CHAPTER ELEVEN (Her Unexpected Doom)

Magsimula sa umpisa
                                    

Konsekwensyang may idinamay siya---ang magiging anak niya.

Isa pa, hindi kasalanan ni Jelene na nung maghiwalay ito at si Christian ay nagdadalang-tao pala ito at si Christian ang ama. Neither Christian's.

Ano nga ba iyong sinabi ni Marjorie sa kanya?

"Huwag kang makikipag-boyfriend sa isang lalaking katatapos lang ang relasyon sa ibang babae, Mari. You will be on the rebound. In the end, ikaw ang masasaktan."

She didn't listen to her friend. Umalis siya mula sa bintana habang pinipigil ang paghikbi. Narinig niya ang pagtawag ni Christian sa kanya. Lumabas siya sa kwarto at bumaba. Nasa may paanan na ng hagdan si Christian.

"We have to talk, Mari." he said frantically. Nasa mga mata nito ang kabagbagan at kalituhan. Her heart went out of him. But she was suffering, too. And would suffer in the next days to come.

Halos bilangin niya ang mga baitang pababa. Huminto siya dalawang baitang bago sa ibaba para nasa eye level niya ito. "Pag-usapan ninyo ni Jelene kung ano ang mabuting gawin, Christian," she said in calmness she was far from feeling. But deep inside, she felt like dying.

"No! I don't---"

"Please. Hindi tayo magiging maligaya kung may ligalig na ganito parati." Sinulyapan niya si Jelene na nakasandal sa may hamba ng pinto sa sala, with a triumphant smile on her lips.

"Let's take a drive, Christian." anyaya ni Jelene sa mapagkumbabang tinig. "Gusto kong manggaling sayo kung ano ang marapat gawin. Ayokong masisi mo ako na hindi ko ipinaalam sayo ang tungkol sa magiging anak mo."

Puno ng galit at kalituhan ang mga mata ni Christian nang tumingala sa kanya. "Mag-uusap tayo pagkatapos nito, Maristel, sweetheart. Promise." Reluctantly, he walked towards the door.

Nakita niya ang pagkawit ng kamay ni Jelene sa hook ng braso nito palabas. Nang marinig niya ang ugong ng makina ng Camarro ni Christian ay humahagulhol niyang isinubsob ang mukha sa mga palad.

"Ikaw ma'y nagdadalang-tao rin, hindi ba?"

Bigla ang pag-angat ng mukha niya. Sa harapan niya'y si Lola Ignacia. "A-alam ninyo?"

"Hindi kita miminsang nahuling nagsusuka sa umaga, Maristel." wika nito kasabay ng buntung-hininga.

"Si...Jelene...alam din ba niya?"

Umiling ang matandang babae. "Ni hindi ko nalamang nagdadalang-tao na rin pala siya maliban kanina."

"Oh god. Anong gagawin ko?" she sobbed. Ang tanong ay hindi para sa abuela kundi para sa sarili niya.

THE DAY SHE WENT AWAY (Completed Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon