TCH 19

963 14 2
                                    

I dedicate this to you, dahil a pag support mo nito at sa pag vote mo ng mga chapters nito! Thankyouuu!

____________________________________________________________________

Shin's P.O.V.

                        " Ji, bilisan mo na. Pupunta pa tayo kila Eurica eh. Tagal naman eh." Paano ba naman kasi, pinapapunta kami ni Tita, mommy ni Eurica, sa bahay nila. Hindi ko alam kung bakit. Basta pinapapunta kami.

                " Oo na, atat ka ah. " sabi naman ng pagong na 'to.

               " Kasama nga natin si Dominique eh, yung crush mo!" sabi ko. Ay oo nga pala, si Dominique ay kaibigan ko simula pa noong bata pa kami. Kaya doon ako nag aral sa school ni Dom. Ito namang si Ji ay nakilala ko lang nung nagpatulong ako kay Eurica, Si Eurica naman, mabait. Kaya mabilis namin siya naging kaibigan. Actually, bestfriends na rin kami.

                " Weeeh? Hala! Bakit di mo sinabi! Azar ka naman eh, wait nga mag pupulbo lang ako." sabi niya at tumakbo pabalik sa unit niya. At nasa condo kami, bukas na pala lilipat si Eurica dito. Pinagsamasama kami ng Daddy at Mommy niya. Para daw sabay sabay na kami pumasok. Magkakatabi lang kami ng Unit. Yung kay Eurica nasa pinaka dulo ako naman yung sumunod at yung katabi ko naman na unit ay yung kay Ji. Halos puno na ang floor na to, pero may 4 pa na bakante. Yung katabi na unit ni Ji, yung tatlo naman katapat ng unit ni Eurica, ako at ni Ji.

                  " Tara na! " at nagmadali itong lumabas ng kwarto.

                  Nung nakasay na kami sa kotse ko, lumingon ako kay Ji, namumula siya.

                 " Uy, wag ka ngang mamula. Haha. " sabi ko.

                " Teka nga, bakit kasama si Dom? Kilala ba siya ni Tita?" tanong naman nito. Actually, sinama ko lang si Dom, alam naman na ni Tita na magsasama ako ng kaibigan para pag ginabi kami ng uwi o inumaga may kasama kaming magpoprotekta sa amin. Nays naman, Shin. haha

                 " Nope, inimbita ko lang siya. Sabi niya kilala niya si Eurica. Siguro may crush yung kay Eurica, noh? " asar ko. Hindi naman totoo yung sinabi ko, inaasar ko lang siya.

                  Natahimik naman siya, yung mukha niya di maitimpla. Nakabusangot.

**

                  Pagka park ko ng kotse ko, May tatlong kotse naka park sa harap ng bahay ni Eurica, Alam ko kung sino may ari ng isa, Si Dom.

                  " Dom! " tawag ko sa kanya. Hindi pa pala siya pumapasok sa loob. Sabagay, hindi naman ata niya ka close si Eurica. Kumbaga kilala niya lang.

                " Ang tagal niyo naman, kanina pa ako dito. Tara na sa loob?" sabi niya. Tumango naman ako.

                Nakita namin na palabas si Tita,

               " Oh, mga Hija at Hijo, diretso na kayo sa sala. Nandoon sila." sabi ni Tita at umalis na.

               Huh? May ibang bisita? O baka naman Daddy ni Eurica.

               Napatingin ako kay Dom, Nakangiti ito pero sa loob naka tingin.

            " Uy, bakit ka nakangiti diyan? Parang baliw. " sabi ko at pumasok na sa loob. Sumunod naman si Ji sa akin na kanina pa tahimik.

The Cold Hearted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon