Trouble 14

8.4K 187 1
                                    

Napabuntong-hininga si Ruther ng makitang nakabukas ang lahat ng ilaw sa villa niya. Kadarating niya lang at gusto niyang mapag-isa dahil hindi naging maganda ang bunga ng naging pag-uusap nila ng daddy ni Ariesa.

Ayaw na siya nitong payagang makipagkita pa sa anak nito. Sinaktan niya daw ang anak nito.

Paano niya sasaktan si Ariesa gayong hindi naman siya mahal nito? He knows that she's just playing with him that's why he stayed away from her. Nakwento ng kakambal niya ang patungkol sa pakikipaglaro ni Ariesa sa iba't-ibang mga lalake.

Pero hindi siya papatinag sa ama ng dalaga.

You won't let me see her? I'll have her by myself by hook or by crook.

"Uhhh! He-elp!"

He heard a voice outside the villa so he hurriedly checked the pool area. The voice came from that direction.

Nakasindi ang mga ilaw sa pool niya ng makarating siya doon ngunit hindi iyon ang napansin niya. Agad siyang tumalon sa pool ng may makitang pigura ng tao sa tubig.

Inangat niya ang babae para makasagap ito ng hangin, ngunit mukhang nawalan na ito ng malay dahil hindi ito gumagalaw sa balikat niya. Dali-dali siyang lumangoy sa gilid ng pool at buong lakas na iniahon ang babae doon.

Pagkaahon niya dito, agad siyang sumunod upang daluhan ito. Saglit siyang natigilan ng makilala kung sino ang babaeng nalunod sa pool niya ngunit agad din siyang nakabawi at nagperform ng CPR para dito.

Nakakatatlong chest compressions na siya ng magsuka ito ng tubig. Inalalayan niya ito habang patuloy ito sa pag-ubo.

He can't believe this. Nasa harap na niya ang babaeng kanina lang ay pinagpaplanuhan niyang kidnapin dahil ayaw na ito ng mga magulang nito sa kanya.

"Are you alright?" He worriedly asked.

Habol pa rin nito ang hininga habang nakatingin sa lapag. "Y-yeah. Thanks for saving me."

Pagkatapos nitong magpasalamat ay tsaka lamang ito nag-angat ng paningin. Nanlaki ang mga mata nito ng mapagtanto kung sino ang sumagip sa kanya.

"R-Ruther." Literal siyang hindi makahinga.

The guy who desperately she's forgetting is right in front of her eyes and saved her from drowning.

Sana nalunod na lang ako ng hindi ko nakita ang pagmumukha niya.

"Ariesa, can you stand up? Can you walk?" Sunod sunod na tanong ni Ruther sa kanya.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Kinulangan lang ako ng hangin sa katawan pero hindi ako naparalisa." Tinulungan niya ang sariling tumayo kahit pa nanghihina pa siya. "See? I can stand up right? I better go."

Humakbang siya ng isang beses ngunit dahil basa ang paa niya, nadulas siya sa sahig sa tabi ng pool. Bago pa man siya bumagsak sa sahig, agad siyang nasalo ni Ruther kaya sa halip na sa sahig ito bumagsak, sa katawan siya ni Ruther bumagsak.

Ramdam na ramdam ni Ariesa ang abs ng lalake dahil sa basang damit nito. Parang gusto niyang hawakan at pakiramdaman ang parteng iyon ng katawan nito.

"Are you alright?" Tanong muli nito sa kanya.

Napabuntong-hininga siya. "Seriously Ruther. After three months of being away, yan na lang ba palagi ang itatanong mo? Are you alright?" Sagot niya rito.

"Ano bang gusto mong itanong ko sayo?"

"Pwede na ba kitang itayo? Hindi ba mas appropriate sa sitwasyon natin yun kaysa sa are you alright?"

Falling for a SantillanWhere stories live. Discover now