GLOWING GEMS 11: KAHARIAN NG VERATHRA

Start from the beginning
                                    

Hindi ko lubos maisalarawan na hindi lamang ako ang tagapangalaga dahil bukod sa akin ay may tatlo pang mga elemento ang pinangangalagaan. Magtatanong pa sana ako kay Gael ngunit hindi ko na mahagilap ang presensya nito, siguradong natutulog na naman ito dahil ayon sa kanya sa tuwing hindi ko raw ito mahagilap ay maaaring tulog ito sa aking kaibuturan.

Patuloy ang aming paglalakbay patungo sa kaharian na aming pupuntahan, tila lumukob sa akin ang pananabik na masilayan at makilala ang iba pang mga tagapangalaga sa 'di malamang kadahilanan.

Ilang saglit pa noong matanaw ko na ang bungad ng kaharian, sadyang napakalawak at malaki ang nasasakupan nito. Sa dulo nito ay natanaw ko ang isang napakalaking gusali na sa pagkakaalam ko ay ito ang palasyo ng kaharian kaya labis akong namangha. Nasa ganoong pagkamangha ako ay siya namang pagtunog ng malakas ng trumpeta galing sa loob ng kaharian. Habang patuloy sa pagtunog ang trumpeta siya namang pagsilabasan ng mga kawal suot ang kulay pula nitong mga kalasag at nagmartsa pasulong sa aking kinaroroonan.

Tumigil sa pagtakbo ang usa na aking sinasakyan at dito ay lumabas sa aking likuran si Gael habang humihikab pa ito.

"Salubungin mo na sila, alam ng kaharian na ikaw ay paparating." Saad ni Gael sabay pumungas ng mga mata nito.

Agad naman akong bumaba at tinungo ang kinaroroonan ng mga kawal sabay na mabilis kong hinawakan ang aking kalasag.

Walang pagiimbot na ako ay lumakad pasulong sa mga kawal na sumasalubong sa akin dahilan upang biglang sumeryoso ang aking mukha dahil sa labis na pagtataka na malamang alam ng mga ito ang aking pagdating.

Nasa ganoong paglalakad ako nang biglang umihip ang hangin sa payapang ritmo nito sa paligid dahilan upang sumabay sa pagihip ang aking kasuotan na tila ako ay isang mandirigma galing sa epikong kwento at palabas.

Ilang saglit pa noong matapat ako sa kinalalagyan ng mga ito, matitikas at parang mga estatwa dahil sa nakapako lamang ang mga ito sa kanilang kinalalagyan. Nasa ganoong pagmagmamasid ako siya namang paglabas ng isang kawal suot ang kulay pulang kalasag na may bahid ng ginto. Naiiba ang kawal na ito dahil sa kanyang kasuotan.

"Maligayang pagdating sa kaharian ng Verathra panginoon." Pagbati nito sabay na hinugot nito ang espada at parang inaalok ito sa akin, lumuhod ito dahilan upang ako ay magtaka. Binigyan ko ng tingin si Gael, tingin na nagsasabing 'ano ang gagawin ko?' Hindi naman ako nabigo dahil agad itong lumapit sa akin.

"Kunin mo ang espada at bigyan mo ito ng basbas sa pamamagitan ng pagwasiwas mo sa espada sa magkabila nitong balikat." Bulong na saad nito kaya wala na akong nagawa kundi ang gawin ang sinabi ni Gael.

Wasiwas here, wasiwas there kasabay nito ang paghiyawan ng mga kawal. Agad namang tumayo ang kawal at matikas na tumindig.

"Muli, maligayang pagdating sa kahariang ito. Ako si Heneral Icarus ng kaharian ng Ignis, nasa iyo ang aking katapatan at dangal." Saad nito sabay na yumuko bilang pagbibigay galang ngunit tanging tango lamang ang aking naisagot sa kadahilanang di ko alam ang dapat kong gawin.

Nagbigay daan naman ang mga kawal kasabay nito ang paglabas ng isang gintong karwahe at huminto ito sa aking harapan. Agad na kaming sumakay rito habang ang usa naman ay dinala ng isa sa mga kawal habang nakasunod sa amin.

Tuluyan na nga kaming nakapasok sa loob ng kahariang ito, at habang nasa daan kami ay napupukaw ang atensyon ng mga tao sa amin at agad na yumuyuko bilang paggalang dahilan upang lumundag ang aking puso sa tuwa.

"Ang kahariang ito ay mapayapa at malayo sa gulo dahil pinangangalagaan ito ng mga tagapangalaga ng mga elemento kaya't walang may nangangahas na sakupin o guluhin ang lupaing ito." Salaysay ni Gael habang nakatuon ang aking paningin sa labas ng karwahe at pinagmamasdan ang mga tao dito.

Glowing Gems Where stories live. Discover now