TCH 15

1K 18 1
                                    

Eurica's P.O.V.

             I hate it! Ayaw kong pumunta, pero may part sa akin na gustong pumunta! Ano na gagawin ko? Hindi pa ako handang makausap siya, Okay, Nakausap ko siya kahapon.. pero hindi matagal! Pero ano na gagawin ko? Ano ba yan! Bakit ba ako kinakabahan? Dapat nga wala na akong paki dun eh!

             Ano naaaaaaaaaaaa?! Anong gagawin ko? Ayaw kong pumunta matutulog na lang ako! Tama! Tutulugan ko siya!

**

Lester's P.O.V.

             " Saan ba tayo pupunta? Akala ko ba sa " old place " kuno natin, ha? Saan ba tayo pupunta? Ha? Ha? Ha? "  Kanina pa siya nagtatanong, simula nung dumating siya. Oo di ko ine-expect na pupunta siya kasi alam kong galit siya sa akin. Pero di ko alam kung bakit siya pumunta.

             " Hindi ka pa rin nagbabago, ang ingay mo pa rin. " sabi ko sakanya.

              " Eh? Saan nga kasi tayo pupunta nang matahimik na ako! *pout* " sabi niya. Ang ingay! Tss.

          " Sa condo ko. " sabi ko. Ayun! tumahimik na! Salamat.

         " Sa c-condo m-mo? B-bakit? A-anong ga-gagawin d-doon? "  sabi niya na parang kinakabahan. Pinitik ko ang noo niya,

         " Iniwan lang kita, ganyan ka na mag-isip. Tss." Natahimik siya bigla. Oh? Anong masama sa sinabi ko? Totoo naman eh, dati di naman siya ganyan mag isip. Simula nung--OKAY! Nakuha ko na!

         " Sorry, " sabi ko. Hindi ko naman sinasadya na sabihin yun eh. Masyado lang siyang maduming mag-isip.

         " Sorry, ah! Oo alam kong hindi ako ganito, dati. Pero anong magagawa mo? Yung lalaking kasama ko ngayon, ay yung lalaking iniwan ako noon. Sa tingin mo ba, mapapagkatiwalaan pa ba kita? Oo! Wala na akong tiwala sa'yo- Sabihin na nating meron pa, pero katiting na lang! Ayun lang na makakasiguro akong ligtas ako. Pero yung hindi mo ako iiwan? Huh, walang wala na. " Cold niyang sabi.

          " Look, sorry. Hindi ko naman sinasadyang sabihin yun. Oo, alam kong iniwan kita. Pero may dahilan ako! Okay, wag na nating pagusapan 'to.  Baka masira lng yung araw na 'to. " sabi ko at tumingin na sa kalsada.

          Tahimik na kami buong biyahe, Ano ba kasing pumasok sa isip ko at sinabi ko yun, eh! Its my fault.

         " Ica, Sorry. Alam kong ako yung may mali, please, wag mo naman akong pakitunguhan ng ganyan. Hindi ko kaya, parang mamamatay ako pag ganyan ka. " sabi ko sakanya nung pagkahinto ng kotse.

          " Edi mas maganda. " sabi niya. Cold. Okay, tutal yung topic namin tungkol sa past namin, bubuksan ko na.

          " Paano kung nalaman mo yung dahilan kung bakit kita iniwan? At valid yung reason ko, mapapatawad mo ba ako? Babalik ka ba sa akin? " Napatingin siya sa akin, hinihintay ko lang yung sagot niya.

            " It depends." sabi niya.

The Cold Hearted Where stories live. Discover now