page eight.

8.6K 173 1
                                    

No. 944: We kind of wish we could chest-bump, too.

The two were in Boracay along with their other Showtime colleagues for their Easter vacation. It was around lunch time nung nag decide silang mag volleyball. It was girls against boys. Karylle, Anne, Andie and Jhazmine were in the girls team habang sina Vice, Vhong, Erwan at Teddy naman sa other team. Si Juggy ay kinuha na lang nila as umpire dahil na-empacho ito sa dami ng kinain (CHOS!) Uneven lang talaga ang teams.

"Aba girls, get ready to lose!" sabi ni Teddy at inakbayan si Vice, "Nandito ang expert o!" sabi nito at tinuro si Vice. Tinulak naman sya ni Vice papalayo at tinaas ang kamay na parang binabalak pektusan si Teddy.

"Magkakampi tayo brad!" sabi ni Teddy na tinaas ang dalawang kamay na tumatawa.

"Gusto mong mag usap kami ng misis mo?" nagbibirong tanong ni Vice

"Ano yaaan? Wala ha! Kung maka-ano toh!" defence naman ni Teddy.

"Ano toh? Talk show? Mag uusap na lang ba kayo? Hindi tayo maglalaro?" sabi ni Karylle na naka pamewang while hinihintay ang boys team na mag ready na.

Lahat ng girls ay naka bikini top at dangkal shorts lang kaya naman nag lalaway na naman ang mga kalalakihan.

"Game na! Game na!" sabi Vhong na nag tatalon on the spot at hinudyatan si Juggy for the ball.

Nag formation naman ang dalawang teams, sa girls team, nasa likod sina Anne at Karylle while nasa harap naman nila sina Andie at Jhazmine. Sa boys team, nasa likod sina Vhong at Erwan while nasa front sina Vice at Teddy. 

"Ready na? O, heads girls mag serve, pag tails, boys." sabi ni Juggy at nag toss ng piso coin, "Heads! Anne, ikaw na muna." sabi ni Jugs sabay throw ng ball kay Anne. 

"Karylle!" sabi ni Vice na natatawa para i-distract ang jowa na focused na focused ang tingin kay Anne. Nilingon naman sya ni Karylle for a brief second na naka frown.

"Tigilan mo ko Vice. Kilala kita!" sabi ni K na ginagalaw galaw ang arms nya while still waiting for Anne to serve.

"Lab you Kurba!" sabi ni Vice na nakangiti pa rin kaya naman binatukan sya ng light ni Vhong na nasa likod nya, "Ferdinand! Wag mo kong dinadamay sa frustration mo porket tuyo ang love life mo ngayon ha!" sabi ni Vice na hinahaplos ang batok.

Habang nag lolokohan ang boys ay nag serve na si Anne. Napunta kay Erwan ang bola dahil ito lang ang focused talaga, pinasa ni Erwan kay Vice at pinalo papunta sa girls, dapat kay Karylle ang palo nya pero na-block ito ni Andie at ini-spike. Di naman alert masyado si Vhong kaya di nasalo ang bola.

"Point to our sexy ladies" sabi ni Jugs na nag whistle, "Go baby!" sabi din nito after to Andie.

"HALAKAHALAKAHALAKA! Kung maka baby si umpire o... Ano toh? Favoritism?!" sabi ni Vice na niloloko si Jugs.

"K, you serve." sabi ni Anne na binigay ang ball kay Karylle. Inikot ikot naman muna ni Karylle ang bola sa kamay nito habang naka-smirk kay Vice.

Instead na matakot si Vice dito ay kinilig na lang sya, "KURBA! Mamaya mo na ako tingnan ng ganyan, ang init na nga, tutunawin mo pa ako sa titig at ngiti mong yan."

"Ba't kasi hindi si Jugs ang tineam mate natin?! Matatalo tayo dito kay Vice eh!" natatawang sabi ni Vhong.

"Call me K.... K for Kryptonite." sabi ni Karylle na nag p-prep ng mag serve.

"Ohhhhhhhh!" sabi ng tatlong girls at tumawa.

Tiningnan naman nila ang reaksyon ni Vice dito, umiling na lang si Vice at bumelat to K.

Little Things | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon