TPD: Chapter 1.7

680 49 17
                                    

Happy 500 Reads TPD! Woot! Woot! Kaya naman sinikap ko talaga matapos ang update na to kasi super thankful ako sa mga sumusuporta sa kwento na to. Kung wala kayo hindi ito magiging successful. Sana hanggang epilogue ng Season 2 nandyan pa rin kayo.

Dedicated to @juLnIxx Hi, Thank you so much for giving my story a chance. Sobrang natutuwa po ako, and Thank you ^^

Enjoy Reading!

Gabby POV

Quick sand...

Noon sa mga palabas at libro ko lang to nababasa. Pero ngayon nakita ko na din ito. Di lang nakita nakalubog pa, the fudge lang!

"Ahhhh!! Malapit na sa bewang ko ang putik!! Taena!! Lulubog na tayo dito!! Ayoko malubog ng buhay!!" Sigaw ni Patrick.

Kanina pa siya sumisigaw simula ng sinabi ni Nyle na natrap kami sa quicksand.

"Patrick, wag kang masyado malikot dyan. Dahil mas bumibilis ang paglubog mo.!" Galit na sabi ni Matrix dito.

"Insan! Wala ka bang naiisip na paraan para makalabas tayo dito? Nyle? Gabby?" Isa isa kami tiningnan ni Patrick para manghingi ng tulong.

Gusto ko man makaalis din dito sa Quick Sand pero nahihirapan din ako magisip ng paraan. The fudge! Wala akong makita bagay na makakatulong sa amin sa kwarto na to!

Parang dead end na dead end talaga kami.

"Sorry Patrick, pero blangko ang utak ko ngayon sa mga ideya." Sabi ko sa kanya

Nanlumo naman si Patrick sa akin sinagot habang ako napayuko dahil sa frustration.

"Meron akong naisip."

Nang marinig ang boses na iyon ni Matrix agad na napa angat ang ulo ko at napatingin sa direksyon niya.

"What do you have in mind Matrix?" Tanong ni Nyle dito

"Kanina ko pa tinitingnan ang distancya sa platform at posisyon ko. Ilang beses ko na ito kinalculate sa isip ko at ang masasabi ko ay pwede ko itong-"

"Nababaliw ka na ba Matrix!" Putol ko dito ng mapagtanto ang plano niya.

"Gabriella, listen to my plan first bago ka mag react-"

"Alam ko ang plano mo Matrix. Kaya nga nasabi ko iyon diba? Gusto mo takbuhin ang distancya ng platform, diba!" Sigaw ko dito

"Gabriella, konti na lang ang distancya na gagawin kong pagtakbo at makakatuntong na ako sa platform. Atsaka makakahanap ako ng magagamit para makahila sa atin-"

"Matrix wag mo ng epush yang plano mo na yan, lalo na at hanggang dibdib na ang putik sayo! Sa atin lahat ikaw na ang unting unti lumulubog. Kaya naman kung kikilos ka pa, panigurado magbababye ka na sa mundong ibabaw. Naiintindihan mo ako?"

Iniwas ni Matrix ang mukha niya sa akin at hindi na nagpumilit pa. Malaking pasalamat ko naman na hindi na siya nakipag away sa akin. Siguro alam din niya na napaka malaking risk kung gagawin niya iyon at possible na mapapahamak-

"What the-! Ah! Ano-hehehe! Shit! Hehehe The heck is this thing!!" Napatili ako ng biglang may naramdaman ako kiliti sa akin mga binti.

Inilublob ko ang aking kamay para makuha ang nakakaliti na bagay na ito pero agad ako napaigtad ng mahawakan ko ang madulas niyang katawan.

The fudge! Para tong sawa dahil ramdam ko ang mahaba niyang katawan na dumadaan daan sa mga binti ko sa ilalim. Gustuhin ko man sana magpanic kasi sawa iyon bes! Pero napapaisip din ako na kapag magpapanic ako may possibilidad na lulubog din ako agad.

Teenage Paranormal Detectives {Season 2}Where stories live. Discover now