12 


"Iiwasan mo?!" Nabigla at pasigaw na tanong ni Riley habang magkakausap kaming tatlo nila Jarmaine sa video call. 


"Eh, oo. Nakita mo naman siguro 'yung nangyari 'diba?" Sabi ko. Naikwento ko kasi sakanila 'yung nangyari sa plaza kanina at iniisip ko talaga kung iiwasan ko ba si Asher. Kaya tinawagan ko sila. 


"Pero kahit na? Bakit mo iiwasan? E wala ka namang ginagawang masama?" Nakakunot ang noo ni Riley habang ngumunguya pa 'ata ng chichirya. Tahimik lang si Jarmaine, marahil ay nag-iisip. 


"Alam ko naman na wala akong ginagawang masama. Pero kung ikaw nasa posisyon ko, ano'ng gagawin mo?" I asked. Natahimik din saglit si Riley pero naririnig ko ang pag-nguya niya. 


I actually don't want to make a big deal out of this. Ayoko talagang iwasan si Asher. Pero kasi, kung ibabase ko 'yung desisyon ko sa mga nakikita kong nangyayari, parang mas okay kung lumayo na lang muna ako kasi parang naiipit si Asher sa sitwasyon, kahit na si Ate Ava naman 'yung dapat mag-accept na wala na talaga. 


Sa tingin ko naman hindi lang sa akin ito mangyayari. Kung ibang babae rin naman ang naka-close ni Asher ngayong mga panahon na ito, sigurado akong gano'n pa rin ang mararamdaman ni Ate Ava. At kung gano'n nga, sa tingin ko naman pipiliin din naman niya na lumayo muna. Hindi naman kasi 'yung i-e-FO gano'n! Hindi. Space lang kumbaga. 


"Sa tingin ko," Panimula ni Jarmaine, "Mas okay nga na umiwas ka muna, AJ. Kasi kailangan din siguro ni Asher ng space para ma-figure out niya kung paano niya haharapin 'yung sitwasyon nila ni Ate Ava. Hindi ko naman sinasabi na distraction ka, o na hindi ka nakakatulong. Kaya lang kasi, wala lang, feeling ko kasi hindi aaksyon si Asher about kay Ava kasi alam niya naman na magkaibigan lang talaga kayo." She said. 


"As much as ayoko naman din na iwasan mo si Kuya Asher, sa tingin ko rin, mas okay nga kung iiwas ka muna. Kasi kung ako rin nasa posisyon ni Ate Ava sigurado masakit 'yung pinagdadaanan niya." Sabi naman ni Riley ngayon. 


Alam ko rin naman, na wala ako sa posisyon para mag-feeling na superhero, 'no? Kasi unang-una, wala naman akong kinalaman sa relasyon nila. Dahil wala na sila nung nakilala ko si Asher. Lumalim na 'yung friendship namin. Para na kaming mag-best friend. Pero kasi bilang babae, iniisip ko rin naman 'yung hirap ng nararamdaman ni Ate Ava. I don't agree with how she's acting because what needs to be done is for the situation to be accepted, but the least I can do is to give her her time, and in turn, give Asher his time to think and decide about what he should do. 


"Magpapaalam ba ako o igo-ghost ko na lang si Asher?" Kasi totoo, binabalak ko na lang 'yung biglang 'wag siyang pansinin gano'n. Kasi, e. Mahirap magpaalam kapag naging mahalaga na sa'yo 'yung tao. Pero kailangan ko magsabi, kasi para rin 'yon sa peace of mind ko. Lalo na nasa iisang school lang kami. 


"Sus, AJ. Sure ako na alam mo sagot dyan. Sige na, kakain muna kami. Mamaya na lang, babay!" Nagpaalam si Jarmaine at si Riley din. Kaya naman ang ginawa ko ngayon ay nahiga sa aking kama at tumitig ng ilang sandali sa kisame. 


Paano ako magpapaalam kay Asher? 

Paano ko sasabihin? 

I Stayed (Maniego Series # 1)Where stories live. Discover now