"Dito ka muna. May kukunin lang ako."

She sounds excited. I looked at Ike, puzzled, while he hopelessly sighed. Tila ba pakiramdam niya ay wala na siyang magagawa para pigilan ang mama niya.

"Here it is!"

I put my attention to the walking Tita Jazz, looking so giddy. She's holding what appears to be... a book. Pero nang tuluyang makalapit ay ro'n ko napagtanto na photo album pala 'yon. My eyes widened in surprise. 'Di naglaon ay napatawa ako. I looked at Ike again, this time, grinning. He rolled his eyes and watched the movie instead.

Kaya pala.

Tita sat beside me and flipped through the first page. Unang-una kong nakita ang baby picture ni Ike na nakahubad at nakahiga lang sa kama. Agad akong napatawa. Yung junjun niya kitang-kita kasi nakatihaya siya!

I heard Ike groan from the couch. Nang tiningnan siya ay nakita kong nakasandal na sa headrest ang ulo niya. He was looking up the ceiling, frustrated and embarrassed. Alam ko dahil masyadong halata ang pamumula ng mga tenga niya.

"I was about to change his clothes that time. Fresh from ligo pa sya d'yan, ha?"

"Ang cute!"

"Shut up!" ani Ike, inis na inis na nakabaling sa gawi namin. I laughed more, unable to hold it in.

"Next page po, Tita," sabi ko, sinasadyang nilalakasan ang boses para mas inisin siya. Tita Jazz obliged. This time, it's a picture of Ike's first birthday. Ang taba-taba niya na rito kaya mas lalong naging cute, 'di gaya ro'n sa first page na mukhang newborn siya.

"Iyak siya nang iyak d'yan dahil gusto niya palagi lang nakasindi 'yung kandila sa cake. E, 'di ba kailangang hipan 'yon? Kaya ang ginawa namin, pagkatapos mahipan, sinindihan namin ulit!"

My laughter filled the room once again. I heard Yanna complain when Ike groaned for the second time around.

"Kuya, can you keep still? I can't watch Moana properly!" she whined. Hindi naman nakinig ang kuya niya. Sa halip ay tumingin lang 'to sa'min.

"Tss, tama na kasi 'yan, Ma!" saway niya sa ina na siyang tumawa lang. And then his eyes landed on me while still wearing the same annoyed expression. "Babe, 'lika na nga rito! 'Nood na lang tayo ng movie."

Natigilan ako saglit. I tried to figure out if Ike was only joking but his face gave nothing away. Parang... wala lang. Inis pa rin siya. At parang... natural na lang na lumabas ang salitang 'yon sa bibig niya. He doesn't even seem to notice.

I cleared my throat, trying to shake the thought off my mind.

You're overthinking this, Gal.

"Pagkatapos nito. Promise," sabi ko sa malumanay na boses. At hindi ko alam kung bakit naging gano'n! I just... feel so soft right now. My heart feels so warm. And the way his expression softened made it more so.

He sighed.

"Fine. Makakaganti rin ako sa'yo," biro niya. Siguro ang ibig niyang sabihin ay darating din ang araw na siya naman ang titingin sa mga baby pictures ko. I rolled my eyes at him and continued browsing the album with his mom.

Nang matapos namin lahat, saka lang ako umupo sa tabi ni Ike. Nangangalahati na sila sa movie. Si Tita naman ay nagpaalam na papanhik na muna sa kwarto. Hindi na rin bumalik pa si Tito Eric kaya kami na lang tatlo ang naiwan. Maybe Tito really have lots of stuff to do.

The movie ended by 10:30. Antok na si Yanna kaya nag-kiss na siya sa pisngi ni Ike at nagpaalam na matutulog na siya. Nag-kiss din siya sa'kin kaya muli akong natuwa. Sana makita ko siya ulit, 'no? Kahit hindi na bilang 'girlfriend' ni Ike.

24 Hours Challenge: EX EDITIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon