Time Of Your Life (Welcome To The Motorcade)

Start from the beginning
                                    

Sabi sa akin ni Friend # 3, "OK ka lang ba dyan?"... sa totoo lang, ok lang ako, pero nung nagmistulang  amusement park ride na ang daan sa dami ng lubak na hindi pinapasementuhan ni mayor, nagsimula na akong mahilo. Sabi ko, "Hi, ihingi n'yo na lang ako ng tubig pag mukha na akong bangkay". 'Yun nga lang, lagi naman akong mukhang bangkay e. Ha-ha.

Nanood kami ng concert DVD ni Avril Lavigne, kumakanta ang mga ladies sa likod ng ibang kanta. Hindi ko alam title, basta tungkol sa pagbundol ng bagong kotseng pagmamay-ari ng tatay ng singer. Kanta ata ng One Direction. [UPDATE: Cher Lloyd pala ang pangalan ng singer]

Pagkatapos manood ng DVD ni Avril Lavigne (FUN FACT: MARUNONG SIYA MAG-DRUMS!)... Humanap na kami ng bagong DVD. Hinanap ang lalagyan ng mga DVD... ayun, natapakan nung isa naming kaklase. Kumuha na kami ng isang DVD. Live concert ni "Nina". Basta iisa lang alam kong kanta niya, "Love Moves In Mysterious Ways". Whatevs, blah blah.

At dahil ako lang 'yung nakatayo, ako na rin ang nagmistulang "lookout" ng gang. Tagahanap ng CR sa gas station dahil kanina pa daw naiihi 'yung mga nakasakay sa likod. At tuwing sasabihin kong mayroong Gas Station, sasabihin nilang "WALANG CR DIYAN!!!". Huli na ang lahat ng malaman nilang may CR pala 'dun.

Pagkatapos ng isang oras ng pagtayo, nakita ako ng isa sa mga kaklase kong nakaupo sa likod. Nagtanong. "Kanina ka pa nakatayo diyan?" at sabi ko "Oo". Sabi nila, "dito ka na maupo". Aww, shucks. Kaya naupo na ako, at dahil masikip ng konti, nagmistula kaming comforter/heater sa isa't-isa. At nagtiis ako sa pagtili ng mga ladies nung nakita nila 'yung billboard ng One Direction sa Penshoppe. Ayos naman ang biyahe, wala namang gumawa ng karumal-dumal na bagay sa loob ng sasakyan. You know what I'm talking about.

Nung pabalik na kami sa school, nag-he-head count na kami. Hindi namin mahanap ang isa sa aming mga kaklaseng itatago natin sa pangalang "Facundo". Hinanap namin. Wala, wala, wala. Tumingin kami sa baba. Andun si "Facundo", nasa floor. Tulog.

Nakarating na kami sa school, at isa ako sa mga huling bumaba. Sa totoo lang, kami ang pinakaunang nakarating sa school, pero dahil walang lobo at tarpaulin ang sasakyan namin, hindi alam ng mga guard. Akala siguro ng mga guard na mga late lang kami. Yes, 24 students, sabay-sabay, lahat late. What? [SPOILER: Habang nag-breakfast ang kalahati ng section namin (pumunta sa NLEX Starbucks 'yung iba) sa canteen, narinig ko ang pag-welcome ng principal sa "pinakaunang section na dumating mula sa motorcade". Anak ng kalabaw, sister (madre ang principal namin). Kami ang pinakaunang dumating. Ikalawa lang 'yan.]

Naglakwatsa ako sa campus. Nagpapa-games pala sila. Pinapatugtog ang "Gangnam Style" for the 23846785th time. May intermission number: kumanta 'yung dati kong kaklase ng "Set Fire to the Rain", one of my fave songs. Amazing!

Akala ko talaga boring sa school habang umalis 'yung mga nag-motorcade. Akala ko nag-aerobics sila. Hindi pala. Naglalaro ang mga grade 2 ng pabitin. Gusto ko sumama pero overqualified na ako. Like, haha. Nung naglalakad ako sa corridor ng 3rd year students, nakasalubong ko si crush...*ehem* ex-crush. Nga pala, nag-hi siya sa akin!!! Yiee, kileg! Ay, hindi pala. In fact, hindi ko napansin na naging mas macho na 'yung mga braso niya... *ehem* MOVING ON... Parang naligaw ako. Pumasok ako sa CR. Nakita ko mga "friends" ko. Napasigaw ako... "NAG-HI SA AKIN SI CRUSH!!!". I like him, I like him not. I really don't know.

Pumunta na kaming "friends" sa canteen at kumain. Bumili ako ng kwek-kwek at hot chocolate (breakfast of champs!!!), bumili ng okoy 'yung isa at bumili ng baked mac 'yung iba. Pagkakain, naupo lang kami. Binasa ko ang "little black book" ni Bob Ong, a.k.a. the-book-which-must-not-be-named.

Pagkatapos magbasa, nakasalubong ko si "BFF" (taga-ibang section siya, in fact, star section) at sa kanya na ako sumabay. Nag-bye na ako kila "friends". Pumunta kami ni BFF sa elem building, nanood ng games. Parents vs. Teachers. Parang susuot sila sa garter, tapos tatakbo, iikot sa upuan, kukuha pa ng isang member ng team, isusuot ang member sa garter, iikot ulit... blah blah...

Pumunta kami ni BFF sa HS building, nakita ni BFF ang kanyang BF, bumalik kami sa elem building, naupo, nag-usap ang mag-syota, hiniram ko ang iPad ni BF at naglaro ako ng "Zombie Tsunami". Habang nakiki-echos sa usapan ng mga grade school students, nalaman naming bukas na pala 'yung rides. "YES, BUKAS NA 'YUNG RIDES, TARA", sabi ko.

Dapat sa Academy Day, o Acad pa bubuksan 'yung rides. No, not really. Bubukas na 'yun a few days before the Academy Day (which actually lasts for 3 days). Pero ang aga ngayon, in fairness.

Pumunta kami sa "Caterpillar" na ride, at naalala kong ang nagbabantay nga pala dun ay ang section "M" a.k.a. my second family. NAKS. Anyway, bumili na ako ng ticket. Nakita ko ang adviser nila, isa sa mga fave teachers ko. Binati ko. "Hi, miss". Nung pasakay na kami, napansin kong parang "couple ride" pala 'to. Pwedeng magtabi si BFF at ang kanyang BF. Tsaka ko naalala na tatlo pala kami, at mayroon nga palang dakilang epal: AKO. Kaya walang magagawa ang lovers kundi magtiis at makipagsiksikan sa upuan sa Caterpillar. Awa ng diyos, ayan, kasya naman pala kami. Nung nagsimula na 'yung ride, may nalaglagan ng sumbrero. Hahaha! Ako naman, naiipit na ang sikmura dahil sa bwisit na handbag na walang pag-iiwanan.

Pagkatapos sumakay sa caterpillar, lumipat na si BFF at BF (nagsawa na siguro sa mukha ko) sa Flying Fiesta ride na ma-echos ang pangalan: "Velocity". Nakasalubong ko naman sila "friends", sasakay na sila sa "caterpillar". Kaya nag-round 2 ako! Pasakay ulit ako, nag-hi ulit sa adviser ng section "M" na nagbabantay sa ride, nakipagsiksikan ulit, naipit ang taba sa kilikili, bumaba, nagpaalam kila "friends", hinanap si BFF at BF, at... guess what... sinubukan ko ulit na bumili ng ticket para sa "caterpillar". Like, dafuq. 

Sinalubong ako ng adviser ng section "M" at sinabi niya sa akin na "Bawal na bumili ng ticket". Nung una, akala ko nagsawa na rin siya sa mukha ko, pero sinabi niya na 11:30 na at malapit na ang uwian.

Anyway, mayroon pa kaming isang lugar na hindi napupuntahan: ang magiging booth namin sa Acad, "Fun Games". Naglaro ako 'dun sa booth kung saan titirahin mo ang mga Angry Bird gamit ang tirador. Sumablay ako. Naglaro si BFF, 'di daw nya alam kung paano. Sinubukan kong turuan... BOOM! Sapul ang blue na Angry Bird. Ba't 'di ako naka-sapul kanina?! Ayan tuloy, hati kami ni BFF sa tickets kasi pera nga naman daw niya 'yung ginamit pambili ng ticket.   Pagkatapos nun, umuwi na kami, at ikinuwento ko ito sa aking mga ka-service from section "M" na nakatambay dahil wala pa ang service namin. Hiniram ko ang iPhone nung isa. Naglaro ako nung "Happy Puppy" or whatever the app is called. Shiyet, gusto ko ng aso. Pero sabi ng tatay ko istorbo daw 'yun. De wag, gusto ko na lang ng iPhone.

===

Siguro iniisip nung iba, "too much information, author" o "himala, hindi yata nagrereklamo si author sa update na ito" o "walang nagbabasa ng kwentong ito kundi ako lang". Pagbigyan niyo na ako. Minsan lang 'to, lol. Sa susunod na update, babalik na tayo sa regular update schedule or whatever it's called.

See you!

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now