TPD: Chapter 2.9 pt.1

614 47 5
                                    

Kailangan hatiin dahil masyado mahaba, Miane ✌✌✌ Di bale, di matatagalan ang second part.

Enjoy Reading!

Kye POV

Rinig ko ang tunog ng kuliglig sa mga halaman. Habang napayakap ako sa aking braso ng maramdaman ang lamig ng hangin na bumabalot dito sa pool area. Dala ng maaliwalas ng simoy na hangin, napahikab ako at nagdulot ito ng unting unti pagsara ng aking talukap .

Nang biglang narinig ko ang pagtikhim sa akin tabi. Agad ako napamulat at napatingin sa kaliwa ko ng makita nakatingin sa akin si Mikko.

Tinanong niya ako kung kaya ko pa ba, sa pamamagitan lang ng paggalaw ng labi niya. At sinagot ko lang siya ng isang tango, saka umayos ng upo at tumingin sa akin relo.

Magmamadaling araw na pala. Pero di pa kami natutulog. Sa rason na kinailangan namin mapagusapan ngayong gabi kung ano ba talaga ang nangyari kay Dr.Mansan.

Ang scientist na nag experiment ng mga mutant na gagamba. At kung bakit siya nandito, kung sinabi sa amin ni Dr.Neumann na siya ang una nabiktima ng gagamba.

May nabubuong theorya sa isip ko sa possible nangyari sa kanya. Dahil sa nakikita ko na personalidad ni Dr.Neumann, hindi ko maiwasan isipin na may ginawa siya kay Dr.Mansan.

Nangigigil pa naman ako sa matanda na iyon, dahil napaka kapal niya akuin ang ginawa ni Nyle na solvent. Kung hindi pa nga namin siya pinuntahan, hindi ata niya maiisip iligtas yung mga nabiktima niya na kasamahan dun sa kwarto sa NSL. TSK!

Tapos ganun ganun niya sasabihin sa publiko na may ginawa siya para mabuksan ang nga supot na yun!

Kating kati na ako sugurin ang matanda na iyon. Pero pinipigilan ko lang. Dahil kinailangan pa rin ang panig ni Dr.Mansan . Baka kasi nagkamali lang din ako ng theorya.

Hindi na din kami nagtagal sa ospital at agad na lumabas. Kasi ayaw manatili dun ni Dr.Mansan. Ninais niya sa ibang lugar pag usapan ang nangyari sa kanya.

Kaya naman nandito kami ngayon sa pool area. Kinailangan pa namin humingi ng permiso sa hotel na gamitin ito bilang meeting area. At mabilis naman sila pumayag.

Halos kumpleto kami dito pwera lang kina Gabby, Ginger at Dwight na mga injured kaya nagpapahinga.

"Pumasok ako sa NSL para sa pagmamahal ko sa scientia." Panimula ni Dr.Mansan "Bata pa lang ako gusto ko na talaga manaliksik ng mga bagay bagay dito sa mundo. Maraming akong tanong at hindi ako natatahimik hanggang di ito nasasagot. At isang araw nakita ko sa telebisyon si Dr.Neumann . Nakita ko ang mga gawa niya at napahanga sa kaya niyang gawin at angkin talino. Kaya napagdesisyonan ko na magsumikap at maging kagaya niya. Nakapasok ako sa NSL, at isa iyon sa pinaka malaking karangalan ko sa buhay." Kitang kita ang saya sa mga mata ni Dr.Mansan habang nagkukuwento.

Pero agad din iyon nabura at bigla siya napasimangot.

"At isang pagkakamali din," malamig niyang dugtong.

Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi at gusto ko sana siya tanungin kung bakit pero agad din naman niya sinagot.

"Dahil ang inaakala ko na mapagkakatiwalaan ko ay siya rin palang tatraydor sa akin," aniya "Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kaya niyang gawin iyon sa akin. Ang laki ng respeto at paghanga sa kanya, halos ginawa ko ang lahat para mapansin niya ako. Nagsumikap ako at nagpagilas, kaya naman nagawa ko ang eksperimento na yun. Dahil alam ko mapapabilib ko siya, si Dr.Neumann."

Tumigil siya saglit, habang ang mga mata nakatuon sa ibaba. Walang nagsalita sa amin at nakatingin lang kay Dr.Mansan hinihintay ang kadugtong ng kanyang sasabihin.

Teenage Paranormal Detectives {Season 2}Onde histórias criam vida. Descubra agora