with a sarcastic smile.

"Hindi naman nauubusan ng problema sa bahay! Kung may nagbabago man, nadadagdagan lang!" aniyang namumuwalan ang bibig.

My lips subconsciuosly formed a wary smile.

Hindi na ako nagtanong pa kay Junio. Hinayaan ko munang ubusin niya ang kinakain. Mukha siyang gutom na gutom.

Bumaba ang tingin ko sa pangangatawan niya. He looked thinner. Noong nakaraan buwan niyang pagpunta rito ay patpatin na ang katawan niya. Mas lalo ngayon. Wari mo'y kung hindi nakakain ngayong gabi, kalansay na lang. Ang mukha rin niya ay naghuhumiyaw ng kapaguran. Ang itim sa ilalim ng mga mata niya ay kitang-kita.

"Buti ay napabisita ka?" tanong ko nang matapos ang huling higop niya sa kinakain. Buong akala ko ay makakausap ko na siya nang maayos ngunit hindi. Tumayo siya at inilabas ang supot na walang laman mula sa kaniyang bulsa. Nagsimula siyang magpasok ng mga pagkain roon.

I sighed.

"Wala bang makain sa bahay?"

"Oo. Araw-araw."

Art In His Breath (Japan Series #2)Where stories live. Discover now