" Mauna na kayo, may nakalimutan ako sa kotse." sabi ni Dom at pumunta sa naka park niyang kotse.

              " Tara na?" sabi ko.

                " Bakit walang tao? " tanong ni Ji. Nagshrug lang ako ng balikat,

          May mga naririnig akong parang boses sa may kusina, kaya pumunta kami doon.

            " Anong gagawin mo?" Rinig kong sabi ng isang boses lalaki.

            Saktong pagkapasok namin ni Ji ay may nakita kaming tao sa kusina, Nakita ko si Eurica na parang gulat at ang lalaki na kinulong si Eurica sa magkabilang braso niya na magkadikit ang labi. At kasabay nito ang isang malakas na..

           "  ANG BAHO!" sigaw namin. Shit. Umutot yung lalaki.

             Natulak ni Eurica yung lalaki at nakaupo ito sa lapag.

         " Oh shit, anong amoy yun? kakapasok ko lang ang baho na. " sabi ni Dom na nakatakip ang kamay sa ilong. Medyo may kalakihan ang kusina at naka aircon ito kaya mabilis kumalat ang amoy ng di pangkaraniwang amoy ng hangin.

           **

           Nandito kami sa sala at walang nag iingay. Si Eurica at yung lalaki kanina na sa pagkakaalam kong pangalan ay Lester na narinig ko lang dahil sa bulong ni Eurica nung naitulak niya ito, nanilalagyan ng yelo ang likod ng ulo dahil medyo napalakas ang umpog nito sa may lamesa nila Eurica.

           " Oh, bro. Sama makatingin ah. " sabi ni Dom sa katabi niya na pinakilala niya sa amin kanina na si Wayne.

           " Manahimik ka diyan, Dom kung ayaw mong makatikim." sabi naman ni Wayne.

          " Ang bilis ma-fall. Kaya masakit talaga." bulong ni Dom, pero sapat na marinig namin.

         " Anong sabi mo? " sabi naman ni Wayne,

          " Sabi ko ang bilis ma-fall, mahulog, nung lalaki kaya masakit kasi ang bilis talaga ng pangyayari," sabi ni Dom na tumatawa tawa pa. Parang hindi talaga iyon ang ibig niyang sabihin.

        " Tsk. Alis na ako. " sabi ni Wayne at lumabas na ng bahay. Sumunod naman sakanya si Dom, kaya wala ng maingay.

       " Ah, Shin at Ji, si Lester nga pala. Lester si Shin at Ji bestfriends ko. " pagpapakilala sa amin ni Eurica kay Lester.

         " Ah, Hello. A-aray." sabi niya at iniwas ang ulo dahil nasaktan siya sa pagdadampi ni Eurica ng yelo sa ulo ni Lester.

          Para talagang nakwento na ni Eurica sa amin ni Ji si Lester.

        " Shin, diba yung Lester ay yung Ex ni Eurica? Yung nangiwan sa kanya? Siya ba yun? " bulong sa akin ni Ji.

          Ay oo! Tama,  si Lester ang lalaking kinikwento ni Eurica sa amin.. Tapos si Wayne? Parang familiar din. Edi siya rin yung..

        " Diba, kinwento ni Eurica na iniwan din daw siya nung Wayne? " sabi ko. At tumango naman si Ji.

      So? Anong nangyayari dito?

     " Eurica, madami ka pang ie-explain sa amin. " sabi ko kay Eurica.

     Bumuntong hininga naman ito at tumango. Good girl. haahaha

     " Ay! Tapos na ang mainitang scene? Sayang hindi ko man lang nasubaybayan." sabi ng mommy ni Eurica.

    " Ma, naman eh, " sabi ni Eurica na ayaw niya nang marinig pa yung sinasabi ng mommy niya,

      " Ay, Shin at Ji, bukas na kayo umalis, para sabay sabay na kayong tatlo para diretso agad sa condo niyo. " sabi ng Mommy ni Eurica at umalis na.

         Nang makaalis na si Lester, after naming kumain ng gabihan. Doon lang nagsalita si Ji,

          " Haba ng hair mo, gupitan ko na ba?" sabi ni Ji kay Eurica.

         " Ewan, Ji at Shin. Bukas ko na lang ikwento lahat sa inyo. Napapagod na ako eh. Tulog na tayo. " sabi ni Eurica na parang andami niyang ginawa ngayong araw.

         " Sige, make sure yung kwento mo walang kulang. Egzoited na ako girl! Bumalik na ang prince charmings mo! Haba ng hair!" sabi ni Ji habang ginagaya yung sayaw ng Rejoice.

________________________________________________________________

        Lol? XD hahaha! Panget.

The Cold Hearted Where stories live. Discover now