TCH 22

711 10 1
                                    

Lester's P.O.V. 

Ito na ba ang oras na kailan kong sabihin ang totoo? Hindi ko na kaya. Ayaw kong masaktan si Ica. Pero hindi naman ata tama na itago ko pa ito o isekreto pa. Dahil baka ito na ang huling pagkakataon. 

" Eurica... " tawag ko sakanya. Bakit bigla akong kinabahan? Pinaghandaan ko ito. Tama, hindi ako pwedeng kabahan. 

" Oh bakit Lester? " sabi niya, ngumiti pa ito. Eurica, bumalik ka na nga sa dati.. Ang masayahing Ica.. Sana pagkatapos mo marinig ang sasabihin ko, sana nakangiti ka pa rin. Kahit na alam kong magagalit ka. Hindi ko na talaga kayang itago pa ito. 

" Sorry, Eurica. Sorry. " sabi ko at niyakap ito. Nakaramdam ako ng pagtulo ng aking luha sa aking mga mata. Nasasaktan ako at may nasasaktan ako. 

" Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang ginagawang masama eh. Oh? Bakit ka umiiyak? " sabi niya sa akin, hinaplos niya ang aking likod para sabihing tumahan ka na.  Bumabalik na nga siya sa dati. Siya ang Eurica'ng maalaga, maalalahanin,masayahin.  

" Sorry, Euirca. Sorry kasi nagsinungaling ako sayo. Sorry. Ayaw lang naman kitang saktan eh. Ayaw kong makita kang umiyak dahil sa akin. Patawarin mo ako." sabi ko at iniharap siya sa akin. Hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi. " Hindi totoo yung sinabi ko sayo kung bakit kita iniwan. Hindi yun totoo.. Patawarin mo ako.. " 

" A-ano ang totoo? Sabihin mo sa akin.. sabihin mo.. " sabi niya nakita kong may kumawalang luha sa mata niya. Nasasaktan nanaman siya.. At dahil sa akin yun.. 

" E-Eurica.. Ang totoo niyan ay may sakit ako.  May sakit ako sa puso. Doon ako nagpagamot dahil ayun ang sabi sa akin ng doctor.. Akala months lang ako mawawala pero hindi eh, years akong nawala.. Akala ko gagaling kaagad ako. Ang dami ng ginagawa ng doctor sa akin eh. Pero ngayon, Ica.. magaling na ako.." sabi ko.

Nabigla ako sa biglaang pagsampal niya sa akin.

" Kung sana sinabi mo sa akin, na may sakit ka! Kung sana sinabi mo sa akin na aalis ka! Kung sana sinabi mo sa akin na magpapagamot ka! Hindi sana ako nasaktan! Hindi sana ako umiyak! Hindi sana ako naghintay.. At higit sa lahat, hindi sana ako naiwan. "

" Masakit eh, maiintindihan naman kita eh. Kung sana sinabi mo lang ang totoo. Kung sana nagsabi ka lang ng totoo. Maiintindihan kita. Hindi naman ako yung babae na kapag may sakit ang boyfriend iiwanan. Hindi naman diba?! Aalagaan pa kita kung gusto mo! Pero anong ginawa mo? Pinagmukha mo akong tanga! Pinagmukha mo akong tanga kakahintay sayo, pero hindi ka dumating. "

" Alam mo, Lester? Nakakapagod na.. Pagod na ako.. Akala ko ba minahal mo ako? Minahal mo nga ba ako? " tanong niya habang umiiyak.

" Oo, minahal kita. Hanggang ngayon ay mahal pa rin kita. T-tama na.. Wag ka ng umiyak. Nasasaktan ako..  " sabi ko at pupunasan sana ang luha niya pero itinaboy niya lang ito. 

" Nasasaktan ka? Bakit? Ako ba hindi nasaktan? Ako ba hindi nasasaktan ngayon?! Ha? Lester! Ilang taon din ang pinagsamahan natin tapos masisira lang dahil diyan sa peste mong sakit?  " 

Niyakap ko siya. Wala na akong ibang alam na paraan kundi ang yakapin siya. 

Tinutulak niya ako palayo pero lalo kong hinihigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. 

" B-bitawan mo a-ako.. bitawan mo ako.. " sabi niya habang pinapalo ang dibdib ko. 

" Ayaw ko.. Hindi kita kayang bitawan.. hindi ko kaya.. Mahal na mahal kita Eurica.. Mahal kita.. " sabi ko. 

Naramdaman kong tumigil na siya kakapalo sa aking dibdib ka mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.  Naramdaman ko naman na yumakap ito pabalik. 

" Wag mo nang uulitin yun ah. " sabi niya. " Ako rin may sasabihin sayo.. " 

Biglang sumeryoso ang mukha niya at ako naman ay kinabahan.. Ito na ata ang kinakatakutan ko sa lahat. 

" Si Wayne, si Wayne ang napili ko. " sabi niya. Na nagpabasag sa puso ko. Sabi na nga.. 

" A-alam ko.. alam ko.. " sabi ko at iniyakap siya ulit. " Payakap, baka ito na ang huling araw na yayakapin kita. " saad ko. 

Baka lang naman. Pero hindi pa sigurado. 

" Ano bang pinagsasabi mo diyan? ha? Wag kang magsalita ng ganyan. Mabubuhay ka pa ng matagal. " sabi niya sa akin. 

Eurica, sana. Sana nga. 

Okay? .-. 

The Cold Hearted Där berättelser lever. Upptäck nu