1

484 14 0
                                        

Chili's POV

Bakit ba ako nabuhay sa mundong ito na puro sakit at hinanakit?, Bakit ba ako ipinanganank na mahirap?, bakit ba ako hindi minamahal nang taong mahal ko?

Iilan lang yan sa mga katanungan ko sa sarili ko na kung bakit ang hirap ng buhay ko. Siguro malas lang talaga ako at hindi ako ipinanganank na mayaman at maayos ang buhay, naiinggit ako sa mga taong ganyan ang buhay. Marangya walang pinoproblema sa buhay kung hindi manatiling maging mayaman.

Pero wala akong magagawa kung hindi tanggapin na lang at magsumikap sa buhay para maabot ang mga bagay na ninanais ko.

" Chili ang lalim ata ng iniisip mo?" Tanong ng best friend kong si Bryce.

" Wala to..." Sagot ko.

" Wala daw...baka iniisip mo nanaman yung hunnybunch mo no?" Nangangasar pato.

" Lagi ko naman siyang naiisip hindi naman sya nawawala sa isip ko.."

" Bakit ba kasi hindi mo lapitan at sabihin mo sa kaniyang gusto mo sya?" Tanong niya.

" Hindi ko kaya.." hindi ko talaga kaya na lapitan siya hanggang tingin na lang ako mula sa malayo.

" Ang torpe mo talaga tol..." Hayy..

" Parang ikaw hindi ahh?!" Siya rin naman makatorpe to.

" Tss. Hindi kaya.." tanggi pa more.

" Tss, tss, ka dyan hindi mo nga rin malapitan yung crush mo tapos sasabihin mo sakin na torpe ako eh ikaw din naman!" Kahit kailan talaga tong kaibigan Kong to.

" Oo na, oo na torpe na kung torpe...Wala rin naman tayong chance sa kanila Kasi langit sila lupa tayo.." Tama siya napalayo nila sa amin.

" Hanggang tingin na lang tayo tol.." nakalungkot talagang isipin.

" At saka tol sa dami ba naman nang nangliligaw sa kanila eh tapos kasing yayaman pa nila tas mga gwapo, Wala tayong panama." Tama ka nanaman hay.

" Kaya nga, at saka mga straight yung mga iyon kaya walang wala talaga tayong chance..." Nakalumbaba na lang kami habang pinagmamasdan ang mga babaeng aming pinapangarap.


" Oh nandito lang pala kayong dalawa kanina pa namin kayo hinahanap."

Ang boses na iyon, Nako naman nandito nanaman sila. Bakit ba kasi kami napansin ng mga babaeng to? Lagi na lang nila kaming pinapahirapan sa araw araw na pumasok kami sa paaralang to.

" Ah-ahmmm, mi-miss Saphire ka-kayo po pala?" Nauutal nanaman ako dahil sa takot.

" Akala niyo ba makakaligtas kayo ngayong araw? " Tanong ng kaibagan niyang si Vivian.

" Hi-hindi naman po sa ganoon miss Vivian.." nauutal ding sambit ni Bryce.

" Oh really? Sa nakikita ko kasi parang tinataguan niyo kami eh.." nakakatakot talaga kapag siya na mismo ang nagsasalita.

" Hindi po miss Saphire , na-nagmemeryenda lang po kami ni Bryce dito kasi Break time namin.." Sana lang ay maniwala sila.

" Ah-ahmmm, sige po aalis na po kami papasok na kami sa next class namin.." papaalis na sana kami nang hawakan ni miss Saphire yung braso ko.

" We're not done yet..." Nako po naman.

" Meron pa po ba kayong kailangan miss Saphire? " Tanong ko.

" May gusto kaba kay Ava?"

" Po?" Paano naman niya nalaman iyon?

" Sabi ko may gusto kaba kay Ava? Kasi kanina nakita kitang nakatingin sa kaniya." Napansin pa niya talaga iyon.

" Wa-wala po miss Saphire..." Gusto ko siya pero hindi pwede.

" Good kasi hindi ka nababagay kay Ava.." alam ko iyon.

" Unang una babae ka.. pangalawa mahirap ka, pangatlo hindi pumapatol si Ava sa mga lesbian na katulad mo.." alam ko.

Nakayuko na lang ako, ang sakit ng mga sinasabi niya pero lahat naman ay totoo.

Pagkatapos nang tagpong yun bumalik na kami ng room namin, pero syempre mayroon nanamang nangyari sa aming dalawa ni Bryce na tinapunanan kami nang kung ano-ano, malamang sa malamang ay inutos yon ng dakilang bully dito sa school namin hay. Sanayan na lang kami ni Bryce para makapasok sa school, buti na lang ay lagi kaming handa sa mga pinaggagagawa nila sa amin.



Nandito kami ngayon sa cr para magbihis.

" Tol? Kailan kaya nila tayo titigilan? Kasi nahihirapan narin ako, Yung mga pambabastos, pananakit, at yung masasakit na salita? " Nangingiyak na sambit ni Bryce. Naluluha din tuloy ako.

" Hi-hindi ko alam Bryce...Hindi ko alam.." naiiyak ko turan.

Sa tagpong ito napahagulgul na lang kami ni Bryce, Hindi na talaga kaya nang dibdib namin ang lahat lahat nang nangyayari sa buhay namin.

" Pero magpakatatag ka lang tayo kayanin natin to nang magkasama, harapin natin ang magulong mundong to." Kayanin nating dalawa ang hamon ng buhay.

" Tama ka...may hangganan ang lahat ng ito.." napangiti ako sa sinabi niya.

" Sabi nga sa damit na suot mo 'Never give up' kaya wag tayong susuko." Labanan natin lahat.

" Tama ka hahaha.." napatawa na rin ako hahaha.

The BullyWhere stories live. Discover now