[extras] page eleven.

8.3K 208 29
                                    

No. 279: We love hearing about your family. Even when it's boring, it's good to know you think about them.

"Promise mahal, sandali na lang talaga 'to." sabi ni Vice nung nasa traffic lights sila.

"Vice, okay lang nga... Don't worry."

"Eh kasi nagu-guilty ako, nag offer offer pa akong sumundo tapos kakadkarin lang kita kung saan saan dahil sa pagiging unorganize ko."

"Sabi naman kasi sa'yo diba? Wag kasi dapat mag la-late christmas shopping!" kinurot naman ni Karylle yung pisngi ni Vice sabay haplos dito pambawi.

"Eh sila Camille at mga bagets madali dali lang ipagshopping, Topshop, topman, lang yung mga yun eh. Si Nanay naman, bili ko kayang bright pink na bistida?" natatawang sabi ni Vice dahil hindi nya maimagine yung magiging reaksyon ng nanay nya sa pink na bistida.

"I'm sure Tita will love it!" sarcastic naman na sagot ni Karylle at nakitawa kay Vice.

"Si Emma, ang yaman na naman nun, wag na sya."

"Vice!"

"Tas papadala ko pa, ang mahal mahal kaya ng padala sa US..." Vice rolled his eyes at nag start ng paandarin ulit ang kotse dahil nawala na sila sa stop sign.

They were quiet in the car for a few minutes dahil mukhang pinagiisipan talaga ng mabuti ni Vice yung mga bibilin nya. Karylle broke the silence when she yawned sabay inistretch ang mga binti nya.

"Mahal, sorry talaga, gusto mo hatid na kita pauwi? Ako na lang mag shshopping. Hassle pa sa'yo yung mga last minute shoppers din sa mall eh."

"Vicey, okay lang ako." Karylle reassured him with a sweet smile.

Lagi namang tumitingin si Vice sa gilid ng mga mata nya to check up on his girlfriend, nag kw-kwento kasi sya while nag papanic di sa mga kung sino-sino pa sa pamilya nya ang kailangan nyang bilhan ng regalo. Palagi din naman nyang nahuhuling humihikab ang girlfriend kaya tumigil na muna sya sa pagsasalita.

"Nabobore ka na ata sa mga talak ko, mahal." nakangising sabi ni Vice.

"Actually oo, pero not because I don't like hearing about your family. It's because you're talking all over the place, you're making no sense mahal." Karylle chuckled at nilagay ang kamay nya sa may batok ni Vice. She played with his hair to calm & assure him that everything's going to be okay.

"Pag may nakalimutan akong ibili, tulungan mo na lang akong gumawa nung DIY na paper clips at candle holders ha?"

"You're so cute, alam mo ba yun!" nanggigil na sabi ni Karylle when they reached another red light.

She pulled his head towards her at kiniss si Vice sa labi nito, "I love you talaga."

"Eeee Karylle naman eh. Nakalimutan ko na ulit tuloy yung mga bibilhin ko!" kinikilig na sabi ni Vice kaya natawa na lang ulit silang dalawa.

~

No. 824: Be careful: singing to us can be totally cute. But only if you can actually sing.

"Igiling ng igiling...Sumabay ka sa tugtugin...Hetong bagong uso...Ibigay mo na nang todo"

"What the heck?"

"Kumuha ka ng radio at ng maisayaw... HETO NA!!! HETO NAAAAAA! Dun dun dun... Sabay sabay tayoooo!"

Pagbukas ni Karylle ng kwarto ni Vice, nakita nyang walang tao dito pero nakabukas yung ilaw sa may banyo.

"SABAY SABAY TAYOOO! ITAAS ANG KAMAY!"

Imbis na mainis ay tumawa na lang si Karylle bago hinayaan ang sarili na mag collapse sa bed ng boyfriend.

Ten minutes later ay lumabas na ng banyo si Vice. Nagulat sya ng makita si Karylle na nakahilata sa kama nya at tulog na tulog. He grabbed another towel to dry his hair habang lumapit para umupo sa kung saan yung ulo ni Karylle.

"Wanna kiss you here..." sabi ni Vice na naglalambing at hinalikan si Karylle sa noo, "Wanna kiss you there..." halik naman sa ilong, "Wanna kiss you ALL OVER the world." kiss ng marami sa leeg ni Karylle.

"Pssh, akala mo di ko narinig yung pagkanta mo kanina sa banyo?" sabi ni Karylle na naka-smirk habang nakapikit pa rin ang mga mata nya.

Ngumisi din si Vice at kinalabit sa kili-kili si Karylle, "Got me hooked, got me hooked... This feeling's too much, too much, to be true... BEBE YOU KNOW!" kiniliti ni Vice si Karylle sa bewang kaya naman napalipat ito sa kabilang side.

"Got me hooked, got me hooked, just wanna be near youuu, near youuu!" nilapit nya yung chin nya sa braso ni Karylle at ikiniskis dun ang baba dahil alam nyang bet na bet nito ang stuble ng baba nya since hindi pa sya nag sh-shave.

"Viceee, ano ba!" nakikiliting sabi ni Karylle.

"Kiss me, kiss meh!" sabi naman ni Vice, still na nasa tono ng Kiss You sang by his one true lab.

"Pasalamat ka cute ka." sabi ni K habang hawak hawak ang pisngi ng boyfriend.

"Salamat." pilyo namang sagot ni Vice.

~

No. 328: Those little nonsensical arguments, for us, are fun. They give us a chance to see how you deal with things.

"BAKIT MO KASI BINUNOT?!"

"EH MALAY KO BA SA HERB HERB MONG YAN!"

"Diba? I already explained it to you... Kapag nasa plant pot, herb yun... Kapag nasa damo... malamang... DAMO YUN!"

"Pareho lang nga po kasi yung itsura nila... Pareho silang berde... Pareho din silang mukhang damo... Ikaw naman babae ka, ako na nga nagmabuting loob na maglinis ako pa tong masama."

"Alam mo ba yung burger na bet na bet mo? Alam mo kung ano yung seasoning nun? Yun! Yung basil na yun na binunot mo... HAY NAKO VICE!!!!

"Mas okay pa ako sa Angel's burger... At least dun hindi ako napapagalitan tungkol sa damo!"

"HINDI NGA KASI DAMO YUN! Ugh! Ang tagal tagal kong inalagaan yun Vice! Pero ngayon, tulad nga ng laging sinasabi ni Bernard... WALA NA!"

"Tse, ang ingay ingay mo! Ang gulo mong babae ka!" sabi ni Vice at nag walk out na lang.

Karylle rolled her eyes at huminga ng malalim... She on the other hand, went to sit sa sofa, she reached for a magazine before she sat back crossing her legs... Alam nyang a matter of seconds lang ay babalik rin si Vice para makipag ayos.

"5...4...3...2......"

"Karylle, bibili na lang tayo ng bago! Halika, magbihis ka, punta tayo dun sa green house na pinag bibilhan mo." Vice said na nakatayo lang sa may likod ni Karylle.

"What?" nagpipigil na ngiting sagot ni Karylle.

"I said, sorry na!!!"

Tumayo sa kinauupuan nya si Karylle at hinalikan si Vice sa cheek bago ito nilagpasan, "I'll just get my jacket upstairs. Love you".

//

A/N: Only bringing this back out of requests from DEMANDING FRIENDS. Chos. I don't know how many extra chapters I'll be writing, keep an eye out for it na lang... (A little break from BTB in a way :P)

p.s. NIKKI OKAY NA? HAPPY NA?

p.s.2. sa mga nag send pa ng request nila.... #dontdemand char! SOON!

Little Things | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon